Sylvia Sanchez shares bonding moments of husband Art Atayde with future daughter-in-law Maine Mendoza

by Arniel C. Serato
Aug 11, 2022
Sylvia Sanchez shares bonding moments of husband Art Atayde and Maine Mendoza
Sylvia Sanchez on bonding moments of husband Art Atayde and future daughter-in-law Maine Mendoza: "Sila po ang laging nagbu-bully-han pag nagkikita-kita. Nakahanap sila ng katapat sa isa't isa hahaha."
PHOTO/S: Courtesy: @sylviasanchez_a on Instagram

Hindi maipagkakailang sobrang close na si Maine Mendoza sa pamilya ng kanyang fiancé, ang aktor at Quezon City congressman na si Arjo Atayde.

Sa Instagram ngayong Huwebes, August 11, 2022, ibinahagi ng ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez ang ilang larawang nagkukulitan si Maine at ang ama ng actor-politician na si Art Atayde.

Pagbubulgar ni Sylvia, wala raw ginawa sina Art at Maine kapag nagkakasama kundi ang mag-asaran at maglokohan sa isa’t isa.

Positive vibes daw ito, ani Sylvia, dahil napupuno ng tawanan kapag sila ay nagba-bonding.

Sabi ng aktres, “Sila po ang laging nagbubullyhan pagnagkikita kita.

“Nakahanap sila ng katapat sa isat isa hahaha

“Ang saya saya sa tuwing nagbubullyhan sila [laughing emojis]

“Walang humpay na tawanan, sarap nilang panoorin, tatawa ka nalang ng tatawa #positivevibes kumbaga [laughing, heart emojis] love you both @xaviiart
@mainedcm [face throwing a kiss emojis]”

Sa engagement ng anak ng aktres na si Arjo Atayde, 31, kay Maine, 27, noong July 28, isa si Sylvia sa labis na natuwa sa panibagong landas na tatahakin ng anak sa piling ng Eat Bulaga! co-host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Sylvia, “He asked Her and She said, YES!!!

“Finally!! Welcome to the family, Maine [heart emoji] Thank you for loving my son.
Love you Nak [face blowing a kiss emojis]

“I promise that I will take care and love you as my own Daughter [heart emoji]

@arjoatayde @mainedcm #Armaine [heart emoji]

“Happy morning [woman dancing, man dancing, woman dancing emojis]”

Read: Sylvia Sanchez emotional about son Arjo Atayde's engagement to Maine Mendoza

Wala pang nababalita kung kailan magpapakasal sina Arjo at Maine.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sylvia Sanchez on bonding moments of husband Art Atayde and future daughter-in-law Maine Mendoza: "Sila po ang laging nagbu-bully-han pag nagkikita-kita. Nakahanap sila ng katapat sa isa't isa hahaha."
PHOTO/S: Courtesy: @sylviasanchez_a on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results