CA orders Taguig Prosecutors to file rape, acts of lasciviousness charges vs Vhong Navarro

by Arniel C. Serato
Aug 1, 2022
CA orders Taguig Prosecutors to indict Vhong Navarro
The legal battle is not yet over between Vhong Navarro and Deniece Cornejo as the Court of Appeals finds the Department of Justice decision to deny the latter's petition for review "erroneous" and directs the Taguig Prosecutor's Office to indict the comedian-TV host for rape and acts of lasciviousness.
PHOTO/S: Courtesy: @vhongx44 on Instagram / Deniece Cornejo on Facebook / File

Ipinag-utos ng Court of Appeals (CA) sa Taguig Prosecutor's Office na sampahan ng kasong rape at acts of lasciviousness ang It’s Showtime host na si Vhong Navarro.

Kaugnay ito ng reklamong rape na isinampa ng model na si Deniece Cornejo laban kay Vhong noong taong 2014 dahil sa umano’y pangmomolestiya ng TV host sa kanya sa isang condo sa Taguig City.

Read: Deniece Cornejo files rape case against Vhong Navarro

Sa dalawampu’t anim (26) na pahinang desisyon ng CA 14th Division noong July 21, 2022—na inilabas kahapon, July 31—pinaboran ng hukuman ang petition for review na inihain ni Deniece. Isinantabi na ng CA ang mga resolusyon ng Department of Justice (DOJ) noong April 30, 2018 at July 14, 2020.

Bahagi ng desisyon ng korte, ayon sa ulat ng The Manila Times: "Cornejo decries attempted rape on the night of January 22, 2014 while Navarro denies any wrongdoing. We reiterate once more that the preliminary investigation is not the proper venue on the respondent's guilt or innocence.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napuna raw ng CA na may pagkakamali ang DOJ sa hakbang nilang ipabasura ang petition for review ni Deniece.

Nakasaad sa desisyon, "It was erroneous for the DOJ to deny Cornejo’s petition for review on the ground that her statements in the complaint-affidavits are inconsistent and incredible. In this regard, it bears to stress that the determination of probable cause does not depend on the validity or merits of a party’s accusation or defense or on the admissibility or veracity of testimonies presented.”

Dagdag pa ng korte, "The element of carnal knowledge is likewise present when she sufficiently alleged that he successfully inserted his fingers in her vagina before proceeding to satiate his lust by forcing his penis in her vagina after she struggled with him as he mashed her breasts and tried to remove her shorts.”

Sinabi ni Vhong noon na nagkaroon sila ng oral sex ni Deniece noong January 17, 2014.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon pa sa comedian-TV host, may consent umano si Deniece sa ginawa nila, ngunit itinanggi ito ng modelo sa huli.

Read: Vhong Navarro reveals alleged sexual encounter with Deniece Cornejo; Deniece claims she was raped

Pagpapatuloy pa ng korte, "Given the peculiar nature of rape, it almost always presents a 'he said, she said' scenario which leaves the trial court the task to decide whom between the private complainant or the accused should it believe. On one hand, justice must be rendered to a rape victim bearing in mind that she is physically, psychologically, emotionally and socially scarred.

"On the other hand, an accusation of rape can be made with facility, and while the accusation is difficult to prove, it is even harder for the accused, though innocent, to disprove.

"Ultimately, it falls upon the trial court to determine who between Navarro and Cornejo speaks the truth. Cornejo decries attempted rape on the night of January 22, 2014 while Navarro denies any wrongdoing on his part. We reiterate once more that the preliminary investigation is not the proper venue to rule on the respondent's guilt or innocence.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Finally, it must be borne in mind that the admissibility or inadmissibility of the parties' evidence should be ventilated before the trial court during the trial proper and not in the preliminary investigation."

Ang desisyon ay pinirmahan ni Associate Justice Florencio Mamauag Jr., at sinang-ayunan nina Associate Justices Victoria Isabel Paredes at Mary Charlene Hernandez-Azura.

CA orders Taguig Prosecutors to indict Vhong Navarro

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE MAULING INCIDENT

January 24, 2014, naging laman ng balita ang diumano'y pag-atake kay Vhong ng ilang mga hindi kilalang lalaki sa isang condominium unit sa The Fort, na kanyang pinuntahan sa imbitasyon ng isang kaibigang babae.

Ayon pa sa report, itinali, piniringan ang mga mata, binugbog, at hiningan pa diumano ng pera ng mga suspek si Vhong sa insidenteng nangyari noong January 22.

Sa exclusive phone interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa direktor na si Chito Roño, na siya ring talent manager ng comedian-TV host, sinabi nitong hindi pa sila maaaring magbigay ng kumpletong detalye tungkol sa pambubugbog kay Vhong.

