Ynna Asistio goes public about pregnancy, wedding on August 8

by Rachelle Siazon
4 days ago
Ynna Asistio
Pregnant Ynna Asistio admits she and Bully Carbonell planned to get married right away, but he still formally proposed marriage to her more than a week before their wedding.
PHOTO/S: @asistioynna Instagram

Double celebration ang inaabangan ni Ynna Asistio at ng fiancé niyang si Bully Carbonell.

Una ay ang nalalapit nilang kasal at, pangalawa, ang ipinagbubuntis nilang anak.

Kahapon, August 4, 2022, masayang ibinalita ni Ynna na nakatakda na silang ikasal ni Bully sa August 8, 2022.

Noong lamang Linggo, July 31, 2022, nang inanunsiyo ni Ynna ang engagement nila ni Bully.

Nag-propose si Bully kay Ynna, saksi ang pamilya ng dalaga, habang sila ay nagbabakasyon sa Bohol.

Lubos ang saya ni Ynna dahil buong pag-aakala niya ay diretso kasal na sila ng nobyo bago pa nito pormal na hingin ang kanyang kamay.

Kaya ganoon na lang ang tears of joy niya noong araw na iyon.

Kuwento ni Ynna sa kanyang Instagram post (published as is):

Continue reading below ↓

"In 4 days I’m getting married. The proposal was really a surprise! [crying emoji] kaya sobrang thankful ako kasi nahabol pa ung proposal bago kami Ikasal ni Bully.

"Dapat wedding lang pero salamat Carbonell Waldolf kasi pinaramdam mo sakin ang feeling ng proposal na ilan taon ko ng pinapangarap [smiling face]

"kaya grabe yung iyak ko na FINALLLLLY! I made it!!! We made it!!! [smiling face]"

Sabi pa ni Ynna sa well-wishers nila ng fiancé: "I appreciate that you all took time out of your busy schedule to congratulate us.

"Thank you for your heartwarming wishes. It means a lot to us! #wefynnallymadeitbully [smiling face] hindi ko kayo maisa isa pero super salamat po!!! @bullyxcarbonellx"

Ynna Asistio

Continue reading below ↓

READ: Ynna Asistio engaged to non-showbiz boyfriend Bully Carbonell: "BEST DAY EVER!"

ON YNNA'S PREGNANCY

Hindi rin itinago ni Ynna na siya ay buntis.

Sa hiwalay na Instagram Story ni Ynna, ni-repost niya ang congratulatory message ng kaibigang si Maria Glorian Tomen tungkol sa kanyang pagpapakasal at pagkakaroon ng baby.

Bahagi ng mensahe ni Maria: "Congrats on your engagement, on your wedding, and on your baby. You deserved all the happiness na dumarating."

Ynna Asistio

Continue reading below ↓

Low-key lang si Ynna tungkol sa relasyon nila ni Bully na isinapubliko lamang niya nitong engaged na sila.

Si Ynna ay anak ng aktres na si Nadia Montenegro at yumaong former Caloocan Mayor Boy Asistio.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pregnant Ynna Asistio admits she and Bully Carbonell planned to get married right away, but he still formally proposed marriage to her more than a week before their wedding.
PHOTO/S: @asistioynna Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results