Dennis Padilla envious of Cesar Montano’s birthday celebration with all his children

by Arniel C. Serato
4 days ago
Dennis Padilla wishes to celebrate 61st birthday with all his children in attendance
Dennis Padilla (left) greets Cesar Montano (right, with all his sons and daughters) on his 60th birthday, hoping to celebrate his birthday next year with all his children present.
PHOTO/S: Courtesy: @dennisastig / @niceprintphoto on Instagram

May kurot sa puso ang tila pagkainggit ni Dennis Padilla sa selebrasyon ng kaarawan ng matalik na kaibigang si Cesar Montano.

Nang magdiwang si Cesar ng kanyang ika-60 kaarawan nitong nakaraang August 1, 2022, kumpleto ang lahat ng mga anak ni Cesar.

Read: Cesar Montano celebrates 60th birthday "with my children all present"

Sa kanyang Instagram account kagabi, August 4, ibinahagi ni Dennis ang isang larawan sa papiging ni Cesar sa kanyang birthday.

Kasama ni Cesar sa picture ang lahat ng kanyang mga anak sa iba’t ibang nakarelasyong babae.

Kabilang sa mga nakisaya kay Cesar ay sina Angela Manhilot (anak ng aktor sa una at namayapa niyang asawa na si Marilyn Polinga); Diego Loyzaga (anak niya kay Teresa Loyzaga); Angelina, Chesca, at Sam Cruz (mga anak nito sa second wife na si Sunshine Cruz); at mga bata pang anak ng aktor kina Sandra Seifert at Kath Angeles.

Read: Diego Loyzaga, may birthday video greeting mula sa mga kapatid sa ama na si Cesar Montano

Continue reading below ↓

Sabi ni Dennis sa caption, sana sa kanyang ika-61 kaarawan sa February 9, 2023 ay makapag-celebrate siya katulad ng selebrasyon ni Cesar—na kumpleto ang mga anak magkakaiba man ang mga ina nito.

Buong caption ng comedian: “Happiiii bday pareng buboy!! Congrats!! Praying na sana sa bday ko... [praying hands, heart, wrapped gift emojis]”

Naka-tag sa kanyang post sina Gene Padilla, Andrew E, Randy Santiago, at Cesar.

Nitong mga nakaraang buwan, ilang beses umanong sinubukan ni Dennis na mag-reach out sa kanyang tatlong anak sa dating asawang si Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia, at Leon Barretto.

Una, noong Father’s Day, June 19, kung saan mukhang nagtampo si Dennis sa mga anak dahil hindi umano siya binati ng mga ito sa Araw ng mga Ama.

Related Stories:

Continue reading below ↓

Idinaan ni Dennis sa Instagram ang kanyang pangungulila sa mga ito, ngunit nauwi ito sa sumbatan dahil sa sagot ng bunso nitong si Leon. Sinabi ni Leon na hindi na nila alam kung ano ba ang estado nila sa buhay ni Dennis.

Read: Leon Barretto to estranged father Dennis Padilla: "Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public?"

Nitong nakaraang July 25 naman, bisperas ng ika-23 kaarawan ni Claudia, nagparamdam muli si Dennis sa anak.

Ngunit, hindi siya sinagot ng anak.

Read: Dennis Padilla reaches out anew to daughter Claudia Barretto on her birthday

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Padilla (left) greets Cesar Montano (right, with all his sons and daughters) on his 60th birthday, hoping to celebrate his birthday next year with all his children present.
PHOTO/S: Courtesy: @dennisastig / @niceprintphoto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results