Nananatiling nasa unahan ng listahan ng Philippines' Richest 2022 ang magkakapatid na Sy, ayon sa Forbes.
Sina Teresita, Elizabeth, Henry Jr., Hans, Herbert, at Harley ay mga anak ng yumaong SM Supermalls founder na si Henry Sy Sr.
Ayon sa Forbes, nagtala ng $12.6 billion net worth ang magkakapatid na Sy ngayong 2022.
Bumaba ito ng apat na porsyento kumpara sa kanilang net worth noong 2021 na $16.6 billion.
"Their combined net worth is comprised largely of stakes held in the group's publicly traded SM Investments and SM Prime," ayon sa Forbes.
Pumapangalawa sa Forbes Philippines' Richest 2022 list negosyante at dating senador na si Manny Villar, na may net worth na $7.8 billion.
Pangatlo si Enrique Razon Jr., may-ari ng Solaire Resort and Casino, na may net worth na $5.6 billion.
Pang-apat si Lance Gokongwei at kanyang mga kapatid na sina Robina, Lisa, Faith, Hope, at Marcia. Sila ang nagmamay-ari ng JG Summit Holdings na may net worth na $3.1 billion.
Panlima ang Aboitiz family (Aboitiz Equity Ventures) na may net worth na $2.9 billion.
Pang-anim si Isidro Consunji at kanyang mga kapatid (DMCI Holdings Inc.), na may net worth na $2.65 billion.
Pampito sa listahan si Tony Tan Caktiong at ang kanyang pamilya (Jollibee Foods Corporation), na may net worth na $2.6 billion.
Pangwalo si Jaime Zobel de Ayala at ang kanyang pamilya (Ayala Corp.), na may net worth na $2.55 billion.
Pang-siyam si Ramon Ang, may-ari ng San Miguel Corporations, na may net worth na $2.45 billion
Pang-sampu si Andrew Tan, may-ari ng Emperador Distillers at may malaking share sa Megaworld real estate company, na may net worth na $2.4 billion.
Nilinaw ng Forbes na ang net worth ng mga indibidwal na nakasama sa listahan ay base sa pagsasara ng "stock prices and exchange rate" noong July 22, 2022.