What Janine Gutierrez finds endearing about Paulo Avelino

by Melba R. Llanera
3 days ago
Janine Gutierrez, Paulo Avelino
Janine Gutierrez on Paulo Avelino: "Yun ang mga simpleng bagay na sinasabi ko, like pagod ako, like kinakabahan ako... Palagi siyang mayroong encouragement, na malaking bagay yun coming from someone like him."
PHOTO/S: @janinegutierrez / @gerardaquino via @pauavelino Instagram

Inamin ni Janine Gutierrez na patuloy pa rin silang nagkikita ng rumored boyfriend niyang si Paulo Avelino.

Nagkatambal sila sa seryeng Marry Me, Marry You sa Kapamilya Channel, at dito nabuo ang malalim at espesyal na relasyon sa pagitan nilang dalawa.

Sabi ni Janine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): "Nakikita ko naman siya. Go out? Yeah, oo. Yes, always naman I'm happy. I'm happy that he is in my life.

"But aside from that, ang daming magandang trabaho. Parang yung mga matagal ko ng minimithi na mga projects tulad nitong Sleep With Me, Dirty Linen, yung Ngayon Kaya, marami lang blessings kaya nagpapasalamat ako."

READ: Does Ramon Christopher approve of Paulo Avelino for Janine Gutierrez?

Halatang mailap pa rin si Janine sa pagdetalye sa tunay na estado ng relasyon nila ni Paulo.

"Ligawan? Ewan ko. Hahaha! Ang daya, wala siya dito. Saka na lang pag nandito na siya," paiwas na sagot ni Janine nang usisain tungkol sa kanila ni Paulo.

Continue reading below ↓

Ang tanging idinetalye niya ay ang mga espesyal na katangian ng aktor na nagpapakilig sa kanya.

Paglalarawan ni Janine kay Paulo: "Well, siguro, alam ko lang na maasahan ko siya.

"Like, parang this whole week every day may trabaho ako kasi nag lock-in yung ASAP, nagpo-promote kami ng Sleep With Me, very supportive siya and encouraging.

“Yun ang mga simpleng bagay na sinasabi ko, like pagod ako, like kinakabahan ako...

"Palagi siyang mayroong encouragement, na malaking bagay yun coming from someone like him."

Nakapanayam ng PEP.ph si Janine sa presscon ng pelikulang Sleep With Me na ginanap sa ABS-CBN compound kahapon, August 4, 2022.

FOLLOW-UP PROJECT?

Mataas ang ratings ng Marry Me, Marry You at positibo rin ang feedback sa pelikula nilang Ngayon Kaya.

May next project ba sila?

Sagot ni Janine, "Mayroon ding inquiry for follow-up projects and I hope we'll also get to work together again in the future.

Continue reading below ↓

"Nakikita ko nga yung mga tweet ng fans namin, gumagawa sila ng mga collage. Tapos na kaming mag-promote ng pelikula, so di na kami masyadong nakikita.

"Gusto ko lang din sabihin na miss ko sila, abang-abang lang."

MOVIE DATE WITH PAULO

Sa ngayon, aayain daw ni Janine si Paulo na panoorin ang Sleep With Me lalo't excited ito para sa pelikula.

Sabi ni Janine: "Yeah, super excited siya to watch this. Well, I'm happy kasi nga excited siya. I appreciate his opinion bilang isang magaling siyang artista, producer din siya. I hope he likes it."

Ang Sleep With Me ay pinagbibidahan nina Janine at Lovi Poe na may same-sex relationship sa takbo ng kuwento.

Dati nang nakatrabaho ni Paulo si Lovi sa Cinemalaya 2013 entry na Sana Dati.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez on Paulo Avelino: "Yun ang mga simpleng bagay na sinasabi ko, like pagod ako, like kinakabahan ako... Palagi siyang mayroong encouragement, na malaking bagay yun coming from someone like him."
PHOTO/S: @janinegutierrez / @gerardaquino via @pauavelino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results