“Kasi ayaw pa ng lawyers. Meron pa silang mga inaayos. Kung ano yung nasa balita, hanggang dun lang siguro ako puwedeng mag-reveal ngayon.”

Dagdag pang detalye ni Direk Chito noon sa PEP, “Except that Vhong is badly mauled, ‘no, a, anim yata na tao, tinali siya, tapos inano siya…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"You can imagine kung ano ang pinagdadaanan niya sa ngayon."

Read: Vhong Navarro tied, blindfolded, and beaten by six unknown men

Damay rin sa isyu ang negosyanteng si Cedric Lee—na malapit na kaibigan ni Deniece—na itinuro ni Vhong na siyang bumugbog sa kanya, kasama ng lima pang kalalakihan.

JANUARY 17, 2014 MEET-UP: DENIECE'S VERSION

Sa March 2014 issue ng YES! Magazine, detalyadong inilatag ang isyung kinasasangkutan nina Vhong, Deniece, at Cedric.

Sa product launch ng isang kilalang shoe brand sa Glorietta unang nagkakilala sina Deniece at Vhong noong 2011.

Ayon kay Deniece, namimili siya noon ng sapatos para sa kanyang mga kapatid na lalaki nang biglang pinaringgan siya ni Vhong at sinabing, "Ang ganda talaga…" habang nakatitig sa kanya.

Nakuha raw ng actor-host ang kanyang mobile number mula sa isang staff na nanghingi ng contact details ni Deniece noong mismong event.

Mula noon, ayon kay Deniece, madalas siyang kumustahin ni Vhong sa pamamagitan ng pagpapadala ng text messages o kaya naman ay pag-follow sa Facebook fan page niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugma naman ito sa kuwento ni Vhong na una niyang nakita si Deniece sa isang shoe store, kunsaan hiningi niya ang numero ng dalaga.

Inamin din niyang nagkapalitan sila ng mensahe ni Deniece sa text at Facebook noon. Ngunit matagal ding natigil ang kanilang komunikasyon.

Bago magtapos ang 2013 ay muling nanumbalik ang komunikasyon sa pagitan nina Deniece at Vhong sa pamamagitan ng Viber.

Ayon kay Deniece, panay ang kulit sa kanya ng actor-host sa Viber at Facebook na kumain sila sa labas.

Ngunit ilang beses daw tinanggihan ng dalaga si Vhong, at palaging idinadahilan ang kanyang pagiging abala sa trabaho.

Kinalaunan ay naging palagay na ang loob ni Deniece kay Vhong, kaya pumayag siyang makipagkita rito noong gabi ng January 17.

Pumayag si Deniece na papuntahin sa kanyang condo si Vhong upang makaiwas sa tsismis, gawa ng “celebrity status” ng actor-host.

Kampante rin daw ang dalaga na patuluyin si Vhong dahil inaasahan niyang sasamahan sila ng kanyang kaibigang babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa rin sa sinumpaang salaysay ni Deniece, siya mismo ang sumalubong kay Vhong sa lobby ng condo at sabay silang pumanhik sa kanyang unit.

Pumuwesto raw sa sofa si Vhong habang si Deniece naman ay nagtungo sa kanyang study table at nagtapos ng trabaho gamit ang kanyang laptop.

Hindi sila gaanong nakapagkuwentuhan kaya biniro siya ni Vhong at sinabing, “Ano ba ‘yan, magkikita tayo 'tapos trabaho nang trabaho. Hindi ka nag-e-entertain ah.”

Sumagot daw si Deniece at sinabing hinihintay pa niya ang pagdating ng kanyang kaibigan bago sila sama-samang mag-“hang out.”

Sa huli, nagpasya si Deniece na pauwiin na lamang si Vhong, matapos tumawag ang kanyang kaibigan at sinabing hindi na ito makakapunta sa condo.

JANUARY 17, 2014 MEET-UP: VHONG’S VERSION

Sa sinumpaang salaysay ni Vhong, idinetalye niyang may namagitang sexual act sa pagitan nila ni Deniece noong gabi ng January 17.

Una ay uminom daw sila ng isang boteng white wine sa sala ng condo unit ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ay nagsimula silang “nagkulitan” sa sofa at saka itinuloy ang kanilang sexual act sa kama ni Deniece.

Ngunit nilinaw ni Vhong na hindi natuloy sa sexual intercourse ang “kulitan” nila, at nagpasya siyang umalis ng condo unit ni Deniece bandang 1:30 a.m. ng ika-18 ng Enero 2014.

