Watch Now

Valerie Concepcion reveals her daughter now 17 never met her real father

by Melba R. Llanera
Aug 1, 2022
Valerie Concepcion, Francis Sunga, Heather Galang
Valerie Concepcion on daughter Heather Fiona's (upper right) relationship with the actress's husband Francis Sunga (lower right): “Si Francis na talaga ang papa niya. Tanggap na tanggap na niya na papa niya si Francis. Nakakatuwa na si Francis, ‘Kumusta na ang anak natin?’ Ganyan siya magsalita."
PHOTO/S: Pau Gueverra / @v_concepcion Instagram

Inamin ni Valerie Concepcion na hanggang ngayon ay hindi pa nagkikita o nagkakausap man lang ang anak na si Heather Fiona at ang ama nitong si Jeremy Carag.

Gamit ni Heather ang real surname ni Valerie na Galang.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres sa Il Terrazzo, sa may Tomas Morato Avenue, Quezon City, noong July 29, 2022.

Ayon kay Valerie, sinubukan niyang magbukas ng komunikasyon sa pagitan nila ng ama ng anak, pero hindi ito sumagot sa mensahe niya noon.

Lahad ng aktres, "Hanggang ngayon hindi pa nami-meet ng daughter ko yung tatay niya. She's turning 18 this October, debut na niya sa October.

“Nung thirteenth birthday ng anak ko, sabi ng anak ko, ‘Ma, ready na akong makilala si Papa.’

“Tinuruan ko naman kasi siya nung paglaki niya, ‘Papa’ pa rin ang itawag niya, na huwag magtatanim ng sama ng loob kasi kahit na anuman ang gawin natin, tatay niya yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa oras na sinabi niyang ready na siya, nag-message ako dun sa dad, five years later wala namang reply at all,” pagsisiwalat ni Valerie.

READ: Valerie Concepcion says she has completely forgotten the father of her child

Mag-isang itinaguyod ni Valerie ang anak na si Heather.

Wala mang financial support na nakuha si Valerie para sa pagpapalaki kay Heather, hindi iyon isyu para sa aktres kundi ang pambabalewala ng dating karelasyon sa pagiging ama nito sa kanilang anak.

Sa pagkakaalam naman daw ni Valerie ay nasa Pilipinas si Jeremy.

“Support? Wala, okay lang naman yun sa akin. Na-hurt lang ako na nung time na nagsabi ang anak ko na finally ready na siyang makilala ang biological father niya…

“Siyempre na-hurt siya na minessage ko tapos walang reply,” dagdag ni Valerie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila hindi na raw interesado ang anak na makasama ang ama.

Patuloy ni Valerie: “Ngayon tuloy, imbes na hindi siya galit, parang feeling ko ngayon parang may sama ng loob.

“Kasi nung sinabi ko na, ‘Uy, 18th birthday mo na, i-invite ba natin papa mo?’ Sagot niya sa akin, ‘Sino? Si Papa Francis?’”

Ang tinukoy ni Heather na “Papa Francis” ay ang asawa ni Valerie na si Francis Sunga.

Ikinasal si Valerie kay Francis nung December 28, 2021 sa The Hills sa Silang, Cavite.

Read: Valerie Concepcion weds non-showbiz fiancé

Masaya si Valerie dahil maganda ang relasyon ng asawa sa anak.

“Si Francis na talaga ang papa niya. Nung sinabi ko, ‘Hindi, yung totoo mong papa.’ ‘Bakit pa natin siya i-invite?’ May ganun na siya."

Ama na raw ang turing ni Heather kay Francis.

Lahad pa ni Valerie, "Super okay. Nakakatuwa kasi nung una, si Heather parang ano siya, naiilang pa siyang tawaging 'Papa' si Francis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ngayon, tanggap na tanggap na niya na papa niya si Francis. Nakakatuwa na si Francis, ‘Kumusta na ang anak natin?’ Ganyan siya magsalita."

May anak din si Francis bago ito magpakasal kay Valerie; at close din si Valerie sa anak ng asawa.

"Wala pa kaming anak, pero may anak din si Francis. So we have two daughters.

