Lindsay de Vera on how boyfriend introduces her to other people: "Siya yung na-issue kay Dingdong."

by Noel Orsal
Aug 9, 2022
lindsay de vera boyfriend
Lindsay de Vera on being linked to Dingdong Dantes (not in photo): "Initially, I don’t think na it was tagged to me. I think in the article, there was a blind item about this famous person and then young star, so I think people just tried to connect it to me and Kuya Dong somehow. I don’t know... for me, pinagtatawanan ko na lang siya ngayon." Right photo shows Lindsay with boyfriend and indie actor Kurt Kendrick.
PHOTO/S: Noel Orsal

Balik-showbiz ang dating Kapuso artist na si Lindsay de Vera.

Pumirma siya ng two-year contract sa AQ Prime, isang bagong streaming company, nitong Lunes, August 8, 2022.

Bago ito ay eksklusibong nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Lindsay sa birthday party ng kapwa niya AQ Prime artist na si Joni McNab.

Ilang taong nawala sa sirkulasyon si Lindsay, ngunit nakagawa siya ng ilang mga teleserye sa GMA-7 noong aktibo pa siya. Kabilang dito ang Cielo de Angelina (2012), Pari Koy (2015), Encantadia (2016), My Love From The Star (2017), Alyas Robin Hood (2016-2017), Victor Magtanggol (2018), at The Better Woman (2019).

PAST ISSUE WITH DINGDONG DANTES

Bagamat ilang beses nang pinabulaanan ni Lindsay ang pagkakaugnay niya noon kay Dingdong Dantes, hindi pa rin mamatay-matay ang isyu sa kanila.

Tinatawanan na lang daw ito ngayon ng nagbabalik na aktres.

Nagkasama sina Lindsay at Dingdong sa mga teleseryeng Pari Koy at Alyas Robin Hood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lindsay de Vera mulls filing complaint against people spreading fake news about her and Dingdong Dantes

Saad niya, “I had that interview rin about that before, pero looking back, parang tinatawanan ko na lang din talaga siya.

"Kasi, the last time I worked with Kuya Dong was 2017, and when that [rumor] came out, 2020."

Habang ini-interview ng PEP.ph si Lindsay ay katabi niya ang kanyang boyfriend na si Kurt Kendrick, alaga ng talent manager na si Leo Dominguez at tampok sa AQ Prime Director's Cut movies na Adonis X at Taong Grasa.

Sila na raw noon nang lumabas ang isyu kina Lindsay at Dingdong.

Lahad ng aktres, “I was with Kurt na when it came out. So, kaming dalawa, we were laughing.

"And he actually commented on the post, and sabi niya, 'Grabe, naunahan pa ako ha!'

"Tapos, we were just laughing, and then he posted a picture.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"When that came out kasi, we were at the gym, nagwo-workout kami together, and then he took a picture of us working out, and he posted it.

"And sabi niya, 'Grabe, naunahan pa ako, ha. Buntis yarn?' And it was a picture of me na naka-sports bra and naka-jogger pants. So, parang he was trying to say na, 'Wow! Buntis talaga siya.'"

Sa palagay ni Lindsay, paano lumabas yung issue na yun?

Aniya, “Initially, I don’t think na it was tagged to me. I think in the article, there was a blind item about this famous person and then young star, so I think people just tried to connect it to me and Kuya Dong somehow.

"I don’t know... for me, pinagtatawanan ko na lang siya ngayon.

"Natatawa nga ako kasi when my boyfriend introduces me to other people, he introduces me as the shows I’ve done with GMA.

"Tapos, like, parang medyo blurry pa yung pagkakaalala nila sa akin, tapos ang sasabihin niya, 'Siya yung na-issue kay Dingdong.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And they will be, like, 'Ah, oo! Kilala ko siya.' And I’m, like, 'Ikaw talaga! Yun talaga yung ginagawa mong pang intro sa 'kin, ha.'

"Yeah, so it's just... wala, it was just a fun memory na lang to think and talk about."

Read: Former child actress Lindsay de Vera dreams of having Dingdong Dantes as her leading man someday

BACK IN SHOWBIZ

Kumusta na si Lindsay ngayon? Ano ang mga pinagkaabalahan niya nang hindi siya aktibo sa showbiz?

"I am doing well," sagot niya.

"Ever since I stopped my acting career, I focused more on modelling and I’ve been doing commercial modeling...

"I started modelling kasi when I was eight or nine years old. So, natuwa lang ako because I was able to go back to doing what I love.

"And because of modelling kaya rin ako napasok ng showbiz kaya masaya lang ako na nabalikan ko siya.

"And then, blessing din ni God na medyo marami rin akong nagawang commercials since I came back."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit siya umalis sa bakuran ng GMA-7?

Ayon kay Lindsay, “My contract with GMA ended in 2020. I wanted to focus more on studying.

"I was planning to study after I left GMA, kaso nangyari pandemic and schools didn’t know how to operate kaya nag-focus na lang ulit ako sa modelling.

"When it comes to modelling, my management is Motelli, under Rina Reyes. But in terms of acting, I am with Filets."

Dahil nasa bakuran na siya ng AQ Prime, bukas ba siyang gumawa ng pelikula na ipalalabas sa bagong streaming app?

Tugon ni Lindsay, “Yes, I am open to all kinds of stuff because I still like acting and I miss doing it.

"So, gusto ko rin ma-experience ang iba’t ibang klaseng roles. Okay naman.

"If the storyline and the role catches my interest and it is something that I can explore myself with as an actress, I’d love to try.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And so far, it seems like the people here are very nice."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lindsay de Vera on being linked to Dingdong Dantes (not in photo): "Initially, I don’t think na it was tagged to me. I think in the article, there was a blind item about this famous person and then young star, so I think people just tried to connect it to me and Kuya Dong somehow. I don’t know... for me, pinagtatawanan ko na lang siya ngayon." Right photo shows Lindsay with boyfriend and indie actor Kurt Kendrick.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results