Watch Now

Ronnie Ricketts welcomes finality of acquittal verdict: “Kapakanan lang po ng mamamayan ang aking ipinaglaban."

by Arniel C. Serato
Aug 4, 2022
Ronnie Rickets welcomes Supreme Court's acquitall
Actor and former Optical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Ricketts on Supreme Court decision to reverse guilty verdict: "This decision of the Supreme Court truly upholds the rule of law, and strengthens my faith, and the faith of all who fought with me, in our justice system.”
PHOTO/S: Courtesy: Ronnie Ricketts on Facebook

Ikinagalak ni Ronnie Ricketts ang pagbaligtad ng Supreme Court sa guilty verdict ng Sandiganbayan kaugnay sa kanyang kasong may kinalaman sa graft.

Read: SC reverses Sandiganbayan’s guilty verdict against former OMB chair and actor Ronnie Ricketts

Sa Facebook ngayong araw, August 4, 2022, nagbigay ng pahayag ang dating action star at public servant tungkol sa desisyon ng Korte Suprema na baliktarin ang guilty verdict ng Sandiganbayan.

Ayon kay Ronnie, naniniwala siyang patuloy pa ring gumagana ang justice system sa bansa.

Dagdag pa nito, ang kanyang mga ginawa noon bilang chairman ng Optical Media Board (OMB) ay alinsunod lamang sa kanyang mandato.

Giit niya, kapakanan ng bayan ang nasa isip niya noon sa pagganap ng kanyang tungkulin.

Saad ni Ronnie, “I welcome the decision of the Honorable Supreme Court which reversed the verdict of the Sandiganbayan against me, and acquitted me of graft charges filed against me as former Optical Media Board (OMB) Chairperson and Chief Executive Officer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“All my actions as OMB Chairperson and CEO were undertaken in pursuit of its mandate, and only had public interest in mind. Kapakanan lang po ng mamamayan ang aking ipinaglaban.

“This decision of the Supreme Court truly upholds the rule of law, and strengthens my faith, and the faith of all who fought with me, in our justice system.”

Kasunod niyang pinasalamatan ang asawang si Mariz Ricketts, ang kanyang abogado, at ang Diyos dahil nakamit niya ang hustisya matapos ang halos labindalawang (12) taong court battle.

Dagdag pa niya, “I thank my loving wife Mariz, my family and friends, and all in the industry who supported me throughout this challenge. I also acknowledge Atty. Howard Calleja, and the rest of the team in Calleja Law Office for their persistence, hard work and dedication so that justice and truth will prevail. Itinuturing ko na kayong sarili kong pamilya.

“Most of all, I thank God for His guiding Hand, mantle of protection, and His provision of good, capable and well-meaning people throughout this journey. Sa patuloy Niyang gabay at tulong, lalo ko pa pong sisikapin na makatulong ng maayos para sa kinabukasan ng bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Muli, maraming maraming salamat po sa tiwala, suporta at pagmamahal.”

THE DECISION

Huwebes, July 28, 2022, isinapubliko ng Mataas na Hukuman ang hatol nila na napagdesisyunan noon pang March 16.

Ayon sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Ricardo R. Rosario, ang apela ni Ricketts ay may katuturan.

Hindi raw napatunayan ng prosecution na sangkot si Ronnie sa kasong graft na isinampa laban sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasaad sa court decision: “The appeal of Ricketts is meritorious. We find that the evidence against him is mere hearsay. The prosecution failed to prove his participation in the crime beyond reasonable doubt.”

Hinatulang guilty ng Sandiganbayan ang dating OMB chairman na si Ronnie sa kasong graft noong March 15, 2019.

Read: Ronnie Ricketts found guilty of graft by Sandiganbayan

May kaugnayan ito sa anomalyang kinasangkutan diumano ni Ronnie, noong May 27, 2010, kung saan nagsagawa ang OMB operatives ng raid sa Quiapo, Manila.

Kasama si Ricketts sa mga operatibang nagkumpiska ng 127 boxes at dalawang sako ng pirated DVDs at VCDs, sa Sky High Marketing Corporation.

Dinala ng mga taga-OMB ang mga nakumpiskang DVDs at VCDs sa kanilang opisina, ngunit kinagabihan ay inilabas din ang mga ito.

Naglingkod si Ricketts sa OMB mula 2009. Taong 2014 ay nasuspinde siya at iba pang sangkot sa kaso ng anim na buwan dahil sa graft case na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 2015, nag-resign siya sa tungkulin dahil sa balak nito noong pagtakbo bilang kongresista sa Muntinlupa.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor and former Optical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Ricketts on Supreme Court decision to reverse guilty verdict: "This decision of the Supreme Court truly upholds the rule of law, and strengthens my faith, and the faith of all who fought with me, in our justice system.”
PHOTO/S: Courtesy: Ronnie Ricketts on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results