“Super okay kami nung anak niya. Actually, nung nagkakilala kami ni Francis, mas nauna pang nag-‘I love you’ ang anak niya kaysa sa akin.

"She's turning 14. Nasa Guam siya."

Valerie Concepcion, Francis Sunga

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Sinu-sino ang agaw-eksena sa GMA Thanksgiving Gala 2022?

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP WITH HUSBAND

Sa ngayon ay nasa Guam si Francis kasama ang anak nito kaya long-distance relationship muna ang peg ng mag-asawa.

“Actually, para pa rin kaming magdyowa, e. Sa totoo lang kasi, LDR pa rin kami kasi yung work ko nandito, siya nasa Guam.

“So, hindi pa rin ako nakaka-stay dun nang matagal na talagang magkasama kami sa isang bahay lang. Para pa rin kaming magdyowa.

“So, yung adjustment ng pagiging mag-asawa, feeling ko mararamdaman lang namin pag nag-move na ako dun o siya ang mag-move sa Philippines.

“Mag-move dun, eventually yes, and siya willing din naman siyang mag-move dito sa Pilipinas. Depende, wala pa kaming final plan."

Buo ang tiwala ni Valerie sa asawa kahit magkalayo sila.

Saad niya, "At first, hindi ko akalain magwo-work ang LDR kasi sa mga nakarelasyon ko before, even nasa Pilipinas lang, selosa ako. Lagi akong parang paranoid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko nga, kung sino pa ang malayo, yun pa ang nakapagpa-feel sa akin na secured na secured ako, na wala akong dapat ipagselos.

“Siyempre, hindi tayo sure, malayo, e. But the way he makes me feel is talagang nararamdaman ko na feeling secured ako. Hindi ako nagseselos, di ako nai-insecure."

Francis Sunga, Valerie Concepcion

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON HAVING A NON-SHOWBIZ PARTNER

Pinili ba talaga ni Valerie na non-showbiz ang mapangasawa para malayo sa intriga?

“In my own opinion, it works for me. Kasi, kung mapapansin niyo, never akong nagkaroon ng artista na naging dyowa, o kahit dinate, wala talaga.

“Di ko alam… For some reason, parang feeling ko kasi, napapraning ako. Halimbawa, naging dyowa ko si ganito, tapos sa susunod makikita ko na dyowa na siya ng katrabaho ko.

“Parang di ko kaya, kaya as much as possible talagang iniwasan ko na mag-showbiz na boyfriend, kaya nagwo-work sa akin."

Plano na ba nilang magkaanak?

Sagot ni Valerie: "We're trying naman na magka-baby na uli since last year pero wala pa, e, hindi pa nabibiyayaan. So, kung kailan na lang darating."

ON FRIENDSHIP WITH AI-AI DELAS ALAS

Parte si Valerie ng katatapos na Kapuso prime-time series na Raising Mamay. Masaya siya dahil sa positive feedback na natatanggap ng show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang ganda ng pagtanggap ng mga tao kaya marami ang nagre-request ng Book 2. Hopefully, magkaroon talaga.

“We had so much fun doing it. Two months kaming diretsong naka-lock in, kaya para kaming naging family talaga dun sa set.

"Lahat magkakasundo so gusto namin sana magka-Book 2 talaga."

Masaya rin si Valerie sa pagkakaibigan na nabuo sa pagitan nila ng Raising Mamay lead actress na si Ai-Ai delas Alas.

“Ay! Super okay, kasi before kilala naman natin si Ms. Ai. Siyempre maliit lang naman ang industriya natin.

“First time ko siya makatrabaho, naging close ako agad sa kanya.

“Nakakatawa kasi nagkasundo kami. Sabi niya, ‘O, pag nagpunta ka sa Amerika dalawin mo ako, magdaldalan tayo.’ Yung ganung level na, na sobrang nag-click kami, so okay."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Valerie Concepcion on daughter Heather Fiona's (upper right) relationship with the actress's husband Francis Sunga (lower right): “Si Francis na talaga ang papa niya. Tanggap na tanggap na niya na papa niya si Francis. Nakakatuwa na si Francis, ‘Kumusta na ang anak natin?’ Ganyan siya magsalita."
PHOTO/S: Pau Gueverra / @v_concepcion Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results