Is Lovi Poe ready to leave her showbiz career to settle down?

by Melba R. Llanera
Aug 10, 2022
lovi poe montgomery blencowe
Lovi Poe on relationship with boyfriend Montgomery Blencowe: "Right now, I'd like to say we're very happy, we're both career-oriented, that's why we push each other to do sa careers namin and also our personal lives."
PHOTO/S: @lovipoe / @montyblencowe on Instagram

Sa magandang itinatakbo ng kanyang career at challenging roles sa mga proyekto niya sa bakuran ng ABS-CBN, marami ang nagtatanong kung handa na bang iwan ni Lovi Poe ang pag-aartista kung dumating ang pagkakataong yayain na siyang magpakasal at bumuo ng pamilya ng British writer-producer boyfriend na si Montgomery Blencowe.

Read: Is Lovi Poe ready to settle down with boyfriend Monty Blencowe?

"That's a hard question, kasi parang all my life, career ko talaga yung ano.

"Parang, I think I would want to be with someone who will still push me and let me do my career and let me be myself," pahayag ni Lovi nang tanungin ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) tungkol dito sa presscon ng iWantTFC series na Sleep With Me sa Studio 2 ng ABS-CBN noong August 4, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat hindi pa sila engaged, para kay Lovi ay suwerte ang babaeng pakakasalan ng kasintahan.

"I think anyone would be lucky too if it was him. He's very supportive sa career ko at yun ang kailangan ko or anyone.

"Dun ako naniniwala, if anyone wants to uplift you or pushes you to pursue your dreams, I always think that I am with that someone," saad ng aktres.

Sa kabila ng kanilang long-distance relationship, dahil nasa Pilipinas si Lovi habang kasalukuyang nakabase sa Los Angeles, California si Montgomery, sinabi ng Kapamilya actress na seryoso at kuntento siya sa lagay ng kanilang relasyon.

"Right now, I'd like to say we're very happy, we're both career-oriented, that's why we push each other to do sa careers namin and also our personal lives.

"It's hard to say, of course, we've been together for years na, so let's say it's pretty serious."

COMPLIMENT FROm JANINE GUTIERREZ

Sa queer series na Sleep With Me ay kapareha ni Lovi ang kapwa dating Kapuso star na si Janine Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gumaganap sila bilang miyembro ng LGBTQ na parehong may kapansanan. Si Lovi ay may sleep disorder samantalang wheelchair-bound DJ naman si Janine.

Ikinatataba ng puso ni Lovi ang mga papuri sa kanya ni Janine at sa pagsasabi nitong siya ang hinahangaan nitong aktres.

Reaksiyon niya, "I'm so kilig! Alam mo, natatameme talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I don't know if that is the word, kasi I don't know how to accept, hindi ako marunong mag-ano ng compliments actually. I get really shy kasi this is Janine as well.

"From someone who is a very good actress, and who is very beautiful, parang nahihiya talaga ako and I don't know how to respond.

"It's nice kasi I feel the same way towards her. And everything na puwede mong i-admire sa isang tao, nasa kanya.

"The fact that I can do this kind of project with her is such a good experience kasi nga usually it would be a certain role na magkapatid, magkaribal, but this time we got to act people who are in love."

Labis-labis naman ang pasasalamat ni Lovi sa mga magagandang proyekto na ipinagkakaloob sa kanya ng ABS-CBN na mas humahasa sa talento niya bilang isang aktres

"I'm so grateful, I'm very happy because ABS CBN family, my Dreamscape family, hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat kasi dream ko na magawa yung Flower of Evil and to work with Piolo Pascual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Now I got to work with Janine and this whole team. A one-of-a kind story that needs to be told.

"Sabi ko nga, I'm just so happy that Dreamscape talaga took the chance and make sure they have to showcase this kind of story, and I'm glad to be part of it."

Ang Sleep With Me ay sa ilallim ng direksiyon ni Sam Lee. Co-produced ito ng Dreamscape Entertainment, Projects 8 Projects. Mapapanood ito sa iWantTFC simula sa August 15.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lovi Poe on relationship with boyfriend Montgomery Blencowe: "Right now, I'd like to say we're very happy, we're both career-oriented, that's why we push each other to do sa careers namin and also our personal lives."
PHOTO/S: @lovipoe / @montyblencowe on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results