Graciella Lehmann gracious in defeat at Binibining Pilipinas 2022

by Arniel C. Serato
Aug 3, 2022
Graciella Lehmann moves on after defeat in Binibining Pilipinas 2022
Oriental Mindoro's Graciella Lehmann's positive outlook after failed Binibining Pilipinas 2022 bid: "My Binibining Pilipinas journey may have come to an end but I will never forget how they changed my life, how I conquered my inner battle, how I became the woman I am today because of them.”
PHOTO/S: Courtesy: @graciella.lehmann on Instagram

Marami ang nanghinayang sa hindi pagkapasok ni Binibini 7 Graciella Lehmann ng Oriental Mindoro kahit man lang sa Top 12 ng katatapos lamang na Binibining Pilipinas 2022.

Lumikha kasi siya ng ingay bago pa man ang coronation night.

Pinag-usapan nang husto sa apat na sulok ng pageant world ang kanyang Tikbalang-inspired national costume na gawa ng comedian-TV host na si Paolo Ballesteros.

Read: Bb. Pilipinas 2022 candidate Graciella Lehman wears "Tikbalang" costume by Paolo Ballesteros

Hindi naman siya nabigo dahil siya ang nagwagi sa national costume competition.

Pero nang inanunsiyo na ang Top 12, hanggang sa huli ay hindi natawag ang kanyang numero at pangalan. Kaya naman sumabog sa panghihinayang ang pageant aficionados.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Martes ng gabi, August 2, ipinadama ni Graciella sa kanyang mga tagahanga at followers sa Instagram na tanggap niya ang naging kapalaran sa Binibining Pilipinas.

Hindi pa raw katapusan ng mundo kasabay ng kanyang kabiguan.

Bagkus, ito raw ay panibagong landas para sa paglawak ng kaalaman, pakikipagkaibigan, at pakikipagkapwa-tao sa mga kapwa niya kandidata.

Hindi rin daw umiinog ang buhay sa pagtatapos ng kanyang pageant journey sa entablado.

Baka ito pa raw ang simula ng mga pangarap na yumabong at umunlad.

Sabi ni Graciella, “Others would say that my dreams might have broken up with me.

"But for me, this is another opportunity to view the whole picture as a wonderful journey of growth, friendship, and sisterhood.

“Life does not revolve or end on stage. The stage is a place where dreams begin, blossom, and flourish.

“The stage for me is where I learned my life’s greatest lessons and where I have came across all my best experiences and mentors.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaki rin daw ang naging ambag sa kanyang buhay ng mga naranasan niya sa pageant.

Aniya, “My Binibining Pilipinas journey may have come to an end but I will never forget how they changed my life, how I conquered my inner battle, how I became the woman I am today because of them.”

Nagpasalamat din si Graciella sa lahat ng taong tumulong sa kanyang magandang karanasan sa larangan ng timpalak ng kagandahan.

Si Nicole Borromeo ng Cebu ang kinoronahang Bb. Pilipinas-International 2022.

Si Gabrielle Basiano ng Eastern Samar ang itinanghal na Bb. Pilipinas-Intercontinental 2022, si Roberta Angela Tamondong ng Laguna ang Bb. Pilipinas-Grand International 2022, at si Chelsea Fernandez ng Tacloban ang kinoronahang Bb. Pilipinas-Globe 2022.

Si Herlene Nicole Budol ang 1st runner-up at si Stacey Daniella Gabriel ang 2nd runner-up. Parehong mula sa Rizal Province ang dalawa.

Read: Nicole Borromeo of Cebu City crowned Bb. Pilipinas International 2022

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Oriental Mindoro's Graciella Lehmann's positive outlook after failed Binibining Pilipinas 2022 bid: "My Binibining Pilipinas journey may have come to an end but I will never forget how they changed my life, how I conquered my inner battle, how I became the woman I am today because of them.”
PHOTO/S: Courtesy: @graciella.lehmann on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results