Watch Now

Ivana Alawi celebrates 15.7M YouTube subscribers; gives 8,000 food packs, P1.2 million cash

by Khryzztine Joy Baylon
Aug 9, 2022
Ivana Alawi
Actress-vlogger Ivana Alawi distributes 8,000 food packs with cash gifts as way of thanking her subscribers for their continued support to her YouTube vlog.
PHOTO/S: Screengrab @Ivana Alawi YouTube

Nag-uumapaw ang pasasalamat ng Kapamilya sexy actress na si Ivana Alawi sa kanyang bagong milestone.

Umabot na kasi sa 15.7 million ang naka-subscribe sa kanyang YouTube channel.

Isa si Ivana sa pinakamatagumpay na celebrity vloggers sa bansa.

Bilang pasasalamat, muling naghandog ng sorpresa si Ivana sa kanyang followers.

Read: Ivana Alawi shares earnings from 10M subscribers on YouTube; gives out cash, food packs to homeless families

Sa latest vlog niya sa YouTube, na may titulong "15 MILLION SUBS CELEBRATION!", namigay si Ivana ng 8,000 food packs at mahigit PHP1.2 million cash sa mahihirap na pamilya sa iba't ibang parte ng Metro Manila.

Pagsisimula ng A Family Affair star sa kanyang vlog, "For today's video, ang gagawin natin ay share the love. Mamimigay ulit tayo ng blessings at ise-share natin ang pagmamahal.

“Matagal ko na itong plinano at hinintay ko talaga na makalipat ako sa bagong bahay.

“It’s a good start sa aking paglipat na mag-share ng love kasi mas magaan sa bahay kapag lagi kang namimigay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ise-celebrate natin ang pag-hit natin ng 15 million subscribers."

FOOD PACKS, CASH, AND CHAMPORADO

Ayon kay Ivana, noong una ay target niyang mamigay ng 15,000 packs, ngunit dahil kulang sila sa tao at sa hirap magluto, 8,000 packs lamang ang kanilang nagawa na umabot ng tatlong araw.

Kasama ang kanyang inang si Fatima, mga kapatid na sina Hashim at Amira, maging ang kanyang mga helper sa bahay, nag-repack sila ng food packs na kanilang ipamimigay.

Ipinakita rin ni Ivana kung ano ang laman ng isang bag na kanilang ipamimigay — bigas, de lata, Korean rice cake snacks, at soap bar mula sa kanya mismong skincare brand.

May kasama ring champorado na mismong si Ivana ang nagluto, at tig-150 pesos.

Sa ikatlong araw ng kanilang pag-iikot, sumama ang actress-vlogger sa kanyang team para personal na mag-abot sa mga pamilya na nakatira sa isang riles ng tren sa Quezon City.

Sa huli ay hindi rin nakalimutan ni Ivana magpasalamat sa kanyang subscribers sa patuloy na pagtangkilik sa vlogs niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Sobrang thank you sa inyo for watching and supporting us and loving us and subscribing to us.

“Sobrang blessed ako na nandiyan kayo.

"Super ibabalik namin lahat ng blessings na ibinibigay niyo sa amin, and also the love and support na ibinibigay niyo sa akin at sa pamilya ko.”

Read: Ivana Alawi to build mom's dream house with vlog earnings

Read: Ivana Alawi grants her helper's wish for a nose job

Hindi ito ang unang pagkakataong ibinahagi ni Ivana ang kanyang vlog earnings.

Noong 2021 ay namigay rin siya ng food packs at cash bilang bahagi ng selebrasyon ng kanyang 13 million subscribers.

August 2019 nang sinimulan ni Ivana ang pagba-vlog kung saan online challenges at pranks ang karamihan sa kanyang video content.

Pinakapatok sa lahat ng kanyang vlogs ang “A Day In My Life,” na in-upload niya noong October 30, 2019.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-vlogger Ivana Alawi distributes 8,000 food packs with cash gifts as way of thanking her subscribers for their continued support to her YouTube vlog.
PHOTO/S: Screengrab @Ivana Alawi YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results