Bandang 2:35 a.m., nakatanggap daw si Vhong ng tawag sa telepono mula kay Deniece.

Nasundan pa ito ng isang text message, kunsaan tinawag ni Deniece na “Sweetie” si Vhong at malambing na nangungulit na magkita ulit sila.

JANUARY 22, 2014 INCIDENT: VHONG’S VERSION

Dagdag pa sa sinumpaang salaysay ni Vhong, bandang 10:45 ng gabi ng January 22 nang dumating siya sa Forbeswood Heights condominium upang bisitahin si Deniece.

Galing siya sa isang restaurant sa The Fort at may dalang take-out food para sa dalaga.

Base sa instruction ni Deniece, diretsong nagtungo si Vhong sa unit nito sa second floor ng condo.

Nagkasalubong daw sila sa may bandang elevator sa second floor, at sabay na pumasok sa loob ng unit ni Deniece.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang saglit lang pagkatapos ilapag ni Vhong sa mesa ang dala niyang pagkain, napansin ng actor-host na lumabas ng unit ang dalaga.

Laking-gulat ni Vhong nang bigla na lang may lumabas na dalawang lalaki mula sa kuwarto ni Deniece.

Sa puntong ito, tinutukan ng baril, piniringan, ginapos, pinagsusuntok, at pinagsisipa si Vhong ng dalawang lalaki.

Maya-maya pa ay may dumating pang ibang kalalakihan na tumulong sa paggulpi sa actor-host.

Kuwento pa ni Vhong, hinubad ng mga ito ang pang-ibaba niyang kasuotan at kinunan ng video ang maselang bahagi ng kanyang katawan.

Pilit din umanong pinasasabi sa kanya sa harap ng camera ang mga katagang, “Ako si Vhong Navarro, ni-rape ko ang kaibigan ko," habang tinututukan siya ng baril.

Walang nagawa si Vhong kundi sundin ang ipinag-uutos ng mga lalaking gumulpi sa kanya.

Ito ay sa kadahilanang pinagbantaan daw ng mga ito na papatayin siya at ang kanyang pamilya.

Pilit din umanong pinagbabayad si Vhong ng malaking halaga “para sa damage ko raw kay Deniece.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JANUARY 22, 2014 INCIDENT: DENIECE'S VERSION

Ayon naman sa sinumpaang salaysay ni Deniece, kampante siyang papuntahin si Vhong sa kanyang condo noong gabi ng January 22.

Ito ay sa kadahilanang inaasahan niya ang pagdating ng iba pa niyang kaibigan na nakatakda niyang kitain noong gabi ring iyon.

Pagdating ni Vhong sa kanyang unit, nagtungo si Deniece sa kusina upang iligpit ang kanyang pinagkainan.

Sinundan daw siya ng actor-host, lumapit sa tabi niya, at hinaplos-haplos ang kanyang buhok, likod, at braso.

Nakaramdam ng pagkailang si Deniece kaya sinaway niya si Vhong at sinabing: “Kuya, ayaw ko. Sorry hindi ko talaga ito magagawa.”

Sa puntong iyon ay ginamitan daw siya ng lakas ni Vhong, puwersahang kinaladkad papuntang sofa sa may sala, at sinimula umanong gahasain.

Pilit daw nanlaban si Deniece kaya saglit siyang nakawala at nakatakbo papunta ng kanyang kuwarto.

Ngunit mabilis daw siyang nasundan ni Vhong at pilit na pinagsamantalahan.

Ilang sandali pa ay dumating ang mga kaibigan ni Deniece at nadatnan daw ang ginagawang karahasan ng actor-host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tulong ng mga ito ay nakawala raw si Deniece mula sa pagkakadagan ni Vhong.

Agad daw tumakbo ang dalaga papunta sa kaibigan niyang babae na kasamang nagbigay ng saklolo sa kanya.

Bagamat hysterical siya noong una, nang kumalma si Deniece ay nagpasya raw siyang dalhin nila si Vhong sa presinto, upang ipa-blotter ang panghahalay na ginawa nito sa kanya.

JANUARY 25, 2014: ATTEMPTED RAPE COMPLAINT

Noong January 25, naiulat sa 24 Oras Weekend ng GMA Network ang tungkol sa police blotter, kunsaan nakasaad ang attempted rape complaint ng isang 22-year-old na estudyante laban kay Vhong.

Ang kabuuan ng blotter report ay inilathala sa March 2014 issue ng YES!

Dito ay makikita na pinangalanan ni Deniece sina Cedric at Bernice Cua Lee bilang mga kaibigan niyang tumulong sa pagsagawa ng “citizen arrest” laban kay Vhong.

