Fire hits Jimmy Bondoc's studio; loses P1M worth of music equipment

by Khryzztine Joy Baylon
Aug 4, 2022
JIMMY BONDOC
Jimmy Bondoc: "Just had a fire in my studio. We are safe. But lost so much of the equipment I have worked so hard for over the years! Kahit nasunugan po ako, ang dami pong mabuting tao...Siguro po, I lost a million pesos worth of equipment."
PHOTO/S: JIMMY BONDOC FACEBOOK

Malungkot na ibinalita ng OPM singer-songwriter na si Jimmy Bondoc ang sinapit ng kanyang music studio matapos itong masunugan.

Read: Jimmy Bondoc clarifies statements against biggest TV network

Sa kanyang Facebook post noong Martes, August 2, 2022, ibinahagi ng singer ang ilang mga kuhang larawan mula sa nasunog na studio.

Makikitang sira at tustado na ang ilang mga musical instrument katulad ng piano at gitara, maging ang nakakabit na aircon sa loob ng kanyang studio na siyang pinanggalingan ng sunog.

Caption ni Jimmy, "Just had a fire in my studio. We are safe. But lost so much of the equipment I have worked so hard for over the years!

"The Lord giveth, the Lord taketh away. I am blessed to be alive. Asking for your prayers."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa hiwalay na Facebook post, nakiusap si Jimmy sa kanyang followers na nagnanais tulungan siya na ipaabot na lamang ang kanilang donasyon sa dalawa niyang kaibigan na ayon sa kanya ay higit na nangangailangan.

"Kahit nasunugan po ako, ang dami pong mabuting tao.

"Siguro po, I lost a million pesos worth of equipment. Ang dami tuloy gusto tumulong.

"Wag niyo sana isipin na nagpapaka "banal" ako. Pero yung gamit, kakayod na lang ako para mabawi.

"May I earnestly ask instead na mag donate po kayo sa dalawang kaibigan ko:(1) Atty. BRUCE RIVERA. He is now in a coma, and is in medical debt of about 1 Million as well. Gcash: 0966 722 9364 (2) JAMIE JEM (Jemelee Ta?edo). Musician, Cancer patient, undergoing financially challenging medical treatment. Gcash: 0917 154 0721.

"Sa mga mayayaman, wag kayo mahiya kahit tig 50k pa ibigay niyo :)) I will make sure to thank you on some platform. Sa mga karaniwang tao like me, kahit ilang daan o libo, it all matters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"This is my sincerest request, hoping it is received by open, non-judgmental ears and hearts."

Dagdag pa niya, "Masakit po mawalan ng gamit, I do not deny it. Please help me to help others who stand to lose much more. I love you all."

Kaagad ding nagsagawa ng Facebook live si Jimmy upang ipaabot sa kanyang mga tagahanga na ligtas at nasa maayos at mabuti siyang kalagayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasunugan man ay labis pa rin ang pasasalamat ng singer sa Diyos dahil ligtas ang kanyang pamilya at hindi sila pinabayaan.

Sa video, ipinakita rin ng singer-composer ang electric outlet na umano'y pinag-ugatan ng sunog.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jimmy Bondoc: "Just had a fire in my studio. We are safe. But lost so much of the equipment I have worked so hard for over the years! Kahit nasunugan po ako, ang dami pong mabuting tao...Siguro po, I lost a million pesos worth of equipment."
PHOTO/S: JIMMY BONDOC FACEBOOK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results