Watch Now

Sheryl Cruz explains own eulogy for aunt Susan Roces; says, "It wasn't to spite anyone."

by Rose Garcia
Jul 26, 2022
Sheryl Cruz, Susan Roces
Sheryl Cruz on reportedly strained relationship with aunt Susan Roces before the Queen of Philippine Movies passed away: "To set the record straight, ganito iyan, wag magbibigay ng panghuhusga o opinyon ang mga tao na hindi lubos na nakakaalam ng buhay namin o communication o relationship namin sa isa’t isa."
PHOTO/S: @officialsherylcruz Instagram

Dalawang buwan ang nakalipas mula nang pumanaw si Queen of Philippine Movies Susan Roces, binasag ni Sheryl Cruz ang pananahimik tungkol sa kanyang solong video-recorded eulogy para sa tiyahin.

Hindi kabilang si Sheryl sa mga miyembro ng pamilya na nagbigay ng eulogy sa huling lamay para sa mga labi ni Susan noong May 25, 2022.

Sa halip ay nag-record ng video si Sheryl sa loob ng bahay niya at saka ipinost iyon sa Instagram noon ding araw na iyon.

Read: Sheryl Cruz, nag-record ng sariling eulogy para sa kanyang Auntie Susan Roces

Si Sheryl ay pamangkin ni Susan. Kapatid ni Susan si Rosemarie Sonora, na ina naman ni Sheryl.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sheryl via Zoom nitong July 23, 2022. Dito siya nagpaliwanag sa unang pagkakataon kung bakit siya nagdesisyong gumawa ng sariling eulogy.

Pahayag niya, "To cut things short, there wasn’t really any kind of talks between the family regarding how the program’s going to be read out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, para sa akin, before my aunt was laid to rest, I accustomed it upon myself because I know that it is also my right, and I know how close I was to her to tell the people the good things about her.

"And actually, basically, I just said what was in my heart and I just said everything that I said authentically."

Wala raw siyang intensiyong makasakit ng iba.

“It wasn’t to hurt anyone or it wasn’t to spite anyone,” diin ni Sheryl.

“But it’s because I also needed to celebrate my aunt’s life. Kasi, kung hindi naman mabibigyan sa pagkakataon na ganun, knowing na meron naman nang Internet, I don’t think it’s a bad thing to do, especially kung wala ka namang sinabing masama.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON reported STRAINED RELATIONSHIP BETWEEN SHERYL, SUSAN

Diretsahang tinanong ng PEP.ph si Sheryl tungkol sa haka-hakang may tampuhan pa rin umano sila ni Susan hanggang sa pumanaw ang Queen of Philippine Movies.

Hindi lingid sa publiko na nagkaroon ng lamat ang relasyon nina Sheryl at Susan dahil sa tahasang pagtutol ni Sheryl sa pagkandidato ni Senator Grace Poe sa pagkapresidente noong 2016 elections.

Si Senator Grace ay adopted daughter ni Susan at ng yumao na rin nitong asawa na si Fernando Poe Jr.

Sagot ni Sheryl sa hinalang isyu nilang magtiyahin: “To set the record straight, ganito iyan, wag magbibigay ng panghuhusga o opinyon ang mga tao na hindi lubos na nakakaalam ng buhay namin o communication o relationship namin sa isa’t isa.

“Sa akin, mula pagkabata hanggang sa edad kong ito, alam namin ng tita ko, auntie ko, kung gaano kami kaespesyal sa isa’t isa. Kung gaano namin kamahal ang isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maraming tao diyan sa paligid na, siyempre, nagsususpetsa o umiisip ng kanilang mga sariling kuwento, di ba

“E, hindi na naman iba yun sa ating mga Filipino kahit sa mga tao sa ibang bansa. So, para sa akin, sarili nilang opinyon, they can keep it to themselves.”

Diin ulit ni Sheryl, “Basta ang sa akin, if I say something, it is also my right. Lahat naman tayo, meron naman tayong karapatang magsalita, di ba? Hindi naman yun ibig sabihin nambabastos.”

Nanindigan din si Sheryl na may komunikasyon sila noon ni Susan, at hindi para kuwestiyon iyon ng ibang tao.

Pahayag pa rin ni Sheryl patungkol naman sa mga taong tila apektado raw sa ginawa niya, “Kung ikaw ay naaapektuhan kung ano ang ginawa ko, tanungin mo kaya ang sarili mo kung bakit ka naaapektuhan?

“Kasi, nagko-communicate kami ng auntie ko at hindi naman namin kailangan ipaalam sa buong mundo if we are in communication with each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But the thing is, porke’t ba yung mga nakapaligid sa kanya ay alam ang ginagawa niya, hindi naman ibig sabihin na lahat ng ginagawa niya, alam nila o kung sino man ang mga kausap niya.”

May koneksyon din daw siya sa tiyahin noon.

Dagdag ni Sheryl, “Even my yaya, si Nanay Doray na nag-alaga sa auntie ko, sumasama sa kanya sa mga tapings, nandito sa akin, yun ‘yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

sheryl ON SENATOR GRACE POE

Inalam din ng awtor na ito kay Sheryl kung sila ba ni Senator Grace Poe ay okay sa isa’t isa.

“Honestly, I think it’s been my policy to don’t talk that much,” sagot ni Sheryl.

“And the thing is, ang alam ko na aming nakagisnan dati is dito ako sa gagawin ko, dito ka sa gagawin mo. Wag tayong mag-interfere sa ginagawa ng isa’t isa.”

Dugtong pa rin niya, “Ang sa akin naman, if it’s not true, di ba? Then, we don’t have to make things big. ‘Yung gano’n, ‘yon, e.

“Yung mga nakapaligid sa ‘yo, kung hindi naman totoo, hindi naman kailangan gumawa ng mga kuwento.”

WHAT’S KEEPING SHERYL BUSY

Sa isang banda, ang huling teleserye na ginawa ni Sheryl ay ang Prima Donnas ng GMA-7.

Sa ngayon, naghihintay na lang daw siya sa negosasyon ng kanyang management, ang Artist Circle ni Rams David, at ang bagong teleserye na inila-lineup sa kanya ng Kapuso Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, I’m very grateful na natapos na ang Prima Donnas, I was able to do Wish Ko Lang, Magpakailanman, and recently, Imbestigador yung pinalabas.

“After this, yun na nga, they’re in talks right now with a new series.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sheryl Cruz on reportedly strained relationship with aunt Susan Roces before the Queen of Philippine Movies passed away: "To set the record straight, ganito iyan, wag magbibigay ng panghuhusga o opinyon ang mga tao na hindi lubos na nakakaalam ng buhay namin o communication o relationship namin sa isa’t isa."
PHOTO/S: @officialsherylcruz Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results