Princess Punzalan opens up about how she overcame past brokenness because of abortion

by Rachelle Siazon
Aug 4, 2022
Princess Punzalan
Princess Punzalan on forgiving herself many years after going through abortion:" I firmly believe that God is always good. I have faith in God. And then, I held on to His promise that He will always have a good plan for my life. He will never leave me or forsake me."
PHOTO/S: @realprincesspunzalan Instagram

Nilinaw ni Princess Punzalan na wala siyang intensiyong pangunahan ang desisyon ng iba tungkol sa abortion nang ihayag ng aktres na personal niya itong naranasan noon.

Nabuntis siya sa edad na 15 taong gulang.

Takot sa kanyang ina at ang kawalan ng paninindigan ng karelasyon ang nag-udyok kay Princess na ipa-abort ang ipinagbubuntis niya.

Hindi madaling aminin iyon sa publiko, pero naglakas-loob si Princess na ibahagi ang bubog mula sa kanyang nakaraan sa pamamagitan ng Instagram video noong June 2022.

Sa PEP Spotlight noong July 2022, inamin ni Princess na matagal na panahon bago niya napatawad ang sarili dahil sa consequences ng abortion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I have a lot of issues. And those things na na-overcome ko nang matagal na matagal. It took a long time.

"Nagkaroon ako ng psychological issues. Maraming hindi magandang epekto sa akin.

"Nahirapan ako para i-overcome. Pero salamat na lang at nagkaroon ako ng pagkakataon na ma-overcome ang mga bagay na iyon."

Mababanaag ang pagsisisi ni Princess sa ginawa niya dahil nang dumating ang panahong handa na siyang magkaanak ay hindi iyon natupad.

Hindi siya pinalad magkaroon ng anak sa kanyang first marriage kay Willie Revillame.

Nang matagpuan niya ang kanyang true love na si Jason Field, hindi rin sila nagkaroon ng biological child.

Kaya itinuturing ni Princess na malaking biyaya na ang kanyang adopted daughter ay piniling hindi ipa-abort ng biological mother nito.

Ang pagkapit niya sa Diyos ang nagbigay-daan sa kanya para maghilom ang sugat na dala-dala niya dahil sa kanyang nakaraan.

Ito raw ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob habang hinihintay ang pagdating ng adopted daughter sa buhay nilang mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ni Princess: "I firmly believe that God is always good. I have faith in God. Sabi sa Bible kasi, 'There is now no condemnation for those who are in Christ Jesus.'

"Kung humingi ka na ng tawad, napatawad ka na Niya. In fact, kaya namatay si Jesus Christ para mabayaran ang kasalanan.

"At dahil dun, hindi na niya ako kino-condemn. So I also had to learn how to forgive myself.

"And then, I held on to His promise that He will always have a good plan for my life. He will never leave me or forsake me.

"Siya ang magpapalakas ng loob ko to face all the challenges na darating sa buhay ko."

RESPECTING OTHER PEOPLE'S OPINION

Pero paglilinaw ni Princess, sariling karanasan ang ibinahagi niya at hindi para pangunahan ang desisyon ng iba.

Sabi niya tungkol sa kanyang paglabas ng pananaw sa abortion: "Simple lang. There was much talk about that because nagkaroon ng ruling about that issue that day, and ang daming usap-usapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But I just felt a strong urge to just impart kung ano yung nangyari sa buhay ko. I said what I said sa isang paraan na hindi ako naghahamon ng away.

"Hindi ko sinasabi kung ano ang dapat at hindi mo dapat gawin."

Dagdag ni Princess, "Ang sinasabi ko lang, 'Eto ang nangyari sa akin and hindi ako nawalan ng pag-asa. Nagkaroon pa rin ako ng happy ending.'

"In everything, I'm just grateful nagkaroon ako ng desisyon sa buhay ko na nagkaroon ng consequences na masaklap.

"Salamat sa Diyos tinulungan pa rin Niya ako na magkaroon ng happy ending."

ON WAITING FOR HER ADOPTED DAUGHTER

Kuwento pa ni Princess sa PEP.ph, siniguro niyang handa siya sa pagiging ina sa kanyang adopted daughter.

Isinaisip daw niya kasing ang pagpapalaki ng anak ay biyayang may kaakibat na malaking responsibilidad.

"And so, nung naghahanap kami ng baby, dasal ako nang dasal. Sabi ko, 'Lord, kung sino yung nararapat na match para sa amin, sana walang maging hadlang sa match na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Kung saka-sakali na hindi ukol yung match yung ipe-pair up sa amin, sana magkaroon ng hadlang [kasi] hindi ko kakayanin yung challenge na pagpapalaki sa kanya.'

"And thank God naging perfect naman yung pairing sa amin with our daughter now.

"I see that she is handpicked for our home because all the gifts that she has, yung mga bagay na puwede ko siya tulungan.

"Para ma-guide siya, para mag-grow siya in that aspect, [at] mag-grow siya bilang isang tao to fulfill her destiny."

LESSONS LEARNED

Nahinang daw talaga ng mga pinagdaanan niya sa buhay ang maturity at faith ni Princess.

Si Princess ay ulila na sa mga magulang. Anak siya ng Lovingly Yours, Helen host na si Helen Vela at dating IBC 13 President at radio personality na si Orly Punzalan.

Sabi niya sa PEP.ph: "I just learned from my own mistakes. I learned from the life of my mother, life of my father, buhay ng mga kaibigan ko or ng mga nami-meet ko sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I listen when people tell me what they're going through and try to learn from what they've gone through.

"Kahit magkamali ako, hindi nababalewala. I'm glad na nabibigyan ako ng pagkakataon na puwede ko pag-isipan.

"Ano ba puwede ko matutunan? Okay, nagkamali ako, paano na dapat gawin? Paano dapat itama? Ano na gagawin ko ngayon?"

Mensahe pa ni Princess, sa kahit anong pangit na karanasan ay laging may oportunidad para magsimula ulit.

"It's not the end of your life kung magkamali ka or mag-fail ka. Di nagtatapos buhay doon.

"Kailangan matutunan na tayo, na i-assess, 'Ano nangyari? Bakit nangyari? Maiiwasan ko ba iyon para wag maulit?'

"Ano dapat ko gawin para proteksyunan sarili ko para di mangyari? Paano ko ito ma-apply sa future decisions sa buhay ko. Iyong mga simpleng bagay na iyon.

"It would be great if we won't be mindless and just continue living na parang wala lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diin niya, "Sabi nila, YOLO. Yeah, you only live once, better make it count. Huwag sayangin.

"Ang buhay natin, hindi basura. It's something that's really worthy na i-treasure."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Princess Punzalan on forgiving herself many years after going through abortion:" I firmly believe that God is always good. I have faith in God. And then, I held on to His promise that He will always have a good plan for my life. He will never leave me or forsake me."
PHOTO/S: @realprincesspunzalan Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results