BPCI ExeCom member Lara Quigaman on Binibining Pilipinas 2022 results: “There were no mistakes.”

by Arniel C. Serato
Aug 4, 2022
Lara Quigaman assures public the authenticity of Binibining Pilipinas 2022 results
Miss International 2005 and BPCI executive committee member Lara Quigaman on Binibining Pilipinas 2022 results declaring Nicole Borromeo as Bb. Pilipinas-International 2022 and Gabrielle Basiano as Bb. Pilipinas-Intercontinental 2022: "Our New Bb. Pilipinas Queens are worthy, deserving and are the rightful winners of their respective titles."
PHOTO/S: Sany Chua / @laraquigaman on Instagram

Mariing pinabulaanan ni Miss International 2005 Lara Quigaman na nagkaroon ng crown mix-up sa grand coronation ng Binibining Pilipinas 2022 na ginanap sa Araneta Coliseum noong Linggo, July 31, 2022.

Si Lara ay miyembro ng executive committee ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI), ang may hawak ng Binibining Pilipinas pageant.

Usap-usapan nitong mga nagdaang araw na, diumano, nagkapalitan ng titulo at korona sina Bb. Pilipinas-International 2022 Nicole Borromeo at Bb. Pilipinas-Intercontinental 2022 Gabrielle Basiano.

Bago kasi ianunisyo kung sino ang nanalong Bb. Pilipinas-International 2022 ay nagkaroon ng ilang minutong delay, na nagdulot ng pagtataka sa mga nasa venue at ng mga manonood.

Read: Nicole Borromeo of Cebu City crowned Bb. Pilipinas International 2022

Lalo pa itong umingay dahil sa mga cryptic post ng Top 12 finalist na si Karen Laurrie Mendoza ng Iloilo. Ipinapahiwatig niyang tila may mali sa pag-anunsiyo ng winners.

Read: Did Karen Laurrie Mendoza just throw shade at Binibining Pilipinas 2022 results?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero iginiit ni Lara na na walang nangyaring pagkakamali sa announcement ng mga host na sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Bb. Pilipinas-Grand International 2016 Nicole Cordoves.

Iyon daw ang tama at katotohanan.

Lara quigaman assures public the authenticity of Binibining Pilipinas 2022 results

Kaugnay nito, nagkuwento si Lara ng kanyang pageant journey kung saan sinabi niyang walang mga pangyayaring nagaganap sa mundo na dulot ng kamalian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ng beauty queen-turned-actress sa Instagram, “Nothing happens by mistake. [heart emoji]

“I was 18 when I first joined Bb Pilipinas in 2001, I could have won if I was more ready I guess or of the judges then liked me enough to give me a crown- but I did not even make it to the top 10.

“I came back in 2005, prepared, determined and confident. I could have been chosen to compete in Miss Universe or Miss World, but I was crowned Bb Pilipinas International and competed in Tokyo, Japan.

“There wasn't a mistake when I lost in 2001, I wasn't ready. There wasn't a mistake when I won Bb Pilipinas International instead of the other titles when I came back in 2005 because I brought the Miss International crown home that same year.”

“THERE WERE NO MISTAKES”

Ayon pa kay Lara, lahat ng mga nangyayari sa mundo ay kagagawan ng Panginoon maging ito man ay pagkatalo, pagwawagi, pasakit, o kaya ay pagtatagumpay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang isang repeater sa Binibining Pilipinas, hanggang sa tanghaling Miss International 2005, at ngayon ay isa nang ganap na ina at asawa, lahat daw ito ay ang Maykapal ang may akda.

Saad niya, “Everything that happened, God allowed it to happen. The losses, the victories, the heartbreak, the celebrations and the challenges. It all happened for a reason. God has a purpose through it all.

“From an 18 year old Bb. Pilipinas candidate who failed to make the cut to a determined repeater who gave the Philippines its 4th Miss International crown after 29 years to a wife and mom of 3 boys- and now a member of Bb. Pilipinas Executive Committee... What a journey! [cyring, heart emoji]"

Masaya rin daw si Lara na matapos ang ilang taon, naging bahagi siya ng BPCI.

At taas-noo niyang pinapatunayang walang nangyaring mix-up sa mga nanalo.

Lahat daw ng mga nanalo ay karapat-dapat sa titulong kanilang natanggap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “What a blessing, an honor to be a part of an organization that God used to change my life completely! Thank you @bbpilipinasofficial

“Again—NOTHING HAPPENS BY MISTAKE. There were no mistakes. Our New Bb. Pilipinas Queens are worthy, deserving and are the rightful winners of their respective titles who I know and believe in my heart will make the Philippines proud.

“Everything happens for a reason, trust that God is sovereign, try to find the lessons in every season and by God's grace, you will be where you need to be. May God be glorified through it all!”

Kahapon, August 3, sinabi rin nina Nicole Borromeo at Gabrielle Gaciano na tama ang mga titulo at koronang napunta sa kanila.

Read: Binibining Pilipinas 2022 winners Nicole Borromeo, Gabrielle Basiano address alleged crown mix-up

Ang iba pang winners sa Binibining Pilipinas 2020 ay sina Roberta Angela Tamondong bilang Bb. Pilipinas-Grand International 2022 at Chelsea Fernandez na kinoronahang Bb. Pilipinas-Globe 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Herlene Nicole Budol ang 1st runner-up at si Stacey Daniella Gabriel ang 2nd runner-up.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss International 2005 and BPCI executive committee member Lara Quigaman on Binibining Pilipinas 2022 results declaring Nicole Borromeo as Bb. Pilipinas-International 2022 and Gabrielle Basiano as Bb. Pilipinas-Intercontinental 2022: "Our New Bb. Pilipinas Queens are worthy, deserving and are the rightful winners of their respective titles."
PHOTO/S: Sany Chua / @laraquigaman on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results