Watch Now

Angeline Quinto admits saying "I love you" first to Nonrev Daquina

by Khryzztine Joy Baylon
Aug 3, 2022
angeline and nonrev youtube
Angeline Quinto admits there was a time when she almost gave up on her relationship with Nonrev Daquina because there were people against it: "Medyo nahihirapan din ako, ayoko na itago lang sa akin. Karapatan din naman kasi niyang malaman yun since kaming dalawa yung magkarelasyon."
PHOTO/S: Luis Manzano YouTube

Proud na inamin ng Kapamilya singer na si Angeline Quinto na siya ang unang nagsabi ng "I love you" sa kanyang partner na si Nonrev Daquina.

Read: Angeline Quinto "ready" to get married to Nonrev Daquina: "Siya yung true love."

Sa pinakabagong vlog sa YouTube ni Luis Manzano na may titulong "LUIS LISTENS TO ANGELINE & NONREV (Sana palagi namin piliin ang isa't isa)," na ini-upload noong August 2, 2022, ibinahagi ng dalawa ang pagsisimula ng kanilang relasyon.

Ito rin ang kauna-unahang panayam na pinaunlakan nilang magkasama, lalo't mahiyain umano si Nonrev.

Kuwento ni Angeline, nagkakilala sila ni Nonrev dahil sa kanilang mga kaibigan. Ngunit hindi raw plinano ng mga ito na ireto sila sa isa't isa.

Nagkataon lamang daw na nagkagustuhan sila dahil na rin sa madalas nilang pag-uusap matapos ang kanilang unang pagkikita.

Tinanong ni Luis sina Angeline at Nonrev kung kailan ang unang pagkakataon na nagsabihan sila ng “I love you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi ni Angeline, “After noong out of town namin sa San Rafael, Bulacan, ayun yung una naming labas.

“So, after nun, nag-uwian na kami ng mga kaibigan ko. Tapos, nag-thank you siya [Nonrev] sa akin. 'Thank you,' ganyan-ganyan.

“Tapos, ako unang nag-'I love you' sa kanya sa message.”

Sinagot din naman daw ito ni Nonrev ng “I love you too, Angge.”

Humanga naman si Luis kay Angeline dahil hindi raw ito takot mag-first move kahit siya ang babae.

ANGELINE AND NONREV CHALLENGING START

Matapos ang kanilang pagpapalitan ng matamis na "I love you," pakiramdam daw nina Angeline at Nonrev ay iyon na ang “official” na simula ng kanilang relasyon.

Inusisa ni Luis kung simula ba noon ay naging madali na sa kanila ang lahat, o mayroon pa silang pinagdaanan bilang magkasintahan.

Read: Who is the non-showbiz guy in Angeline Quintos’s Instagram posts?

Pag-amin ni Angeline, “Noong una talaga, yung manager ko, ayaw sa kanya [Nonrev]. Ako, ang priority ko rin ay trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, parang doon ako nahirapan na sino ang uunahin ko, itong manager ko na nagbibigay sa akin ng [trabaho]...”

Naging tapat naman daw siya kay Nonrev at sinabing ayaw ng kanyang manager dito.

Nagkaroon pa raw ng pagkakataong tinanong ni Angeline si Nonrev kung dapat pa ba nilang ituloy ang kanilang relasyon.

Saad niya, “Medyo nahihirapan din ako, ayoko na itago lang sa akin. Karapatan din naman kasi niyang malaman yun since kaming dalawa yung magkarelasyon.

“'Hindi ko alam yung gagawin ko ngayon, sa tingin mo itutuloy pa ba natin? E, may taong may ayaw sa relasyon nating dalawa.'"

Dahil mahal at tunay raw ang nararamdaman ni Nonrev kay Angeline, itinuloy pa rin nila ang kanilang relasyon kahit may mga naging balakid dito.

Read: Woman claims she is the girlfriend of Angeline Quinto's rumored new boyfriend

Pahayag ni Nonrev, “Tinuloy ko pa rin. Pinakita ko na gusto ko talaga siya, na mahal ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ni Angeline, “Tinuloy namin, ang dami kong pinaliwanag sa manager ko. Pinakita rin naman namin na mahal namin ang isa’t isa."

Nagbago lang daw ang pakikitungo ng manager ni Angeline kay Nonrev nang dumating si baby Sylvio, ang anak ng singer at ng partner nito.

“Yung dumating si Sylvio, sobra siyang [Novrev] naging love na rin ng manager ko, wala nang kuwestiyon-kuwestiyon,” sabi ng singer.

FIRST-TIME MOM

Ayon kay Luis, matagal na niyang nakasama si Angeline ngunit first time nitong makita ang sinserong ngiti ng singer nang dumating ang anak nitong si Slyvio.

Agad naman itong sinang-ayunan ni Angeline.

Aniya, “Iba, Kuya, never nangyari sa buhay ko na ganoon kasaya yung sarili ko.

"Nung una kong nakita si Sylvio, kasi medyo groggy pa ako nun, hindi siya agad sa akin pinahawak kasi nga baka mabitawan ko…

"Yung narinig ko yung iyak niya, unang-una kong naisip, ang Mama Bob. Parang ang naisip ko, 'Pangarap din ito ng Mama Bob.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero parang siya na kasi yung baby na Mama Bob ngayon, e, kahit na wala na ang Mama Bob.”

Si Mama Bob ang adoptive mother ni Angeline na pumanaw noong November 2020.

Read: Angeline Quinto’s adoptive mother Mama Bob passes away

Sa mga pagkakataong yun daw ay tinanong ni Angeline ang sarili kung handa na ba siya talagang maging ina.

“Sabi ko, Ready na ba akong maging nanay?' Pero noong narinig ko yung iyak niya, nawala [ang] lahat ng tanong sa sarili ko.

"Lahat ng takot sa sarili ko, sa pagiging nanay, nawala lahat."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angeline Quinto admits there was a time when she almost gave up on her relationship with Nonrev Daquina because there were people against it: "Medyo nahihirapan din ako, ayoko na itago lang sa akin. Karapatan din naman kasi niyang malaman yun since kaming dalawa yung magkarelasyon."
PHOTO/S: Luis Manzano YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results