Watch Now

Vanessa Raval refutes claim Jeric Raval's not her real dad; clarifies AJ Raval is her real sister

by Khryzztine Joy Baylon
Aug 9, 2022
Vanessa Raval
Vanessa Raval (left) on dad Jeric Raval (center): "Marami pong beses na na-interview ang tatay ko na nag-name drop siya kung sino ang mga anak niya, lagi po akong kasali dun. Ngayon lang po talaga sensitive ang tatay ko, dahil nga sa mga nangyayari...Nagalit yung tatay ko sa ginawa ko pero never akong itinanggi nun." Right photo is AJ Raval, Vanessa's sister.

Nilinaw ng social media influencer na si Vanessa Raval na "fake news" ang balitang hindi siya totoong anak ng action star na si Jeric Raval.

Nag-ugat ang lahat sa panayam ni Jeric sa YouTube vlog ni Ogie Diaz noong August 1, 2022 kung saan tinanong ang aktor kung totoong anak ba nito si Vanessa.

Read: Jeric Raval on pregnancy rumor about daughter AJ: "Kung buntis, e, di mabuti, at least hindi pala siya baog."

Noong August 5, 2022, nag-upload ng TikTok video si Vanessa para sagutin at klaruhin ang mga kumakalat na artikulo tungkol sa kanyang pagkatao.

Ayon sa kanya, kailanman ay hindi siya itinanggi ng ama na si Jeric.

Pagsisimula ni Vanessa sa kanyang video, "Hello! May kumakalat na tsismis na naman, na hindi raw ako anak ng tatay ko [Jeric].

"So, ganito lang po sasabihin ko, panoorin niyo po yung interview ng tatay ko kay Ogie Diaz.

"Kasi may kumakalat na articles, mga fake news, na sinabi raw doon ng tatay ko na hindi niya ako anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi po ako itinanggi ng tatay ko... ang sinabi lang po niya is 'Let's not talk about her.'"

Naniniwala si Vanessa na piniling hindi sagutin ng kanyang tatay ang tanong ni Ogie para hindi na humaba pa ang kanilang usapan tungkol sa kanya at sa nagawa niyang kasalanan.

Aniya, "Kung ako yung magulang at may ginawang ganun yung anak ko, talagang nakakahiya yun, kaya sasabihin ko na rin na 'let's talk about her.'"

Noong July 27, 2022, nagsimulang pag-usapan sa social media ang sunud-sunod na posts ni Vanessa, kalakip ang screenshots ng usapan umano nila ng aniya'y "sikat na panget na lalaking rapper" na ayaw raw siyang tigilan at panay ang pagtsa-chat at panlalandi sa kanya.

Dahil dito, nadawit ang pangalan ng singer-rapper na si Skusta Clee, na siyang hinihinala ng netizens na tinutukoy ni Vanessa.

Read: Skusta Clee dares Vanessa Raval to name "sikat na panget na lalaking rapper" in her cryptic posts

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nito lamang July 30, 2022, sa pamamagitan din ng TikTok, pinangalanan ni Vanessa ang rapper na tinutukoy niyang "lumalandi" sa kanya. Ito ay si Miguelito o mas kilala bilang Haring Manggi.

Pero kalauna’y binawi ito ni Vanessa at inaming "scripted at naka plano" ang lahat ng kanyang naging pahayag kamakailan.

Read: Vanessa Raval admits allegation about "sikat na pangit na rapper" is "scripted"

Tinawanan na lang din ni Vanessa ang tungkol sa isa pang kumakalat na balitang anak siya ng pinsan ni Jeric.

Aniya, "Hindi po totoo yun. Hindi po totoo yun, wala pong ganun.

"Marami pong beses na na-interview ang tatay ko na nag-name drop siya kung sino ang mga anak niya, lagi po akong kasali dun.

"Ngayon lang po talaga sensitive ang tatay ko, dahil nga sa mga nangyayari."

Read: Jeric Raval: "Kung maibabalik ko yung panahon, hindi na ako mag-aanak ng marami."

Inamin ni Vanessa na totoong galit si Jeric sa kanya dahil sa ginawa niyang isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagalit yung tatay ko sa ginawa ko, pero never akong itinanggi nun.

“Actually, kausap ko siya ngayon, sabi ko, 'Bakit ganun?' Fake news nga, wala siyang sinabi.

“Trinay kong panoorin yung interview niya kay Ogie Diaz, wala akong nakitang sinabi niya na hindi niya ako anak at wala siyang sinabi na anak niya ako sa pinsan daw niya or ewan.”

Dagdag pa niya, “Ang nangyari po ngayon, nagka-issue ako, talaga namang nagalit yung tatay ko sa ginawa ko, pero hindi ako itinakwil ng tatay ko."

Isa pa sa nilinaw ni Vanessa ay hindi niya “half-sister” ang sexy star na si AJ Raval, kundi totoo niya itong kapatid sa ina at ama.

Read: AJ Raval distances herself, defends family from sister Vanessa Raval's issue

“Ilang beses na pong binanggit ng tatay ko na lima po ang anak niya sa mommy ko. Si AJ, hindi ko po siya half-sister, magkapatid po talaga kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mahal na mahal ko po ang mga kapatid ko, lahat po sila mahal ko,” sabi niya.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vanessa Raval (left) on dad Jeric Raval (center): "Marami pong beses na na-interview ang tatay ko na nag-name drop siya kung sino ang mga anak niya, lagi po akong kasali dun. Ngayon lang po talaga sensitive ang tatay ko, dahil nga sa mga nangyayari...Nagalit yung tatay ko sa ginawa ko pero never akong itinanggi nun." Right photo is AJ Raval, Vanessa's sister.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results