Nabalot ng kalungkutan ang mundo ng showbiz sa pagpanaw ng magaling na aktres at tinaguriang primera contravida na si Cherie Gil.
Si Cherie ay binawian ng buhay dahil sa cancer ngayong Agosto 5, 2022. Siya ay 59 taong gulang.
Read: Award-winning actress and primera contravida Cherie Gil dies at 59
Kinumpirma ang malungkot na balita ng kanyang pamangkin na si Sid Lucero, anak ng namayapa na ring kapatid ni Cherie na si Mark Gil.
Isang maikling mensahe ang ibinahagi ni Sid sa Instagram ngunit ramdam ang kanyang labis na pagmamahal sa pumanaw na tiyahin.
Mensahe niya, “I love you;) big hug:) #bugluv”
View this post on Instagram
Malungkot din ang aktres na si Sunshine Cruz sa pagpanaw ni Cherie. Nagkasama ang dalawa sa teleserye ng ABS-CBN na Dolce Amore noong 2016.
Post ni Sunshine, “A really sad day for the industry.
"RIP Ms. Cherie Gil. It was an honor to have worked with you in Dolce Amore"
Gayundin ang aktres na si Ana Feleo.
Mensahe niya: "You are born an artist or you are not. And you stay an Artist, dear, even if your voice is less of a fireworks. The Artist is always there.” -Maria Callas
"Brava, La Divina! Addio! Cherie Gil Eigenmann"
View this post on Instagram
Nagdadalamhati rin si Jon Lucas sa pagpanaw ni Cherie.
Ibinahagi ng Kapuso actor ang karanasan niya nang magkasama sila ng award-winning actress sa anniversary special ng Tadhana ng GMA-7 noong 2020.
Ani Jon, "What a loss for us. Ito yung panahong sinabi ko sa handler ko na 'time to face my fear.' Sino bang hindi masisindak?
"Kahit hindi mo pa siya kilala pero dahil sa mga pelikula niya na tumatak sa ating lahat. Talagang kakabahan ka.
"Noong araw na yon mali ako. Napakabait ni Ms. Cherie Gil. Mahal niya ng sobra ang ginagawa niya kaya siguro nafifeel ng iba na masyado siyang seryoso. She was really one of a kind.
"Isa itong episode na to na lagi kong babaunin kasi nakatrabaho ko siya.
"She was something, not a second-rate, not trying hard, never a copycat.
"Pakikiramay po sa buong pamilya!"
Sabi naman ng direktor at manunulat na si Joey Reyes, hindi niya makakalimutan ang "Trining Ojeda" ng kanyang unang obra bilang screenwriter, ang 1982 classic film na Oro Plata Mata.
Buong post ni Direk Joey: "Rest now, dear EVANGELINE ROSE.
"You will always be our TRINING OJEDA immortalized in ORO, PLATA, MATA.
"Have a safe journey home to the arms of our Father.
"You were launched in the very first movie I ever wrote.
"You starred in the movie that I will always be remembered.
"You are irreplaceable in the minds and hearts of so many of us."
Narito ang iba pang mensahe ng mga celebrity: