Badjao Girl Rita Gaviola replies to bashers after revealing she's now a mother

by Bernie V. Franco
Aug 9, 2022
rita gaviola
Badjao Girl Rita Gaviola takes to social media and announces that she is now a mother to a baby girl.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment) / @itsritagaviola on Instagram

Ibinunyag ni Rita Gaviola, a.k.a. Badjao Girl, na isa na siyang ina.

Nakilala si Rita nang mag-viral noon ang kanyang larawang namamalimos sa kalye at naging housemate sa Pinoy Big Brother 7 Teen Edition noong 2016.

Kalaunan ay pinasok niya ang showbiz at ang pagiging social media influencer.

Inanunsiyo ni Rita ang bagong yugto ng kanyang buhay sa pamamagitan ng Instagram post nitong August 8, 2022.

Nag-post siya ng larawan na may karga-kargang sanggol, at katabi ni Rita ang ama ng kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat walang binanggit sa caption na nanganak na siya, kinumpirma ito ni Rita sa pamamagitan ng pagsagot sa well-wishers, pati na rin sa bashers.

rita gaviola

“SINAYANG MO LANG CAREER MO”

Bumuhos ang pagbati kay Rita, pero may ilang sinumbatan siya na sinayang niya ang kanyang career.

Batikos ng isa (published as is): “Tinatanggi mo pa sa tiktok na dika buntis pa iyak iyak kapa tas ngayon nanganak kana paka kup*l”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buwelta ni Rita: “ikaw kung Wala kang alam manahimik kna lang mas kup*l ka kasi nakikialam ka”

rita gaviola comment

Puna ng isa pang kritiko: “Sinayang mo lng Career mo Rita pero kong anak mo man yan walang kasalanan ang Bb congrats”

Sagot ni Rita: “walang masasayang.”

rita gaviola

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-iwan din ng mensahe si Rita dahil sa mixed reactions na natanggap niya matapos ang kanyang rebelasyon.

Komento niya (published as is): “Sa mga nadissapoint or madami pang sasabihin buhay ko yubg tinatahak ko tska madami pa akong kayang gawin and maraming salamat po sa mga sumusuporta kasama na namin si baby kia sa susunod na mga vlog namin [heart emoji]”

rita gaviola

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Batay rin sa ilang mga nagkomento, may mga nagbanggit na napansin na nilang tila buntis si Rita, pero itinanggi raw niya ito sa social media.

May ilan namang sumagot na naunawaan nila si Rita sa ngalan ng kanyang career.

Huling napanood sa telebisyon si Rita nang sumali siya sa "Showtime Sexy Babe" ng It’s Showtime noong February 2022.

Naging daily winner si Rita pero hindi pinalad manalo pagdating ng weekly round.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Badjao Girl Rita Gaviola takes to social media and announces that she is now a mother to a baby girl.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment) / @itsritagaviola on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results