Herlene Budol reveals real reason for joining Binibining Pilipinas: "Praktikal na tayo"

by Khryzztine Joy Baylon
Aug 5, 2022
Herlene Budol
Herlene Budol: “Alam niyo in-offeran niya ako, 'Gagawin ko sayo yung ginawa ko kay Madam Inutz, pumasok siya ng PBB, bibilhan ko siya ng bahay. So, sumali ka ng BBP [Binibining Pilipinas], bibilhan kita ng bahay...' Sino ba namang tanga ang hindi papayag dun? Praktikal na tayo, hindi naman kami mayaman ng pamilya ko."
PHOTO/S: Screengrab @Herlene Budol YouTube

Ibinunyag ni Binibining Pilipinas 2022 first-runner up Herlene Budol na dahil sa ipinangakong house and lot ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino kaya siya sumali sa Binibining Pilipinas pageant.

Read: Herlene Budol makes it to Top 12 of Binibining Pilipinas 2022

Read: Herlene Budol reveals lucky charms in Binibining Pilipinas 2022 journey

Sa kanyang pinakabagong vlog sa YouTube na in-upload kahapon, August 4, 2022, ibinahagi ni Herlene kung sino ang nag-udyok at dahilan ng kanyang pagsali sa national pageant.

Pagsisimula niya, “May i-share lang ako sa inyo, anong dahilan kung bakit ako sumali ng Binibining Pilipinas... sasagutin ko na nang totoo.”

Ayon sa 22-year-old TV personality-beauty queen, wala naman siya talagang balak sumali sa Binibining Pilipinas noon.

Pakiramdam daw kasi niya ay hindi nababagay ang kanyang personalidad sa mga ganoong klase ng patimpalak.

Read: Herlene Budol on her Bb. Pilipinas application: “Masaya na may halong kabado.”

Saad ni Herlene, “Yung unang tao na nag-push sa akin, nakakita ng potential bilang beauty queen ay si Sir Wilbert talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sinabi ko nung una na ayoko, kasi ayoko talaga.

"Parang kabaliktaran kasi siya talaga ng buhay ko. Hindi ako sobrang pa-girl, hindi ako demure, hindi ako proper. Basta hindi ako yun."

Ang tinutukoy ni Herlene na "Sir Wilbert" ay ang kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino, na siya ring kauna-unahang Mr. Gay World Philippines noong 2009.

Pagpapatuloy ni Herlene, makailang beses siyang hinikayat ni Wilbert na subukang pasukin ang mundo ng pageantry.

Aniya, "Sobrang generous niyang tao, ang unang minotivate niya sa akin, 'Nak sumali ka, hindi naman para sa akin ito, e, para naman sa 'yo, ito e.'

“Sabi ko, 'Ma, huwag, baka mapahiya lang kita.' Sabi ko, 'Hindi ako magaling na tao, hindi ako para diyan.'

“Alam niyo kung ano ginawa niya? Hindi talaga siya tumigil na i-push ako every day na magkikita kami. Sinasabi niya sa akin, 'Kaya mo 'yan, ano ka ba.'”

Hanggang sa dumating sa puntong kinausap siya nang masinsinan ni Wilbert at in-offer nito ang hindi niya inaasahan at matagal nang pinapangarap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Herlene, “Alam niyo, in-offer-an niya ako, 'Gagawin ko sa 'yo yung ginawa ko kay Madam Inutz, pumasok siya ng PBB [Pinoy Big Brother], bibilhan ko siya ng bahay.

"'So, sumali ka ng BBP [Binibining Pilipinas], bibilhan kita ng bahay.'”

Kahit may kaba at wala sa kanyang plano ang pagsali ay tinanggap daw niya ang alok.

“Sino ba namang tanga ang hindi papayag dun?" pagpapakatotoo ni Herlene.

“Praktikal na tayo, hindi naman kami mayaman ng pamilya ko. Kung nakikita niyo naman sa mga vlog namin, wala kaming kisame, mainit yung bahay namin, magulo yung bahay namin.

“Isa yun sa pangarap ko, na magkaroon kami ng bahay. Kahit anong trabaho ko, kahit sampung taon pa ako magtrabaho, makakabili ako ng bahay pero matagal na panahon.”

HERLENE’S REGRET

Naging emosyonal at humagulgol sa iyak si Herlene nang mabanggit niya ang kanyang lolo at lola.

Aniya, “Iniisip ko yung lolo at lola ko na 84 na, 81, hindi na mahaba yung buhay nila. Gusto kong maranasan nila na tumira sa maayos.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaki raw ang paghihinayang ni Herlene na hindi na naabutan ng kanyang lola, si Nanay Bireng, ang sana’y regalo niyang bahay rito.

Lahad niya, “Actually, napanaginipan ko si Nanay ngayon, hindi siya nagsasalita, parang nag-vlog lang din ako sa panaginip.

“Nakangiti lang siya, tapos nagbi-video kami ng pamilya ko. Inaantay ko siyang magsalita.

"Pero tumawag si Sir Wilbert, ginising niya ako, 'Bumangon ka na diyan, maligo ka na. Pupunta na tayo ng Angono, babayaran ko na yung bahay.'

“Grabe, sobrang grabe! Ayun yung mga panghihinayang na… sayang hindi naabutan ni Nanay. Lilipat na kami ng bahay.

Noon pa man ay sinasabi na ni Herlene na sobrang close niya sa kanyang lola at lolo dahil lumaki siya sa poder ng mga ito.

Noong July 2022, pumanaw ang kanyang Nanay Bireng dahil sa kidney failure at iba pang komplikasyon tulad ng high blood, diabetes, at pneumonia.

Read: Herlene Budol mourns death of grandmother

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ni Herlene, “Hindi niya [Nanay Bireng] naabutan na ga-graduate ako, may bahay kami. Yung mga paghihinayang ko na sana naabutan pa niya.

“Sinisisi ko yung sarili ko, kasi ang bagal ko. Bakit wala akong ginawa para bilisan ko pa? Bakit hindi ko ginalingan?”

Sa huli ay paulit-ulit na humingi ng tawad si Herlene sa kanyang namayapang lola.

“Sorry, Nanay, sorry po, sorry. Pero hindi ako titigil, Nanay, gagawin ko pa rin ang lahat.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol: “Alam niyo in-offeran niya ako, 'Gagawin ko sayo yung ginawa ko kay Madam Inutz, pumasok siya ng PBB, bibilhan ko siya ng bahay. So, sumali ka ng BBP [Binibining Pilipinas], bibilhan kita ng bahay...' Sino ba namang tanga ang hindi papayag dun? Praktikal na tayo, hindi naman kami mayaman ng pamilya ko."
PHOTO/S: Screengrab @Herlene Budol YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results