Real-life couple Mavy Legaspi and Kyline Alcantara's sweet moments at the GMA Gala Night

by Rachelle Siazon
4 days ago
Mavy Legaspi, Kyline Alcantara
Mavy Legaspi displays affection for reel-and-real-life sweetheart Kyline Alcantara on the sidelines of the GMA Thanksgiving Gala Night. Are they ready to go public about their reported romance?
PHOTO/S: Sany Chua

Hindi maitago ang kilig sa pagitan nina Mavy Legaspi, 21, at Kyline Alcantara, 19, na kumpirmadong magkarelasyon bukod sa pagiging Kapuso love team.

Mayroon silang uniname na MavLine.

Na-capture sa camera ang ilan sa sweet moments ng dalawa sa GMA Thanksgiving Gala Night sa Shangri La sa Bonifacio Global City, Taguig City, noong Sabado, July 30, 2022.

Mavy Legaspi, Kyline Alcantara, MavLine

Continue reading below ↓

Pagpasok sa cocktails area, waring may ibinulong si Mavy kay Kyline at kita ang mega-watt smile nilang dalawa.

Mavy Legaspi, Kyline Alcantara, MavLine

Sweet na hinawi pa ni Mavy ang straight long hair ni Kyline habang magkausap sila.

Mavy Legaspi, Kyline Alcantara, MavLine

Continue reading below ↓

Parehong all-black ensemble ang pinili nilang outfit para sa event na old Hollywood ang theme at may black and white motif.

Mavy Legaspi, Kyline Alcantara, MavLine

Pagdaan ng Summit Photo Wall sa cocktails area, sinubukang alamin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano niyaya ni Mavy si Kyline na maka-date sa ball.

Continue reading below ↓

"It's a private moment when that happened," sabi ni Kyline, na ayaw idetalye ang sweet moment nilang iyon ni Mavy.

Saad ni Mavy, "But one thing's for certain, it was very, very happy."

Ikinuwento naman ni Kyline na sorpresa para sa kanilang dalawa ni Mavy ang kanilang attire sa gala night.

Ani Kyline, "Kasi super tago. Actually, matagal ko na gusto ipakita sa kanya."

Nakangiting dagdag ni Mavy, "I don't wanna see it. I wanna see it sa actual day mismo."

ON KYLINE INTRODUCING MAVY AS HER "BOYFRIEND"

Wala man silang inaamin sa publiko tungkol sa estado ng kanilang relasyon, napag-alaman ng PEP.ph na totohanan ang pag-iibigan nina Mavy at Kyline.

Patunay nito ang pagsunod ni Mavy sa South Korea nang magtungo roon si Kyline para sa isang work engagement noong nakaraang buwan.

Una nang naiulat ng PEP.ph na ipinakilala ni Kyline si Mavy bilang "boyfriend" sa mga kasama ng dalaga.

Continue reading below ↓

Masaya ang pagkikita ng couple sa Korea, pero hindi nila ito inilabas sa kanilang social media accounts.

READ: Kyline Alcantara, "my boyfriend" na ang pakilala kay Mavy Legaspi

LONGTIME FRIENDS

Inilunsad sina Mavy at Kyline bilang isa sa love teams ng GMA talent management arm na Sparkle noong February 17, 2022.

Magkatambal sila sa defunct Kapuso prime-time series na I Left My Heart In Sorsogon na umere mula November 2021 hanggang February 2022.

Pero bago pa man sila nagkatrabaho ay malapit na sila sa isa't isa dahil humigit-kumulang limang taon na silang makaibigan at magkabarkada.


HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mavy Legaspi displays affection for reel-and-real-life sweetheart Kyline Alcantara on the sidelines of the GMA Thanksgiving Gala Night. Are they ready to go public about their reported romance?
PHOTO/S: Sany Chua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results