Watch Now

Kyle Echarri gives update about sister's condition after being diagnosed with brain tumor

by Melba R. Llanera
Jul 22, 2022
Kyle Echarri
Kyle Echarri on younger sister Isabella: “She's doing better than she was a couple of days ago. I'm happy. Ngayon tapos na yung radiation. We had to have a surgery for her, but all is well."
PHOTO/S: @kyleecharri Instagram

Noong Hunyo 2022, emosyonal ang Instagram post ni Kyle Echarri tungkol sa pagkakatuklas niya sa sakit ng nakababatang kapatid na si Isabella.

Si Kyle ay 19 years old, habang si Isabella ay 12 ang edad.

Ayon kay Kyle, inilihim sa kanya ng kapatid na na-diagnose ito ng brain tumor nung May 2, 2022 dahil ayaw nitong makapagbigay ng stress sa kanya habang nagtatrabaho.

Humingi rin ng dasal mula sa mga kaibigan at tagahanga ang Kapamilya actor-singer para sa paggaling ni Bella.

Read: Kyle Echarri heartbroken on discovering younger sister has brain tumor

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kinumusta namin kay Kyle ang kalagayan ni Bella.

“Naghihintay pa rin kami, nasa States siya ngayon. Babalik ako very, very soon para kitain siya saka ang pamilya ko.

“But as of the moment, she's doing better than she was a couple of days ago. I'm happy.

“Ngayon tapos na yung radiation. We had to have a surgery for her, but all is well. So far, all is well. Naghihintay na lang kami sa recovery niya and everything,” sabi ni Kyle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph si Kyle sa celebrity screening ng iWantTFC musical series na Lyric And Beat na ginanap sa Cinema 1 ng TriNoMa mall noong July 18, 2022.

Kabilang sa malalapit na kaibigan ni Kyle na nagpakita ng suporta sa kanya ay ang magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Magkakasama sina Kyle, Kathryn, at Daniel pati na rin sina Joshua Garcia, Ria Atayde at iba pa, sa grupo nilang Nguya Squad.

Aniya tugkol sa KathNiel, "Mahal na mahal ko ang dalawang yun, napakatotoong tao. Nagpapasalamt ako sa kanila, I love them."

HAPPY FOR FRANCINE AND SETH'S TEAMUP

Dating ka-love team ni Kyle si Francine Diaz, na ngayon ay bago na ang onscreen partner. Makakatambal ni Francine si Seth Fedelin sa seryeng Dirty Linen ng Kapamilya Channel.

Ayon kay Kyle, magkaibigan pa rin sila ni Francine kahit hindi na sila ang magka-love team.

"Oo naman, nag-uusap naman kami. She said congratulations dito sa Lyric and Beat and nag-congratulate ako sa Dirty Linen. I'm very happy for her and kung saan siya maggo-grow."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas ba siyang magkatrabahosila m uli ni Francine sa isang proyekto sa kabila na nae-enjoy niya ang pagiging solo actor at di nakatali sa isang love team?

Tugon ni Kyle, "Kung bibigyan kami, bakit hindi?

"Para sa akin, I'm happy that we're going to where we are. At kung magkaroon man ng project together, magkakaroon.

“Solo? Yes, I wanna grow as myself, learn what I can and cannot do."

Nagpahayag din ng saya si Kyle na tila natuldukan na ang di pagkakaintindihan na namagitan sa mga dating kasamahan sa Gold Squad na sina Francine Diaz, Andrea Brillantes, at Seth Fedelin.

Aniya, "Well, ganun talaga ang showbiz, there's a lot of ups and downs. Masaya ako para sa kanila, and kaibigan ko sila."

Read: Seth Fedelin reveals apologizing to Francine Diaz for being dragged into his personal issue

ON NEW SHOW AND SARAH'S RETURN TO ASAP

Napapanood sa digital series na Beach Bros at Lyric And Beat si Kyle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Labis ang pasasalamat ng Kapamilya young actor na tuluy-tuloy ang trabaho na ipinagkakatiwala sa kanya ng Dreamscape Entertainment, isang content provider ng Kapamilya Channel.

"Sobrang blessed yung pakiramdam ko sa mga Dreamscape na shows.

"Nagpapasalamat ako sa Dreamscape dahil hindi pa rin nila ako binibitawan at sinusuportahan pa rin nila ako."

Pina-plug na ng ASAP Natin 'To ang nalalapit na pagbabalik ni Sarah Geronimo sa show.

Bilang dating coach ni Kyle si Sarah sa The Voice Kids Philippines, nagpahayag ng saya ang aktor sa pagbabalik-trabaho ng Popstar Royalty.

"Sobrang happy ako, kinilig ako nung nalaman ko and super happy ako for her.

"Commmunication? Yes and also Kuya Matteo Guidicelli. I talk to them both," sabi niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyle Echarri on younger sister Isabella: “She's doing better than she was a couple of days ago. I'm happy. Ngayon tapos na yung radiation. We had to have a surgery for her, but all is well."
PHOTO/S: @kyleecharri Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results