Herlene Budol on answering Binibining Pilipinas 2022 question in Filipino: "Huwag matakot maging iba!"

by Arniel C. Serato
Aug 4, 2022
Herlene Budol proud of her Tagalog answer in Binibining Pilipinas 2022
Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Budol on answering in vernacular at the pageant's question-and-answer portion: “Huwag matakot maging iba! Laging maging binibining hindi inaasahan! Dahil iyang ang inspirasyon tatatak sa masang Pilipino."
PHOTO/S: Sany Chua

Ipinagmamalaki ni Herlene Budol ang pagsagot niya sa wikang Filipino sa question-and-answer portion para sa Top 12 semifinalists ng Binibining Pilipinas 2022.

Si Herlene ay hinirang na first runner-up sa pageant na ginanap sa Smart-Araneta Coliseum noong July 31, 2022, Linggo.

Read: Herlene Budol makes it to Top 12 of Binibining Pilipinas 2022

Sa Facebook ngayong araw, August 4, ipinagmalaki ng dating Wowowin co-host ang paggamit ng ating sariling wika sa isang national pageant.

Para kay Herlene, gumawa siya ng kasaysayan dahil sa ginawa niyang ito.

Saad niya, “Sinabi ko noon na gagawa ako ng sarili kong kasaysayan para sa susunod na henerasyon,

"Kasaysayang magbubukas ng pinto sa mga kabataang babae na may pangarap lumaban sa malalaking patimpalak at maging isang Beauty Queen!”

Taliwas man sa nakasanayang halos lahat ng kandidata ay sumasagot sa wikang English, hindi raw kawalan sa isang tao ang magsalita sa wikang atin.

Hindi rin daw bobo ang tingin sa taong hindi marunong magsalita ng wikang banyaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalo pa itong naging makabuluhan dahil ngayong Agosto ay ipinagdiriwang nating mga Pilipino ang Buwan ng Wika.

Dagdag ni Herlene, “Huwag matakot maging iba! Laging maging binibining hindi inaasahan! Dahil iyang ang inspirasyon tatatak sa masang Pilipino.

“Hindi kamangmangan ang hindi marunong magsalita ng Ingles! Huwag natin silang kutyain, bagkos turuan natin sila.

“Mahalaga din ang Ingles sa atin, pero hindi ito simbolo ng karangyaan.

“Ngayon Buwan Ng Wika! Samahan niyo akong payabungin ang wikang Filipino! Ilokano, Ilonggo, Bisaya, Bikolano, Waray, saan panig ng bansa, huwag ikahiya ang salita na tunay na maghahayag ng atin damdamin.

“Dahil tayo ay may kakaibang ganda na may misyon!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"UNIQUELY BEAUTIFUL WITH A MISSION"

Pinapurihan ng maraming netizens ang naging sagot ni Herlene sa tanong ng judge na si Cecilio Asuncion tungkol sa transpormasyon noong grand coronation ng Binibining Pilipinas 2022.

Tanong ni Asuncion, na founder at model director of Slay Model Management in Los Angeles, California: "A beauty pageant is a space for transformation. What has been your biggest character transformation since you joined and how could this make you deserving of a crown tonight?"

(Translates question to Tagalog): "Ang beauty pageant ay isang lugar para sa transpormasyon. Anong transpormasyon na importante ang nangyari sa ’yo habang nandito ka sa Binibining Pilipinas?"

Buong-ningning na tugon ni Herlene: “Para sa akin, isang karangalan na nakatungtong ako dito sa Binibining Pilipinas bilang isang binibining hindi inaasahan.

"Para sa akin, ang sarap palang mangarap. Ang sarap mangarap. Walang imposible. Isa po akong komedyante na laki sa hirap.

"At ang aking transpormasyon ay ang magbigay ng inspirasyon because I know... because I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang humikayat kay Herlene na sumali pa ulit sa beauty pageant, ngunit sinabi nitong ang Binibining Pilipinas 2022 na ang kanyang huling sasalihan.

Read: Herlene Budol vows Binibining Pilipinas 2022 to be her last

Si Nicole Borromeo ng Cebu ang kinoronahang Bb. Pilipinas-International 2022, pero si Herlene ang nakakuha ng pinakamaraming special awards—8 out of 25.

Read: Nicole Borromeo of Cebu City crowned Bb. Pilipinas International 2022

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Budol on answering in vernacular at the pageant's question-and-answer portion: “Huwag matakot maging iba! Laging maging binibining hindi inaasahan! Dahil iyang ang inspirasyon tatatak sa masang Pilipino."
PHOTO/S: Sany Chua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results