JANUARY 26, 2014: VHONG NAMES ASSAILANTS

Sa ulat ng PEP.ph noong January 26, kinumpirma ng legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga na totoong ipina-blotter si Vhong ng isang 22-year-old complainant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit nilinaw ng abogada na pawang kasinungalingan ang alegasyong panggagahasa laban sa actor-host.

Read: PEP EXCLUSIVE. Vhong Navarro’s camp denies attempted rape allegation

January 26 din nang unang isiniwalat ni Vhong—sa isang taped interview ng Buzz Ng Bayan—kung ano ang kuwento sa likod ng nangyaring pambubugbog sa kanya noong gabi ng January 22.

Dito unang pinangalanan ni Vhong sina Deniece at Cedric na siyang may pakana umano ng nangyaring karahasan sa kanya.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

Read: Vhong Navarro: “Hindi po ako rapist.”

JANUARY 27, 2014: DENIECE DENIES VHONG'S STORY

Isang araw pagkatapos ng rebelasyon ni Vhong sa Buzz Ng Bayan, lumantad si Deniece Cornejo sa publiko at nagpaunlak ng panayam sa iba’t ibang media outfit.

Ibinahagi niya na parang kapatid ang turing niya sa actor-host, kaya sobra raw siyang nasaktan sa ginawa nitong tangkang panghahalay sa kanya.

Read: PEP EXCLUSIVE. Deniece Cornejo on Vhong Navarro: “Pinakitaan ko siya ng kabutihan, sinuklian niya ako ng kasamaan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Deniece Cornejo stands by attempted rape allegation against Vhong Navarro; bent on filing case against him

Maging si Cedric ay nagpaunlak ng panayam sa media upang bigyang-linaw umano kung bakit siya nasangkot sa pambubugbog kay Deniece.

Dito sinabi ni Cedric na wala silang relasyon ni Deniece na higit pa sa pagiging magkaibigan.

Read: PEP EXCLUSIVE. Cedric Lee claims it was Vhong Navarro who begged Deniece Cornejo not to file attempted rape complaint: “Ayaw niyang masira yung career niya.”

Read: PEP EXCLUSIVE. Cedric Lee denies extortion allegation of Vhong Navarro’s camp: “I don’t need to resort to that kind of raket para kumita ng pera.”

JANUARY 28, 2014: VHONG FORMALLY FILES MULTIPLE COMPLAINTS

Noong January 28, pormal na naghain ang kampo ni Vhong ng reklamong serious illegal detention, serious physical injuries, grave threat, grave coercion at blackmail laban sa grupo nina Deniece at Cedric.

Read: Vhong Navarro’s camp files multiple cases against Cedric Lee, Deniece Cornejo, other suspects

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Cedric Lee, Deniece Cornejo slapped with serious illegal detention raps

JANUARY 29, 2014: DENIECE FORMALLY FILES RAPE COMPLAINT

Noong January 29, personal na nagtungo si Deniece, kasama ng kanyang legal counsel na si Atty. Howard Calleja, sa Taguig Prosecutor’s Office.

Ito ay upang pormal na magsumite ng kanyang sinumpaang salaysay, kaugnay ng reklamong panggagahasa na isinampa niya laban kay Vhong.

Ipinaliwanag ni Atty. Calleja na hindi lang basta attempted rape ang dinanas ni Deniece, base sa kuwento ng kanyang kliyente.

Read: Deniece Cornejo files rape complaint against Vhong Navarro

FEBRUARY 6, 2014: VHONG SUBMITS EVIDENCE TO DOJ

Noong February 6, personal na nagpunta si Vhong sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ).

Ito ay upang panumpaan at lagdaan ang kanyang supplemental affidavit kaugnay ng pambubugbog sa kanya sa Forbeswood Heights, Taguig City, noong January 22.

Read: Vhong Navarro submits supplemental affidavit to DOJ

Kasama rin sa isinumite ni Vhong ang nakalap na CCTV footage ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa Forbeswood Heights, Taguig City, at iba pang ebidensiya laban sa grupo nina Deniece at Cedric.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vhong Navarro submits evidence of mauling incident; Cedric Lee’s alleged text messages

FEBRUARY 14, 2014: COURT JUNKS DENIECE'S PLEA FOR LOOKOUT ORDER

Hindi nakadalo si Deniece sa unang preliminary investigation ng DOJ nuong February 14, kaugnay ng reklamong isinampa nila ni Vhong sa isa’t isa.

