Tom Rodriguez refutes claim that “machism of man” caused his breakup with Carla Abellana

by Bernie V. Franco
Aug 7, 2022
tom rodriguez carla abellana
Tom Rodriguez (left) responds to netizens who gave their two cents about who should be blamed in actor's breakup with estranged wife Carla Abellana.
PHOTO/S: @akosimangtomas @carlaangeline on Instagram

Sinalubong agad ng pang-iintriga si Tom Rodriguez ng ilang netizens matapos ang panandaliang pananahimik ng aktor sa social media.

Nagsimulang magparamdam muli si Tom sa kanyang Instagram account simula nitong weekend.

READ: Tom Rodriguez, hindi pa handa bumalik sa Pinas matapos ang split nila ni Carla Abellana

Nasa Arizona, USA ngayon ang aktor at may inaasikaso, base sa sagot niya sa isang netizen.

Pero hindi lahat ng netizen positive vibes ang salubong sa aktor.

May dalawang nagkomento kaugnay ng breakup ni Tom sa estranged wife na si Carla Abellana.

Ikinasal sina Tom at Carla noong October 23, 2021 pero napaulat ang paghihiwalay pagsapit ng January 2022.

Walang opisyal na pahayag sina Carla at Tom kung ano ang sanhi ng kanilang paghihiwalay, subalit ang pinakahuling update ay inaasikaso na nila ang annulment ng kanilang kasal.

Read also:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TOM ANSWERS MEDDLERS

Isang positive post ang ginawa ni Tom sa Instagram ngayong Linggo ng umaga, August 8, 2022.

Ipinost ng aktor ang short video niya na nagpapaaraw habang nasa veranda.

Sa caption, hangad daw niya na magkaroon ng “great day” ang lahat.

Unsolicited advice naman ang isinagot ng isang netizen.

“Move on…” komento ng isang netizen.

Sabi pa ng netizen, “now alam mo nang madaling bumitaw be thankful…

“Wag kasi kayo mag hanap ng babaeng maganda at successful hahaha kasi nasobrahan sila ng feeling strong and empowerment…”

Mahihinuhang si Carla ang tinutukoy rito ng netizen.

Ikinatwiran ng netizen na lahat ng lalaki ay nagkakamali, gayundin ang mga babae pero maaaring sa ibang aspeto.

Patutsada pa ng netizen, “kaya dapat marunong magpatawad at makalimot unless sobrang daming beses ng ginagawa don ka na wag magpatawad.”

netizen

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinatanggap ni Tom ang ipinakitang suporta ng netizen pero may pakiusap siya rito.

Ani Tom: “Let’s refrain na lang po mam from shaming others in this platform.

“Already so much of that going around in the world… let’s cultivate some positive vibes.”

netizen comment

Kinontra ng isa pang netizen ang pagtatanggol ng naunang netizen kay Tom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huwag daw isisi sa babae ang pagkakamali kundi sa lalaki dahil sa ego nito.

“Don’t insinuate that it’s the woman’s fault and fragility to hold on to the relationship and don’t give up.

“Blame the machism of the man instead. That’s victim blaming. Pathetic,” saad ng netizen.

netizen comment

Sinagot ito ni Tom dahil aniya’y mali ang paratang na ginawa ng netizen na lalaki ang dapat sisihin dahil sa kanyang machismo o yung ego nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Reply ng aktor: “Naliligaw po ata kayo with your soapbox, speaking of other people’s lives who’s contexts you know none of… perhaps you can tend to cleaning your own room instead? Have a great day.”

Nang mapaulat ang paghihiwalay nina Carla at Tom, may mga ispekulasyong lumabas kung ano ang sanhi nito.

Mas lalong pinag-usapan ang isyu nang magsalita ang ama ni Carla na si Rey PJ Abellana noong March 2022.

Aniya, may naka-one-night stand umano si Tom.

Pero makalipas ang ilang araw ay binawi ito ni Rey PJ at sinabi nitong nakausap ni Carla si Tom at naiwasan umano ni Tom na mangyari ang one-night stand.

Inamin din ni Rey na tinawagan siya ni Carla at nagalit sa kanya ang anak dahil sa kanyang ikinuwento.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Rodriguez (left) responds to netizens who gave their two cents about who should be blamed in actor's breakup with estranged wife Carla Abellana.
PHOTO/S: @akosimangtomas @carlaangeline on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results