Herlene Budol reveals lucky charms in Binibining Pilipinas 2022 journey

by Khryzztine Joy Baylon
Aug 3, 2022
Herlene Budol
Herlene Budol reveals the contents of her red pouch she brought at the grand coronation of Binibining Pilipinas 2022.
PHOTO/S: HERLENE BUDOL TIKTOK

Hindi lang pala pangarap at lakas ng loob ang bitbit ni Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Budol sa grand coronation ng national pageant sa Araneta Coliseum noong July 31, 2022.

Read: Nicole Borromeo of Cebu City crowned Bb. Pilipinas International 2022

Sa isang TikTok video noong Martes, August 2, ibinahagi ni Herlene ang mga bitbit niyang lucky charm sa kanyang beauty pageant journey.

"Hi, I'm your Binibining Pilipinas 2022 first runner-up," pagsisimula ni Herlene sa video bago ipakita ang isang kulay pulang pouch.

Kuwento ng 22-year-old beauty queen, dala niya ang pulang pouch habang siya ay lumalaban sa Binibining Pilipinas.

May laman itong crucifix, rosaryo, at maliit na Sto. Niño.

Ayon kay Herlene, binasbasan ang lahat ng ito kaya naniniwala siyang ito ay may dalang swerte.

"May basbas 'yan, kaya dinala ko dahil suwerte 'yan."

Maliban sa mga ito may laman ding nakatuping pera at piraso ng papel mula sa larawan ng kanyang namayapang lola Bireng.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Habang lumalaban ako, kasama ko si Nanay, tapos pinag-pray ko, 'Nanay, kasama mo naman si Lord, sabihin mo sa Kanya ibigay yung crown.'"

Dagdag pa niya, "Kaya binigyan tayong crown!"

Ang Binibining Pilipinas 2022 ang unang national pageant na sinalihan ni Herlene.

Bukod sa pagiging first runner-up, siya rin ang may pinakamaraming nakuhang special awards—8 out of 25.

Read: Herlene Budol makes it to Top 12 of Binibining Pilipinas 2022

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol reveals the contents of her red pouch she brought at the grand coronation of Binibining Pilipinas 2022.
PHOTO/S: HERLENE BUDOL TIKTOK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results