Herlene Budol set to compete in international pageants

by Bernie V. Franco
Aug 7, 2022
Herlene Budol
Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Nicole Budol and her manager Wilbert Tolentino confirm that she will continue to compete in international pageants.
PHOTO/S: Facebook (Binibining Pilipinas)

Itutuloy ni Herlene Budol ang pagsabak sa beauty pageants.

Kinumpirma ito ni Herlene at ng manager na si Wilbert Tolentino sa victory homecoming ni Herlene sa Angono, Rizal noong August 5, 2022.

Salungat ito sa tweet ni MJ Lastimosa na last pageant na ni Herlene ang Bb. Pilipinas 2022.

Si Herlene, na binansagang "Hipon Girl" sa showbiz, ay itinanghal na first runner-up sa national pageant na ginanap isang linggo na ang nakalilipas.

Related articles:

HERLENE TO JOIN INTERNATIONAL PAGEANTS

Apat na major titleholders ang nanalo sa Binibining Pilipinas pageant. Ang apat na ito ay sasabak sa international competition.

Bilang first runner-up, si Herlene ay maaaring ipalit sakali mang may isa sa titleholders ang hindi makakasabak sa kanilang respective international pageants sa anumang dahilan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero mukhang hindi na ito hihintayin ni Herlene at ng kanyang manager.

Sinabi ng talent manager na si Wilbert na nagpaalam na siya sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. na humanap na siya ng international pageant para kay Herlene.

“Gusto ko lang sabihin sa inyo na humingi ako ng basbas ng Binibining Pilipinas na naghanap ako ng international pageant na ilalaban ko pa rin si Herlene,” pahayag ng manager sa victory homecoming.

herlene budol

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wilbert Tolentino confirms he intends to get talent Herlene Budol (center) in international pageants.

Sundot niya, wikang Pilipino ang gagamitin ni Herlene kapag sumabak ito sa international stage.

Sa ngayon ay ipagpapatuloy ni Herlene ang kanyang pagsu-showbiz. May mga upcoming endorsements din siya, ani Wilbert.

HERLENE IS OPEN TO JOIN INTL’ PAGEANTS

Kinatigan ni Herlene ang pahayag ng kanyang manager.

Sabi niya, “Sabi nga ni Sir Wilbert, meron pa po tayong mga susunod na laban, kagaya sa international [pageants].

“Isisigaw ko po doon at handang-handa na po ako sumigaw ng Pilipinas, kahit na Tagalog.

“Dahil Pilipino po ako. Proud po ako na nagsasalita po ako ng wikang Pilipino.

"Taglish man o bobo man sa inyong paningin, para sa akin hindi lang po basehan ang pag-e-English pagdating sa katalinuhan.”

herlene budol

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Herlene says she will speak in Tagalog once she joins international pageants.

Sundot ni Herlene, higit pa sa question-and-answer ang misyon niya sa pagsabak sa pageants.

“Kagaya ko po, wala akong alam sa kahit anong pageant, bukod po sa Binibining Angono, tumalon po tayo ng national pageant.

“Para sa akin, yung pinakadinala ko po doon yung istorya ng buhay ko, kung bakit po ako napunta doon.

“Alam ko na yung purpose ko. Maraming salamat din, Binibining Pilipinas. Ngayon I am uniquely beautiful with a mission.”

Samantala, pinasalamatan din ni Herlene ang mga miyembro ng kanyang team na tinulungan siyang paghandaan ang pagsabak sa Binibining Pilipinas.

Isa na rito ang kanyang Q and A coach: “Nagpatalino sa akin, nag-stretch ng utak ko.

"Alam niyo, meron pa palang ibubuga yung mga taong akala nila hanggang dun na lang yung utak nila,” paliwanag ni Herlene.

“Kagaya ko po, takot po akong magsalita sa harap ng maraming tao, pero napag-aaralan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naniniwala na pala ako na napag-aaralan ang lahat ng bagay.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Nicole Budol and her manager Wilbert Tolentino confirm that she will continue to compete in international pageants.
PHOTO/S: Facebook (Binibining Pilipinas)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results