Janine Gutierrez, "sinundot" nang "pailalim" ng isang aktres
by Rommel R. Llanes Video Edit: Kim Benedict Manalo
Aug 4, 2022

Sa "PEP Challenge" portion ng kanilang PEP Live appearance, nagbahagi sina Janine Gutierrez, JC de Vera, at Direk Real Florido ng kani-kanilang experience na mapagalitan, mag-buckle sa set, o matarayan ng isang artista.

Nag-PEP Live sila para sa promotion ng kanilang 2022 Cinemalaya Independent Film Festival entry na Bakit Di Mo Sabihin? (Tell Her).

Magsisimula ang Cinemalaya filmfest sa August 5 to 14, 2022 sa Cultural Center of the Philippines. Pero sa August 6 pa ang mismong premiere ng Bakit Di Mo Sabihin?.

Mapapanood din ang pelikula from August 10 to 17, 2022 sa select theaters sa Bacoor, SM Megamall, Glorietta, Trinoma, at Ayala-Manila Bay.

BUCKLED IN FRONT OF a veteran star

Nang tanungin sila ng host na si Jimpy Anarcon kung nag-buckle na ba sila habang katrabaho ang isang veteran star, nagsimulang magkuwento si Direk Real ng experience niya kay Vilma Santos.

Naalala ng direktor nung bago pa lang siya sa showbiz industry at bagito pa, naging producer siya ng segment ng isang show at first time niyang nakaharap si Vilma.

Kuwento ni Direk Real, kinakabahan daw siya habang kaharap ang Star for All Seasons. Habang hawak niya ang idiot board kaharap si Ate Vi, nauutal daw siya at basang-basa ng pawis dahil pasmado siya. Resulta: basang-basa rin ang idiot board na hawak niya.

Napansin daw iyon ni Vilma at sinabihan siya ng, "Kuya, wag kang kabahan."

Si JC de Vera naman, sinabing natural na nagba-buckle talaga ang mga artista, lalo na kapag starstruck sa kaharap. Nangyari na rin naman daw sa kanya yun.

Umamin siya na nai-starstruck hanggang ngayon kay Angel Locsin.

"Hindi ko alam kung bakit," ani JC. "Nung kaeksena ko siya sa General's Daughter, ang dami-dami naming magkasamang eksena. Pero palagi akong naaano sa kanya, nara-rattle.

"Siguro dahil alam kong sobrang galing niya. Palagi akong on my toes at ina-anticipate ko palagi na ano...

"Sobrang galing niya. Hindi ako maka-acting nang tama," pag-amin pa ni JC.

Si Janine naman, sa rami raw ng mga pagkakataon na nag-buckle siya sa harap ng katrabahong artista, hindi na niya mabilang at wala siyang partikular na matandaan.

Pero pinaalala sa kanya ni Jimpy nang magkatrabaho sina Janine, ang mommy nitong si Lotlot de Leon, at ang lola nitong si Nora Aunor sa Karelasyon.

Pag-alala ni Janine, "Hindi ko makalimutan yung Karelasyon kasi first time kong maka-work si Mama Guy. Ang I think it was also one of the first times na I worked with my mom.

"'Tapos pinagtatawanan nila 'ko, kasi parang tensed na tensed daw yung itsura ko. Siyempre, hindi nila alam, pinapawisan ako dun, dahil ayoko talagang magkamali at ayokong mapahiya sila."

BACKHANDED COMPLIMENT

Nang tanungin na ni Jimpy kung natarayan na ba sila noon ng isang artista, nagkuwento si Direk Real ng hindi niya malilimutang experience sa isang veteran actress.

Ayaw pangalanan ng direktor ang veteran actress pero isa raw ito sa pinakakilalang screen villains sa local showbiz.

Lahad ni Direk Real, isa sa judges ang veteran actress sa isang show na pinamamahalaan niya at nagreklamo ito sa kanya kung bakit puro Tagalog ang linya nito.

Katuwiran ni Direk, masa ang audience ng show nila at karamihan ng nanood ay Tagalog ang salita.

Galit na galit na balik daw sa kanya ng beteranang aktres, "Then why did you get me?"

Kaya sinabihan na lang ni Direk Real ang kanyang staff na next episode ay huwag nang kunin ang veteran actress.

Wala raw maalalang artista na nagtaray sa kanya si JC, pero si Janine, naalala ang isang aktres sa "pailalim" na komento nito sa kanya.

Nang ikuwento ni Janine ang konteksto ng aniya'y pailalim na "sundot" ng aktres sa kanya, sinubukan nina Direk Real at JC na bigyan ng termino ang ginawa ng aktres.

Sabi ni Janine, hindi raw ito sarcasm na gaya ng sinabi ni JC, pero tinanggap niya ang sinabi ni Direk Real na "backhanded compliment" ang ginawa ng aktres.

Panoorin ang video nang maliwanagan kayo kung bakit pakiramdam ni Janine ay "sinundot" siya nang "pailalim" ng aktres.

HOT STORIES

#PEPChallenge #JanineGutierrez #JCDeVera

Interview: Jimpy Anarcon
Director: Rommel Llanes
Editor: Khym Manalo

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results