Watch Now

Herlene Budol vows Binibining Pilipinas 2022 to be her last

by Bernie V. Franco
Aug 1, 2022
herlene budol
Herlene Budol earns praises from Unkabogable Star Vice Ganda and beauty-queen-turned-celebrity MJ Lastimosa. Herlene finished first runner-up in the recently concluded Binibining Pilipinas 2022 pageant.
PHOTO/S: Sany Chua

Trending topic pa rin sa Twitter si Herlene Nicole Budol kasunod ng pagpuwesto niya bilang first runner-up sa katatapos lang na Binibining Pilipinas 2022 pageant.

Ginanap ang 58th edition ng national pageant sa Araneta Coliseum nitong Linggo ng gabi, July 31, 2022.

Read: Nicole Borromeo of Cebu City crowned Bb. Pilipinas International 2022

Kabilang ang It's Showtime host na si Vice Ganda at si Miss Universe Philippines 2014 Mary Jean “MJ” Lastimosa sa mga humanga sa ipinamalas na galing sa pageant ng dating Wowowin co-host.

Pero pagbubunyag ni MJ, wala nang balak sumabak sa beauty pageants si Herlene pagkatapos ng Binibining Pilipinas dahil "last" na raw niya ito.

Buong tweet ni MJ: “Chinika ko si Budol Sabi ko proud ako sayo ang galing mong sumagot! Sumali ka pa ulit.

“Sagot niya: last ko na to ate. Aww why naman langga. #nicolebudol”

herlene budol

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, sa interview ng press sa Binibining Pilipinas 2022 winners pagkatapos ng grand coronation, nausisa si Herlene kung pinagpaplanuhan pa nitong sumali sa pageant.

May pag-aalangan ang sagot ni Herlene.

Aniya, “Yun po yung di pa natin alam. God’s will ‘yan. Antayin lang po natin kung saan po tayo dalhin ng panahon.”

Ang tiyak ngayon ay balik-trabaho muna si Herlene pagkatapos ng pageant.

“Babalik po tayo ng showbiz at siyempre, gagampanan ko rin po yung mga trabaho ko na kailangan pong gawin sa Binibini.

"Kaya see you, GMA!"

Ang Binibining Pilipinas 2022 ang unang national pageant na sinalihan ni Herlene.

Si Herlene din ang may pinakamaraming special awards na nakuha—8 out of 25.

VICE, MJ LAUD HERLENE

Sa Top 12 semifinalists, tanging si Herlene ang sumagot sa Tagalog.

Nagmula ang kanyang tanong kay Cecilio Asuncion, founder and director ng Slay Model Management.

Ang tanong: "A beauty pageant is a space for transformation. What has been your biggest character transformation since you joined and how could this make you deserving of a crown tonight?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinagalog din ito ni Asuncion: “Ang beauty pageant ay isang lugar para sa transpormasyon. Anong transpormasyong importante ang nangyari sa iyo habang nandito ka sa Binibining Pilipinas.”

Sagot ni Herlene: "Para sa 'kin, isang karangalan na nakatungtong ako dito sa Binibining Pilipinas bilang isang binibining hindi inaasahan.

"Para sa 'kin, ang sarap palang mangarap. Ang sarap mangarap. Walang imposible.

"Isa po akong komedyante na laki sa hirap, at ang aking transpormasyon ay ang magbigay ng inspirasyon. Because I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission."

Tweet ni Vice: “E ung naiyak ako para kay Hipon! Waaaahhh! Love u Herlene!”

vice ganda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinost din ng It’s Showtime host ang side-to-side pasarela walk niya mula sa isang pelikula at ng kandidatang si Chelsea Lovely Fernandez.

Tweet ni Vice: “O diba!!! Ika nga ni Hipon from comedy to inspiration! Chozzz!!!”

[twitter:

]

Papuri naman ni MJ sa pagta-Tagalog ni Herlene: “Ganyan nga Nicole Budol normalize using our language in Philippine beauty pageants, coz why not?!!!!”

Pagbubunyag pa ni MJ: “Kalahati ng Araneta fans ni Budol, bet!”

mj lastimosa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

mj lastimosa

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol earns praises from Unkabogable Star Vice Ganda and beauty-queen-turned-celebrity MJ Lastimosa. Herlene finished first runner-up in the recently concluded Binibining Pilipinas 2022 pageant.
PHOTO/S: Sany Chua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results