Watch Now

Jake Cuenca, Bea Alonzo recall time he courted her

by Khryzztine Joy Baylon
Jul 25, 2022
Bea Alonzo and Jake Cuenca
Bea Alonzo on Jake Cuenca: "Nung nagdi-date kami ni Jake, dinala niya ako sa isang restaurant dito sa Katipunan. Sinurprise niya ako kasi masyado siyang ma-big gestures as a guy."
PHOTO/S: Screengrab Bea Alonzo Youtube

Diretsahang inamin ng Kapamilya hunk actor na si Jake Cuenca na na-in love siya noon sa Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Sa pinakabagong vlog sa YouTube ni Bea noong July 23, 2022, sumalang si Jake sa legit lie-detector test habang sinasagot ang mga tanong na inihanda mismo ni Bea.

Isa sa mga tanong ng aktres: "Na-in love ka ba sa akin?”

Agad namang sinagot ni Jake ngunit tila nagulat at nahihiya, “Wow, what a question! Yeah."

Thumbs up naman ang sagot ng polygraph examiner na ibig sabihin ay nagsasabi ng totoo ang aktor.

Kinakabahang reaksiyon ni Bea, "Buti na lang [nag-thumbs up] kasi kung nag-lie siya, mapi-feel bad [ako]."

Sa puntong ito ay napa-throwback ang dalawa sa kanilang nakaraan.

Kuwento ni Bea, nag-date sila ni Jake noon pero nang tumagal ay nagkasundong maging magkaibigan na lang.

Dagdag pa niya, "magaling" at "sweet" na manliligaw si Jake.

Saad ng Start Up actress, “Alam mo dati, share ko lang, kasi past naman na ito...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi hindi ako nag-prom, so nung nagdi-date kami ni Jake, dinala niya ako sa isang restaurant dito sa Katipunan. Sinurprise niya ako kasi masyado siyang ma-big gestures as a guy.

"Pagdating namin doon sa Ninyo [Fusion Cuisine], ayaw magbukas ng gate. So, ang ginawa niya, nagpaka-action star [siya], umakyat siya sa gate.

"Tapos sabi niya, 'Sandali lang, ha.' Inakyat niya hanggang taas, e, ang taas nung gate.

"Pagpasok namin, [nalaman ko] pinasarado niya pala yung restaurant, tapos ang daming mga flowers. Tapos nag-dance-dance pa kami.

"Ganoon siya ka-sweet na manliligaw."

Na-touch naman si Jake at sinabing "Thank you."

"Kaya naman he's a good catch," dagdag pa ni Bea.

Hindi rin nakatakas si Jake sa tanong ni Bea na "Do you still want to get back with an ex-girlfriend?"

Napa-"wow" na lang si Jake bago sabihing, "I haven't, I have not done that but, yeah."

Mukhang hindi naman na-satisfy si Bea sa sagot ng aktor kung kaya't inulit niya itong tinanong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Do you still want to get back with an ex-girlfriend?"

Sagot ni Jake, "On the past? Yeah, sure, why not?"

Si Miss International 2016 Kylie Verzosa ang huling naging kasintahan ni Jake Cuenca. Noon lamang April 2022, inamin nina Jake at Kylie sa publiko na hiwalay na sila matapos ang kanilang tatlong taong relasyon.

Read: Jake Cuenca confirms breakup with Kylie Verzosa

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo on Jake Cuenca: "Nung nagdi-date kami ni Jake, dinala niya ako sa isang restaurant dito sa Katipunan. Sinurprise niya ako kasi masyado siyang ma-big gestures as a guy."
PHOTO/S: Screengrab Bea Alonzo Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results