Watch Now

Herlene Budol pays courtesy call to senators: “Salamat po sa pag invite”

by Bernie V. Franco
Aug 9, 2022
Herlene hipon budol
Herlene Budol visits the Senate Plenary Hall for a courtesy call and had a photo-op with Senators Pia Cayetano (right, top photo), Bong Go, Raffy Tulfo, and Robin Padilla (right, bottom photo).
PHOTO/S: Facebook (Herlene Hipon Budol, Pia Cayetano)

Nakadaupang-palad ni Herlene “Hipon” Budol ang ilang senador sa ginawa niyang courtesy call sa Senado ngayong Martes, August 9, 2022.

Mismong si Senator Raffy Tulfo ang nag-imbita sa kanya sa Senado, ayon sa social media post ni Herlene.

Si Herlene ang itinanghal na first runner-up ng Binibing Pilipinas 2022 pageant noong July 31, 2022.

“Ako po ay natutuwang maimbitahan bilang panauhin sa Plenary Hall ng Senado, dahil din po kay Sen. Raffy Tulfo.

"Isang karangalan ang magkaroon ng courtesy call mula sa Senado," sabi ni Herlene.

Mensahe naman ng anchor-turned-politician: “Si Herlene ay nagsisilbing inspirasyon at magandang halimbawa para magpatuloy sa pagsusumikap at pag-abot ng mga pangarap.”

herlene budol

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Herlene with Sen. Raffy Tulfo in a photo-op with the employees at the Senate.

Maging si Senator Pia Cayetano, ibinida sa kanyang Facebook account ang photo-op nila kay Herlene.

“With the beautiful Binibining Pilipinas 1st Runner Up Herlene Hipon Budol, who paid a courtesy call at the Senate today,” post ng senadora.

Ipinost din ni Herlene ang mga larawan niya kasama sina Senators Ronaldo “Bato dela Rosa, Bong Go, at Robin Padilla.

Matapos makoronahan sa sinalihang national pageant, binanggit ng kampo ni Herlene na pagtutuunan nito ngayon ang kanyang showbiz career, endorsements, at commitment sa Binibining Pilipinas organization.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol visits the Senate Plenary Hall for a courtesy call and had a photo-op with Senators Pia Cayetano (right, top photo), Bong Go, Raffy Tulfo, and Robin Padilla (right, bottom photo).
PHOTO/S: Facebook (Herlene Hipon Budol, Pia Cayetano)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results