Watch Now

Anthony Taberna swears never receiving financial help from First Family for daughter's medical bills

by Jerry Olea
Aug 1, 2022
taberna family
Anthony Taberna with wife Rossel and their daughters Zoey and Helga during the birthday celebration of Rossel at Elements Centris, in Quezon City, Sunday night, July 31, 2022.
PHOTO/S: Outbox Media

Mahigit anim na buwan na nagpagamot si Zoey Taberna ng leukemia sa Singapore. Sinamahan siya roon ng mga magulang na sina Anthony “Ka Tunying” Taberna at Rossel Taberna, pati na sister na si Helga.

Read: Anthony Taberna's daughter Zoey now cancer-free: "I thought that it was the end for me."

Siyempre pa, malaki ang nagastos nila roon. May mga tumulong ba sa kanila financially, o sila lang ang bumalikat ng gastusin?

“Gusto kong ipagtapat sa inyo na bago po kami magpunta ng Singapore, hindi ko naman masyadong iniintindi iyong Facebook saka YouTube,” lahad ni Ka Tunying nitong Hulyo 31, Linggo ng gabi, sa Elements Centris, Quezon City.

“Hindi ko siya masyadong iniintindi. Pero gusto ko pong sabihin sa inyo na ang YouTube at Facebook ay napakalaking bagay po sa akin noong panahong nangangailangan ako ng pantustos.

“Of course, meron naman po kaming sariling naipundar over the years, and in fact sa inyo ko lang sasabihin...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ahhh, bago po kami umalis ay kinausap ko po ang misis ko. Kasi, nagpadala ng cost estimate po ang doktor na baka ganito ang gastusin.

“Sabi ko sa misis ko, ‘Willing ka ba na bumalik tayo dun sa dati nating tinitirhan sa Novaliches, katabi ng sementeryo?’

“Yun po ang unang bahay namin na ginagawa po namin ngayong commissary ng tinapay.

“Sabi ko, ‘Willing ka bang bumalik dun?’ Sabi niya, ‘Bakit?’ ‘Ahh, kasi baka kailangan nating ibenta itong bahay natin ngayon.’

“Ahh, alam niyo ang sagot sa akin ng misis ko kaya lumakas ang loob ko? Sabi niya, ‘Kahit saan tayo tumira, basta kumpleto tayo!’”

Singit ni Rossel na katabi ni Ka Tunying nang mga sandaling iyon, “Pinakaimportante sa lahat!”

taberna family

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IF WORSE COMES TO WORST

Kaya ang sabi ni Ka Tunying kaugnay sa pagpunta ng kanilang buong pamilya sa Singapore, “OK, go tayo!’

Pagpapatuloy ni Ka Tunying, “And during that time, I was already asking around kung… yun bang preparasyon lang if worse comes to worst, ahhh, ibenta natin ‘tong bahay.

“Naghahanap na po ako ng buyer as early as January.

“Pero alam niyo, yung nananalangin kami… nananalangin kami gabi-gabi. Ang tawag po namin dun, e, panata tuwing gabi.

“Buong pamilya po kami, buong angkan sa side ni misis, side ko, kahit magkakaiba po kami ng lugar… lumuluhod po kaming mag-anak.

“Nananalangin po kami sa Panginoong Diyos. Una, ituro Niya na mapagaling po si Zoey.

“At ituro Niya sa amin kung paano kami makakaraos dun sa sitwasyon na yun…

“Magugulat kayo, alam niyo po, mayroong lumalapit sa akin, tatawag sa akin na abogado. ‘Naaalala mo ba ako? Si ganito ako, tinulungan mo ako nung ganung panahon.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko naman maalala kung ano ang itinulong ko. Tapos, hinihingi niya sa akin yung bank account ko para mag…

“Alam niyo, hindi po iisa yun. Marami pong ganun na… andami ko palang natulungan na mga tao in the past na hindi ko naman inaasahang babalik, sabi ko.

“Napakabait talaga ng Diyos, e! Gagawa talaga Siya ng paraan para po sa… Eto, yung isa pong example nga nun, I would like to be more specific, ano?

“Meron po akong natulungan mga five, six years ago na nakalimutan ko na nga. Namomroblema po siya sa lupa.

“Naghanap siya ng tulong, hindi niya magawan ng paraan. Ako po ang nakagawa ng paraan.

“Minessage po niya ako. Sabi niya, ‘Nabalitaan ko yung nangyari sa yo.’ E, di ayoko pa. Medyo pahiya-hiya pa ako.

“Sabi niya, ‘Magtatampo ako sa yo kapag hindi mo tinanggap. Hindi naman para sa 'yo, para sa anak mo.’

“Ayun, nagpadala sa akin ng kalahating milyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

politely declines offer from first family

Ipinagdiinan ni Ka Tunying na hindi iisa ang nagpaabot ng tulong para sa pagpapagamot ng kanyang panganay.

“Halos ganun po yung kuwento… halos ganun po yung kuwento,” pagbuntong-hininga ni Ka Tunying.

“At gusto ko pong sabihin sa inyo kahit hindi niyo pa itinatanong, kasi ginagamit ito laban sa akin.

“Ahh, ako daw, kaya ako nag-BBM, kapit daw ako sa patalim. Ako na ang magsasabi sa inyo.

“Na as early as February po, nung nasa Singapore na po kami, totoo po… totoo po na tinawagan po ako ni First Lady Liza Marcos.

“And alam niyo yung taong yun, napakabait nun, e! Napakabait na tao! Sabi niya, tutulong daw sila. Gusto nilang tumulong financially.

“Tapos yung tao niya, maya’t maya, tinatawagan ako. ‘Tinatanong ni Madam kung paano…’

“Hindi ko po sinasagot. Hanggang sa oras po na ‘to, July 31, mula po noong nag-alok sila — ni isang kusing, wala po akong tinanggap na tulong mula kay President Ferdinand Romualdez Marcos Jr. at kahit na sa asawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Para lang po… just to set the record straight. But ahhh… gusto ko pong pasalamatan yung kanilang gesture ng kagandahang-loob nila, na nag-alok sila ng tulong para sa akin. “Napakasarap po sa pakiramdam nun!”

Ano ang reaksiyon ng mga Marcos sa pagtanggi niya sa tulong na iniaalok sa kanya? Nagtampo ba sila?

“Ehhh, kuwan din, nagpipilit pa din. Ang totoo nun, ang totoo po nun, hanggang nung tapos na yung halalan, nag-aabiso pa rin sa amin,” pagsisiwalat ni Ka Tunying.

“Ang yabang ko kasi, ganito, tsaka nakakatawid naman po kami. Eto, official line ko po ito, hindi lang sa kanya.

“Ang official line ko po, ‘Nakakaraos naman po kami sa awa ng Diyos. Pag nangailangan po talaga ako ng tulong, kayo po ang una kong tatawagan at hihingi po ako ng tulong.’

“Hindi lang po sa kanya yun, meron pa pong iba, at ayoko nang i-disclose yung iba pero medyo marami po sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At yung iba po dun ay mga politician.”

ROSSEL'S BIRTHDAY

Ipinagdiwang ni Rossel Taberna aka Mrs. T, Queen of Events ang kaarawan niya nang gabing iyon sa Elements Centris.

Pagbabalik at pagpapasalamat din iyon ng The Taberna Group of Companies (TGC) na labing-anim na taon na.

Ang TGC ay binubuo ng restaurant na Ka Tunying's, events at multimedia company na Outbox Media Powerhouse Corp., at Tune in kay Tunying YouTube Channel.

Inilunsad doon ang bagong catering line ng Ka Tunying's na Catering by KT, pati ang jingle at music video ng "Tune In Kay Tunying."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anthony Taberna with wife Rossel and their daughters Zoey and Helga during the birthday celebration of Rossel at Elements Centris, in Quezon City, Sunday night, July 31, 2022.
PHOTO/S: Outbox Media
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results