Arjo Atayde reveals proposal to Maine Mendoza took more than year-long of planning

by Arniel C. Serato
Aug 11, 2022
Arjo Atayde speaks up about his proposal to Maine Mendoza
Arjo Atayde says he is ready to marry fiancée Maine Mendoza anytime: "To be honest, I’ve decided since, even before I’ve asked her, anytime."
PHOTO/S: Courtesy: @sylviasanchez_a on Instagram

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkuwento ang aktor at Quezon City First District Congressman Arjo Atayde, 31, sa proposal niya sa girlfriend na si Maine Mendoza, 27.

July 28, 2022, nag-propose si Arjo kay Maine matapos ang tatlong taon at pitong buwan nilang relasyon bilang magkasintahan.

Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde are engaged

Ayon kay Arjo, wala talagang kaalam-alam si Maine na magpu-propose siya noong araw na yun.

Pagbubunyag ni Arjo, lagpas isang taon niyang plinano ang marriage proposal at tinaymingan niya na talagang papatak ito ng July 28—ang petsa na sila ay unang nagkakilala.

Sabi niya sa panayam ni MJ Felipe ng TV Patrol ngayong gabi, August 11, “More than a year actually. I’ve been planning... more than a year and I’m grateful it happened the right time.

“So, I just really waited for everything kasi may mga, of course, may mga nangyari and everything.”

Nagpaalam pa raw siya sa mga magulang ni Maine bago niya ito yayaing magpakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Arjo, sobrang mabait sa kanya ang mga magulang ni Maine kaya nararapat lamang na sila ang unang makaalam sa marriage proposal niya.

“The parents of Maine are very loving, very understanding, very giving to me ever since and I’m very thankful.”

Hindi nagbigay ng detalye si Arjo tungkol sa kanilang kasal dahil ipauubaya raw niya ito kay Maine.

Pero magiging long engagement ba ito o kasalan na kaagad?

Tugon ni Arjo, “You know, for me, that’s her to answer… because that’s Maine’s decision for now. For me, I’m just here for whatever she wants, I’m ready.”

Si Maine na raw ang bahalang mamili ng petsa ng kanilang kasal, pero kung siya ang masusunod: “To be honest, I’ve decided since, even before I’ve asked her, anytime. Anytime.

"It’s really a matter of us talking. This is a big step in our life, it’s another milestone, eventually have kids.”

Magbabiyahe raw muna silang dalawa bago humarap sa dambana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, sinabi naman ng ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez na handa na siyang maging lola.

Natatawa niyang kuwento sa panayam, “O, siyempre. Sabi nga ni Arjo, ‘Mommy, relax muna, relax muna, kaka-propose lang.’

“Thankful ako kay Arjo kasi sa totoo lang inakyatan niya ako ng mahal niya, mapapangasawa niya na mabuti, magalang, marespeto, at mabuting bata talaga.”

Read: Sylvia Sanchez emotional about son Arjo Atayde's engagement to Maine Mendoza

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arjo Atayde says he is ready to marry fiancée Maine Mendoza anytime: "To be honest, I’ve decided since, even before I’ve asked her, anytime."
PHOTO/S: Courtesy: @sylviasanchez_a on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results