Rumored girlfriend ng aktor, dinayo ang shooting ng aktor sa probinsiya

by Noel Orsal
4 days ago
pep blind item couple
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Nakumpirma ng mga taga-production staff ng isang pelikula at ng mga nanonood ng shooting na may relasyon nga ang aktor at ang napababalitang girlfriend nito.

Sa shooting ng pelikula sa probinsiya, nagpaalam daw ang aktor sa production head kung maaari itong umalis nang maaga dahil may pupuntahan itong party sa Maynila.

Dahil out of town ang kanilang shooting, hindi pinayagan ang aktor sa dahilang may kukunan pa siyang importanteng eksena sa gabing iyon.

Alam kasi ng production head na hindi kaagad makakabalik ang aktor dahil medyo malayo nga ang kanilang location. Lalo pa’t kung iinom ito ng alak sa party, siguradong kinabukasan na makakabalik ang aktor sa location shooting.

Walang nagawa ang aktor kung hindi ang mag-stay at gawin ang kanyang trabaho. Pero ramdam ng mga taga-production ang pagkabalisa nito hanggang kinagabihan.

Noong malalim na ang gabi, napansin ng mga taga-production na may kausap ang aktor sa kanyang cell phone habang hinihintay kunan ang kanyang eksena.

Continue reading below ↓

Mahina lang ang boses ng aktor ngunit naulinigan ng mga taga-producion na tila gina-guide nito ang kausap kung paano makakarating sa pupuntahan nito.

Maya-maya, nagulat ang mga taga-production nang umingay at tila nagkakagulo ang mga tao sa labas.

Isang sasakyan ang dumating. Nang magbukas ito ng bintana, tumambad ang mukha ng napapabalitang girlfriend ng aktor.

Lumabas ang aktor at masuyong kinausap ang sakay ng kotse.

Tila may usapan ang dalawa na magkikita sa Maynila, pero dahil hindi nga pinayagn ang aktor ay ang rumored girlfriend na lang nito ang pumunta sa location shooting.

Hindi naman magkamayaw sa kilig ang mga miron at Marites dahil sa sweetness na nasaksihan nila. Dahil sa ingay na nilikha ng pagdating ng napapabalitang girlfriend ng aktor, lalong dumami ang mga taong nakiusyoso.

Para hindi na lalong magkagulo, umalis na ang sasakyan lulan ang dyowa ng aktor. Hinayang na hinayang tuloy ang fans dahil hindi man lang daw sila nakapagpa- picture sa taong sakay ng kotse.

Continue reading below ↓

Pero hindi pa rito natatapos ang kuwento.

Hindi pa nakakalayo ang sasakyan ng dyowa ng aktor, may dumating na motor na sakay ang dalawang kabataang lalaki. Mabagal ang takbo ng motor dahil nakiusyoso ang mga sakay nito sa kagustuhang makita ang isinisigaw na pangalan ng mga tao.

Huminto ang motor sa kalagitnaan ng kalye, tiyempo namang may paparating na isa pang motor na may sakay ring dalawang tao. Bumangga ang paparating na motor sa nakahintong motor.

Mabuti na lang at wala namang nasaktan at minor lang ang nasira sa kanilang mga motor kaya’t nagkaayos sila sa barangay.

Walang kaalam-alam ang lulan ng kotse na siya ang dahilan ng banggaan ng dalawang motor.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results