Watch Now

Arnold Clavio on recreating iconic scene with Cherie Gil: "Ako ang pangatlo sa listahan."

by Bernie V. Franco
Aug 10, 2022
arnold clavio cherie gil
In 2018, Cherie Gil had a guest appearance in Arnold Clavio's now-defunct late-night show. Arnold had the chance to do the iconic sceneg Walang Ningning in Bituin with the late actress.
PHOTO/S: GMA Network via @akosiigan on Instagram

Hinding-hindi malilimutan ng veteran GMA broadcaster na si Arnold Clavio si Cherie Gil.

Binalikan ni Arnold ang magandang alaala niya kay Cherie kasunod ng pagpanaw ng award-winning actress noong August 5, 2022 dahil sa cancer.

Read:

Nabigyan kasi ng pagkakataon ang Kapuso anchor na i-recreate ang iconic scene ng aktres mula sa pelikulang Bituing Walang Ningning, na pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Cherie noong 1985.

Ito ang eksena nang magbitaw si Cherie ng linyang “You’re nothing but a second-rate, trying-hard copycat” kay Sharon at sinabuyan ng tubig mula sa wineglass.

Si Cherie ay nagkaroon ng guest appearance sa Tonight with Arnold Clavio, ang now-defunct late-night show ni Arnold sa GMA Network, noong 2018.

Hindi raw pinalampas ni Arnold ang pagkakataong makaeksena ang premyadong aktres para i-recreate ang iconic scene na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinost ni Arnold sa Instagram ang isang video clip mula sa episode.

Sa video, nagpasalamat na si Arnold kay Cherie sa paglabas sa kanyang programa at inabutan na ng bouquet of flowers.

May itinanong si Arnold kay Cherie, na biglang nag-segue sa kanyang famous movie line at sinabuyan ng tubig si Arnold.

Matapos nito ay nagyakap ang dalawa, indikasyong katuwaan ang kanilang ginawa.

Ibinahagi ni Arnold ang kuwento ng video sa caption.

Simula niya (published as is), “Sobrang saya ni @macherieamour when she guested sa Tonight with Arnold Clavio (TWAC) last January of [sic] 2019 …

“She even mentioned na nag-iipon siya ng personalities na matapunan niya ng glass of water from her iconic role as Lavinia Arguelles sa pelikulang Bituing Walang Ningning…

“And surprisingly , ako ang pangatlo sa listahan niya ... Sobrang hiya niya after that dahil sabi niya newscaster ako .

“Sabi ko anything na magpapasaya sa mga kapuso , I’m fine with that…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pakikiramay ni Arnold, “Once agai , nawalan ng isang magaling na aktres ang Philippine movie …

“Enjoy your journer Madam … May your soul rest in peace .”

Na-recreate din ni Cherie ang iconic scene na ito kasama ang iba pang celebrities, kabilang na ang aktres na si Bea Alonzo at ang talent manager at PEP Troika member na si Noel Ferrer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In 2018, Cherie Gil had a guest appearance in Arnold Clavio's now-defunct late-night show. Arnold had the chance to do the iconic sceneg Walang Ningning in Bituin with the late actress.
PHOTO/S: GMA Network via @akosiigan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results