Watch Now

Oyo Sotto now recovering from bicycle accident: "God is good"

by Khryzztine Joy Baylon
Jul 27, 2022
Oyo Sotto
Family, friends, and supporters send their prayers and well wishes to Oyo Sotto after he underwent a surgery because of a bicycle accident.
PHOTO/S: Oyo Sotto Instagram

Kasalukuyang nagpapagaling si Oyo Sotto matapos siyang maaksidente habang nagbibiskleta.

Sa Instagram kahapon, July 26, 2022, ibinahagi ng 38-year-old actor na sumailalim siya sa arthroscopic joint reconstruction surgery dahil sa aksidente niya sa bisikleta nitong nakaraang linggo.

Kalakip ng kanyang post ang mga larawan bago siya maaksidente at ang mga kuha niyang larawan sa ospital kasama ang asawa na si Kristine Hermosa.

Caption niya (published as is): "God is good! Surgery (Arthroscopic AC joint reconstruction) done! Had a bike accident last week that led to this."

Nagpasalamat din si Oyo sa Diyos, sa kanyang asawa, at sa mga doktor na umasikaso sa kanya.

"Lord Jesus, maraming salamat, You’re the best, I love you!

"To my wife, I love you very much! Thank you for taking care of me. Iba ka talaga.

"To my doctors, maraming salamat sa inyo."

Sa huli ay pinaalalahanan ni Oyo ang lahat na magdoble-ingat at parating magpasalamat sa Diyos sa kung ano man ang mapagdaanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Keep safe everyone and God bless you all.

"Let’s not forget to thank the Lord in good and especially in bad times."

GET-WELL-SOON MESSAGES

Marami namang fans, kaanak, at kaibigan ni Oyo ang nagpaabot ng dasal para sa kanyang agarang paggaling.

Kabilang sa well-wishers niya ang pinsan na si Quezon City Vice Mayor Gian Sotto at ang kanyang kaibigan na si Ryan Agoncillo.
Oyo Sotto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Oyo Sotto

Oyo Sotto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Oyo Sotto ay anak ng comedian-TV host na si Vic Sotto at ng aktres na si Dina Bonnevie.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Family, friends, and supporters send their prayers and well wishes to Oyo Sotto after he underwent a surgery because of a bicycle accident.
PHOTO/S: Oyo Sotto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results