Bagama’t may reputasyong mahusay na kontrabida sa pag-arte, sa totoong buhay ay maraming taga-industriya ang nagmamahal kay Cherie Gil.
Patunay dito ang pagdadalamhati ng mga artista kasunod ng balitang pagpanaw ng batikang aktres.
Nagpatotoo ang iba sa kanila sa kabaitan ni Cherie sa totoong buhay.
Sumakabilang buhay si Cherie dahil sa cancer of the reproductive system, sa New York City, Biyernes, August 5, 2022.
Siya ay 59.
Sunud-sunod ang post ng mga artista para ipaabot ang kanilang pagdadalamhati at pakikiramay sa mga naiwan ng aktres.
Kabilang sa mga nag-post sina Star for All Seasons Vilma Santos, Mikee Cojuangco-Jaworski, at Atom Araullo.
Read also: Sid Lucero, Sunshine Cruz, Jon Lucas, other celebrities pay tribute to Cherie Gil
VILMA, MIKEE, ATOM POSTS ON SOCIAL MEDIA
Nag-post si Vilma sa Instagram ng larawan nila ni Cherie.
“Rest in peace, my friend. We love you, Ms. Cherie,” caption ni Ate Vi.
Dahil parehong seasoned actors, maraming pinagsamang pelikula sina Vilma at Cherie, katulad ng Palimos ng Pag-ibig (1986), Saan Nagtatago ang Pag-ibig (1987) at Imortal (1989).
Binalikan ni Mikee Cojuangco Jaworski ang magagandang alaala nito kay Cherie na itinuturing nilang family friend.
“Cherie used to sing for my parents campaigns in Tarlac every election, and spend a few days there each time,” post sa Instagram Story ni Mikee.
“I was this chubby little girl following her around.
“Rest in peace, Cherie. Thank you for your kindness and generosity towards us.”
Ipinost naman ni Atom Araullo ang kuhang larawan nila ni Cherie.
Nilagyan ito ng Kapuso anchor ng isang broken heart emoji, indikasyon ng kalungkutan niya ukol sa pagpanaw ng premyadong aktres.
Nakatrabaho ni Atom si Cherie sa pelikulang Citizen Jake noong 2018.
MORE CONDOLENCES
“In my humble opinion, she was one of the best character actresses of our time,” post naman sa Facebook ng seasoned singer-actor na si Richard Reynoso.
“Had a chance to work with her several times and she never ceased to amaze me.”
Kahit ang Kapuso comedienne na si Divine Aucina, saksi sa husay bilang alagad ng sining at kabaitan bilang tao ni Cherie.
Nakatrabaho ni Divine si Cherie sa GMA-7 primetime series na Legal Wives (2021) at sa teatro.
Post ni Divine, “You have touched my life in many ways. You will NEVER be forgotten Miss Cherie!
“With all your gracefulness, artistry, and regality.
“Favorite ko yung regal because when you talk para kang laging may baon na Spotlight and I always look upon you with awe and wonder, para talaga akong nanonood ng intimate play.”
Isang karangalan daw para kay Divine na makatrabaho ang “the one and only Cherie Gil.”