Watch Now

K Brosas, Pokwang involved in a car accident in Texas; K sustained minor injuries

by Khryzztine Joy Baylon
Aug 2, 2022
K Brosas and Pokwang
Comediennes K Brosas and Pokwang are safe now after figuring in a car accident in Dallas, Texas, on August 1, 2022.
PHOTO/S: K Brosas Twitter

Labis ang pasasalamat ng singer-comedienne na si K Brosas na ligtas sila ng kaibigan niyang si Pokwang matapos maaksidente sa Dallas, Texas.

Sina K at Pokwang ay nagtungo sa Texas para sa kanilang BFF Music and Laughter concert na ginanap noong July 23, 29, at 30, 2022.

Nitong August 1, 2022, nag-tweet si K upang ibahagi na naaksidente ang pick-up truck na sinasakyan nila ni Pokwang.

Bagamat ligtas naman sila, nagtamo raw siya ng mga pasa at sugat.

Lahad ni K: "So na car accident kami kanina, thank You lord at safe naman kami, ako lang ang may minor cut at may konting bruises.

"Naloka ako sa bilis ng pagdating ng ambulance firetrucks etc.. na check naman ako at ok lang, mabuti malaki yung pickup truck kung saan kami nakasakay. TYL! [Thank you, Lord]"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi rin ng Sing Galing host ang larawan ng kanilang sasakyan matapos itong mabangga.

Caption niya, "Eto po pala itsura ng bangga.. sa side ko talaga impact kaya ako lang ang mejo na injure ng burberry light lang malayo sa bituka hehe."

Sa huli ay nagpasalamat si K sa Diyos dahil ligtas sila at hindi napuruhan.

Pinaalalahanan din nito ang kanyang mga tagahanga na mag-ingat.

"Still thank you Lord talaga.. ok pa rin naman ako at kaming lahat. stay safe po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa video na ini-upload ng News5, idinetalye ni K ang nangyaring aksidente at sinabing siya ang pinakanagtamo ng injury matapos siyang bumagsak sa sahig noong nangyari ang aksidente.

Ipinakita rin niya ang natamong sugat sa kanyang braso at tuhod.

Aniya, "Ako yung naapektuhan nang todo, sa akin tumama. Pero nakapag-braces kasi kami, kasi nakita na namin, e. Parang dahan-dahan nakita na namin."

Ayon pa kay K, agad na dumating ang ambulansya upang sila ay saklolohan.

Pabiro namang sinabi ni Pokwang na tila lahat ng ahensya ng gobyerno sa Texas ay gusto silang tulungan dahil may dumating ding isang firetruck.

Sinuri rin sila ng doktor, at ipinapanalangin na lang ngayon ni K na maging maayos at mabilis ang kanyang recovery dahil kasalukuyan pang nananakit ang buo niyang katawan dahil sa mga pasa at sugat na natamo.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comediennes K Brosas and Pokwang are safe now after figuring in a car accident in Dallas, Texas, on August 1, 2022.
PHOTO/S: K Brosas Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results