Ito ay sa kadahilanang kinailangan niyang humarap sa pagdinig ng Temporary Protection Order na isinampa niya laban kay Vhong sa Taguig Regional Trial Court. Ngunit hindi pinagbigyan ng korte ang petisyon ni Deniece.

Ang paliwanag ni Atty. Mallonga, “...walang basehan sa petition to assume that there is a relationship between Vhong and Deniece, so as to put it within the ambit of the law.

“Ang TPO, sa ilalim ng probisyon ng VAWC [Violence Against Women and their Children Act], ay nagbibigay proteksiyon para sa mga babaeng biktima ng pang-aabuso ng kanilang relasyon [mag-asawa o magkasintahan]."

Read: Court junks Deniece Cornejo’s TPO petition against Vhong Navarro

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FEBRUARY 21, 2014: SECOND PRELIMINARY HEARING AT DOJ

Humarap ang grupo nina Deniece at Cedric sa DOJ nuong February 21 para sa ikalawang pagdinig ng preliminary investigation kaugnay ng nangyaring pambugbugbog kay Vhong.

Dito ay napilitan ang kanilang kampong magsumite ng counter-affidavit, matapos ibasura ng prosecutors ang inihain nilang omnibus motion.

Read: DOJ panel junks omnibus motion of Deniece Cornejo; Cedric Lee’s lawyer denies delaying tactis

Sa kabilang banda, nagkaroon ng pagkakataon si Deniece na lagdaan at panumpaan ang rape complaint na isinampa niya laban kay Vhong.

Kasabay nito ay nanindigan si Atty. Calleja na may basehan ang alegasyong panggagahasa na inihain ni Deniece laban sa actor-host.

Read: Deniece Cornejo’s lawyer insists rape can happen in less than a minute

Naghain din si Deniece ng affidavit reply kunsaan sinabi niyang hinalay siya ni Vhong sa dalawang magkaibang okasyon.

Read: Deniece Cornejo claims Vhong Navarro raped her not once but twice

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay sa kabila ng CCTV footages na inihaing ebidensiya ni Vhong, upang pabulaanan ang alegasyon ni Deniece.

Read: Vhong Navarro’s story matches CCTV footage, says NBI

Read: New CCTV footage shows Cedric Lee and Deniece Cornejo kissing in the elevator after filing blotter report against Vhong Navarro

GUILTY VERDICT AGAINST CEDRIC, DENIECE

Noong July 2018, naging emosyunal si Vhong nang marinig ang balitang guilty ang hatol sa kasong grave coercion na isinampa niya laban kina Cedric, Deniece, at Jed Fernandez sa Metropolitan Trial Court, Taguig Branch 74.

Ang PEP.ph ang unang naglabas ng balita tungkol sa desisyon ng korte, base sa eksklusibong panayam sa legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga noong July 27, 2018.

Read:Cedric Lee, Deniece Cornejo found guilty in Vhong Navarro grave coercion case

Pahayag ni Vhong, “Sobrang saya kasi ito yung justice na hinihintay natin, e.

"Parang bumabalik sa alaala ko yung mga pinaggagawa sa akin, pwersahan kang pinapirma sa hindi mo naman kagustuhan, tinakot ka, sinaktan ka, binantaan ang pamilya mo, tinutukan ka ng baril."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PRESENT DAY

Pagkalipas ng walong taon, muling nabuhay ang kasong isinampa ni Deniece laban kay Vhong dahil sa desisyon ng Court of Appeals.

Positibo ang naging reaksiyon dito ni Deniece.

Sa kanyang Facebook ngayong araw, August 1, 2022, ibinahagi niya ang isang tula na isinulat daw para sa kanya noong nakapiit pa siya sa detention cell ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame, Quezon City noong June 2014.

Ito ay may kaugnayan sa kasong serious illegal detention na isinampa ni Vhong laban sa kanya at iba pa, kasama na ang negosyanteng si Cedric.

Sabi ni Deniece sa caption: "August 1, After 8 years I still keep this beautiful poetry made for me in detention."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pang ibininigay na pahayag si Vhong ukol sa utos ng Court of Appeals.

Sa kabila nito ay patuloy pa rin si Vhong sa pagtatrabaho dahil pumasok siya sa It's Showtime ngayong araw.

CA orders indictment of Vhong Navarro

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa maaaring ihayag ng mga taong nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The legal battle is not yet over between Vhong Navarro and Deniece Cornejo as the Court of Appeals finds the Department of Justice decision to deny the latter's petition for review "erroneous" and directs the Taguig Prosecutor's Office to indict the comedian-TV host for rape and acts of lasciviousness.
PHOTO/S: Courtesy: @vhongx44 on Instagram / Deniece Cornejo on Facebook / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results