Watch Now

Moira dela Torre mourns death of longtime personal driver

by Arniel C. Serato
Jul 22, 2022
Moira dela Torre driver's death
Singer Moira dela Torre (right) devastated over passing of longtime personal driver Kuya Baj (left): "Pahinga ka na, Kuya. Mahal na mahal ka namin. Miss ko na tawa mo. Salamat sa lahat. Love you Kuya Baj."
PHOTO/S: Courtesy: @moiradelatorre on Instagram

Nagdadalamhati ang singer at Idol Philippines Season 2 judge na si Moria dela Torre dahil sa pagpanaw ng kanyang longtime personal driver.

Higit pa raw kasi sa pagiging driver ang turing niya kay “Kuya Baj.”

Nitong nakaraang Martes, July19, 2022, ibinahagi ni Moria ang isang video at picture nila ng driver.

Sa caption, randam man ang kalungkutan, nanaig kay Moira ang masasayang alaala kasama ang yumaong driver.

Mensahe ng Kapamilya singer (published as is), “kuya baj, salamat po sa lahat. hindi ka lang naging mabuti na driver sa'kin, kundi mabuting kaibigan narin.

"lahat ng kaibigan ko at mahal ko sa buhay, mula banda hanggang kamag-anak, minahal mo rin.

“hindi ko parin po alam paano magpaalam sa isang katulad mo kuya baj.”

Naging tagapayo rin daw niya ang driver sa mga panahong may dinaramdam siyang kalungkutan. Pati sa mga pagkakataong pakiramdam niya ay nag-iisa lamang siya.

Saad ni Moira, “kaya magpapasalamat nalang ako sa'yo... sa pagtahan sa'kin sa mga araw na mag-isa ako at sa pag-patawa sa amin sa bawat pagkakataong mahanap mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"salamat sa pag-intindi kuya, at sa pagbigay sa akin ng pamilya nung mga araw na pakiramdam ko mag-isa ako. mamimiss ko tawa mo, kuya baj. pati yung mga advice mo na minsan maka-Diyos, minsan bastos [laughing, crying emojis]”

Mensahe pa niya rito, “pahinga ka na, kuya. mahal na mahal ka namin. miss ko na tawa mo. salamat sa lahat. love you kuya baj [pensive face, white heart emojis]”

View this post on Instagram

A post shared by Moira (@moiradelatorre)

Ang pagpanaw ng driver ni Moira ay pangalawa sa malungkot na pangyayari sa kanyang ngayong 2022.

Noong Mayo ay napabalita ang hiwalayan nila ng asawang si Jason Hernandez matapos ang halos tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.

Read: Jason Hernandez announces split with wife Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”

HOT STORIES

Read Next
Read More Stories About
moira dela torre, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Moira dela Torre (right) devastated over passing of longtime personal driver Kuya Baj (left): "Pahinga ka na, Kuya. Mahal na mahal ka namin. Miss ko na tawa mo. Salamat sa lahat. Love you Kuya Baj."
PHOTO/S: Courtesy: @moiradelatorre on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results