Janella Salvador hints at breakup with Markus Paterson

by Melba R. Llanera
Aug 9, 2022
Janella Salvador Markus Paterson
Janella Salvador indirectly admits breakup with Markus Paterson, but maintains that their priority is their baby Jude Trevor.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment YouTube / @superjanella Instagram

Ilang buwang nang usap-usapan na diumano'y hiwalay na ang magkarelasyong Janella Salvador at Markus Paterson.

Ganunpaman ay tila maayos ang co-parenting set-up nila pagdating sa anak na si Jude Trevor. Magdadalawang taong gulang si Baby Jude sa October 2022.

Read: Janella Salvador, Markus Paterson relationship: A timeline

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment) si Janella sa media conference ng Darna, na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kagabi, August 8, 2022.

Diretsahang tinanong ng PEP.ph si Janella kung hiwalay na nga ba sila ni Marcus.

Hindi direktang sinagot ng aktres ang tanong.

Makahulugan niyang pahayag: "Masaya naman ako ngayon, happy, at peace. Okay naman kami, basta okay kami.

"We're both happy as individuals and our main priority is Jude."

Sundot na tanong ng PEP.ph ay kung bukas pa ba ang puso niyang magmahal muli at kung mas gusto na niyang non-showbiz guy ang susunod na makakarelasyon para mas pribado.

Sa mga sumunod na salita ni Janella ay mahihinuhang tila single ito ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabining saad ni Janella, "Hindi naman ako mapili. Kung sino ang dumating basta't maayos, basta't mamahalin ako."

JANELLA ON MOTHERHOOD

Ibinahagi rin ni Janella kung anu-ano ang mga nabago sa kanya mula nang maging isa siyang ina.

"Siguro yung priorities ko, ngayon lahat ng ginagawa ko for Jude. Mas na-inspire ako magtrabaho, to work hard, kasi nga mayroon na akong anak.

"Hindi ko lang ito ginagawa para sa sarili ko kundi para kay Jude din," sabi niya.

Gumaganap si Janella bilang Valentina sa Darna.

Nang mag-lock-in taping para sa serye, aminado si Janella na may adjustments na kailangang gawin sa ngalan ng trabaho.

"Actually, challenge talaga siya kasi I really have to make a sacrifice. Pag naka-lock- in kami, siyempre di ko masyadong nakikita si Jude and that's the hardest part of it.

"Pero iniisip ko na lang na ginagawa ko ito para sa kanya."

Naging bukas din si Janella sa pagbabahagi ng mga aral na natutunan niya ngayong isa na siyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"As a mom, siguro mas natutunan ko na maging patient. Yung patience ko ngayon, I learned how to be more understanding and to look at the bigger picture.

"Kunwari, why people act the way they do. Mas iniintindi ko from other people's points of view."

BETTER RELATIONSHIP WITH MOM JENINE

Kung may isa ring magandang ibinunga ang panganganak ni Janella ay naging maayos ang relasyon nila ng inang si Jenine Desiderio.

Ayon kay Janella, ngayon ay mas naa-appreciate niya ang presensiya ng ina sa kanyang buhay.

"Siyempre minsan mayroon pa rin kaming mga di pagkakaintindihan, pero okay naman kami.

"Mas naintindihan? Yes, of course, mas naa-appreciate ko siya ngayon.

"The fact that she's here helping me. She's always there for me. She was a single mom, she did this all on her own.

"Talagang she's one of the strongest women I've known," saad niya.

ON PLAYING VALENTINA

Sa presscon proper ng Darna ay nabanggit ni Janella na ang role niya bilang Valentina ang pinakaespesyal at pinaka-hindi niya malilimutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Una sa lahat siyempre iconic nga siya and pinaghandaan ko talaga siya. It's one of the most challenging roles that I've ever had to portray kasi nga napaka-complicated niya."

Masaya rin si Janella na nakatrabaho niya sa Darna si Jane de Leon at ang dating kapareha sa The Killer Bride na si Joshua Garcia.

"Okay kami sa set, nagba-bonding kami pag may time. Work-wise, I think Jane is very dedicated to her role. Yun nga, excited ako na makita ng lahat yun.

"Masaya ako na nakakatrabaho ko na ulit si Joshua. It's really nice to work with someone that you already had chemistry with.

"Mayroon din naman parts dito na magkaeksena kami. Happy ako na nakakatrabaho ko siya."

Mapapanood ang Darna simula sa darating na August 15, 2022, sa Kapamilya Channel, TV5 at A2Z.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador indirectly admits breakup with Markus Paterson, but maintains that their priority is their baby Jude Trevor.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment YouTube / @superjanella Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results