Watch Now

Did Matteo Guidicelli call out Alex Gonzaga on national television?

by Erwin Santiago
Aug 12, 2022
matteo alex tropang lol
Netizens react to video clip of Matteo Guidicelli telling Alex Gonzaga to stop joking about their respective spouses during the closing segment of Tropa LOL on Thursday, August 11. But, is Matteo really serious or he's just joking?
PHOTO/S: YouTube

Pinagsabihan nga ba ni Matteo Guidicelli si Alex Gonzaga on national television?

Ito ang tanong at paniniwala ng maraming netizens na nakapanood sa video clip, mula sa closing segment ng TV5 noontime show na Tropang LOL (Lunch Out Loud), na kumalat sa Twitter ngayong Huwebes, August 11, 2022.

Si Alex ay regular co-host at si Matteo ay guest co-host naman sa Tropang LOL.

Sa kumalat na video ay nagpapaalam na ang mga host ng programa nang biglang nakiusap si Matteo na pakinggan siya dahil may mensahe siya, partikular na kay Alex na katabi niya sa stage.

"Pasensiya na po, may konting mensahe po ako sa mga Tropang LOL especially sa 'yo, Alex," pasakalye ni Matteo.

"Uy, ano 'to?" reaksiyon ng mga kasamahan nila.

Humarap si Matteo kay Alex at nagbiro pang lagyan ng "dramatic music" ang kanyang sasabihin.

Pero seryoso niyang pahayag kay Alex: "Pinaniganipan ko 'to kagabi, sabi ko sa sarili ko at nag-pray ako, 'Lex, tigilan na natin ang pagbiro natin sa mga asawa natin dahil... mga ex na 'yan, e, tapos na 'yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagsang-ayon naman ni Alex, "Oo nga..."

Pagpapatuloy ni Matteo, "Maawa naman tayo kay Konsehal at sa asawa ko dahil kagabi umiyak na ako dahil sa 'yo..."

Nagulat na reaksiyon ni Alex, "Bakit ka umiyak sa akin, ano ang ginawa ko?"

Mahinahong sagot ni Matteo, "Dahil nasasaktan ako para sa asawa ko, tigilan na natin... Siyempre nai-stress din yung editor natin sa taas.

"So, Tropang LOL, irespeto natin mga asawa natin at mag-usap na lang tayo tungkol sa..."

Dito na naputol ang kumalat na video clip.

Base sa napanood na video ay maraming netizens ang nag-react at nagbigay ng kanilang opinyon.

Karamihan sa kanila ay pinuri si Matteo dahil sa pagku-call out umano nito sa panunukso sa kanya ni Alex sa ibang female co-hosts ng programa, gayong alam naman ng lahat na may asawa na ang actor-host.

Si Matteo ay kasal sa singer-actress na si Sarah Geronimo, habang si Alex ay kasal naman sa konsehal ng Lipa City na si Mikee Morada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga nag-post pa ng ilang clips mula sa dating episodes ng Tropang LOL kung saan itinutukso ni Alex si Matteo sa co-host nilang si Laboching, pero makikitang umiiwas talaga ang aktor.

Ayon sa ilang netizens, "green flag" ang isang katulad ni Matteo.

Sabi pa ng iba, kailangan matutong rumespeto ni Alex at hindi dapat gawing biro ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa madaling salita ay na-bash nang husto si Alex dahil sa nasabing video clip.

THE FULL STORY

Pero hindi pala rito natatapos ang kuwento.

Base sa mas mahabang video na nai-post din sa social media, may karugtong pang sinabi si Matteo kay Alex.

Pagkatapos sabihin ni Matteo na "So, Tropang LOL, irespeto natin mga asawa natin at mag-usap na lang tayo tungkol sa..." bigla siyang bumaba at itinuro ang paa ni Alex at sinabing "... kuko mo!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawa pagkatapos si Matteo at lumapit sa kamera at sinabing "Skrrt, skrrt, skrrt, skrrt!:"

Malinaw na nagbibiro at inaasar lang ni Matteo at ibang hosts si Alex, na halatang muntik nang mapaniwala sa sinabi ng aktor.

Pero hindi ito napanood ng mga netizen na agad nagbigay ng opinyon at hinusgahan na si Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang isinusulat ang artikulong ito ay trending topic pa rin sa Twitter ang "Alex Gonzaga" at "Matteo."

Wala pang reaksiyon sina Alex at Matteo kaugnay ng pagti-trending nila.

Maliban kina Alex at Matteo ay trending din sa Twitter ang "#CancelTropangLOL" at "Pooh."

Ito ay dahil naman sa segment na "Maritest" ng Kapatid noontime show, kung saan isa sa mga itinanong ni Alex sa guest na si Pooh ay tungkol sa sikat na K-pop group na Super Junior.

Inakusahan ng netizens, partikular na ang Super Junior fans, ang programa, ang mga host, pati na si Pooh ng pagiging "insensitive" dahil sa pagtatanong na may kinalaman sa pagkamatay ng ama ng miyembro ng K-pop group na si Eunhyuk

Bukod sa "insensitive" umano ang tanong ay hindi rin nagustuhan ng fans ang ginawang biro nina Pooh at Wacky Kiray.

Read: #CancelTropangLOL trends on Twitter after Super Junior fans call out noontime show for "insensitive" jokes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens react to video clip of Matteo Guidicelli telling Alex Gonzaga to stop joking about their respective spouses during the closing segment of Tropa LOL on Thursday, August 11. But, is Matteo really serious or he's just joking?
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results