Watch Now

Roxanne Barcelo to migrate to Taiwan with family

by Khryzztine Joy Baylon
Aug 12, 2022
Roxanne Barcelo
Roxanne Barcelo: "From the beautiful country of the Philippines, going to another beautiful country…Taiwan. I’m excited for a new chapter, for a change.”
PHOTO/S: Screngrab @Roxanne Barcelo YouTube

Magkahalong saya at lungkot na inanunsiyo ni Roxanne Barcelo na magma-migrate na siya sa Taiwan.

Kasama ng actress-singer ang kanyang asawa na si Jiggs at ang kanilang one-year-old son na si Cinco.

Read:Roxanne Barcelo finally reveals face of her foreigner husband

Read: Roxanne Barcelo gives birth to baby boy

Sa kanyang pinakabagong vlog sa YouTube na may titulong “Mother Badidap Migrates” na in-upload noong August 6, 2022, ipinakita ng aktres ang kanilang pag-iimpake kasabay ng pag-anunsiyo ng kanilang pagma-migrate.

Pagsisimula niya, “I miss you, and guess what… if you don’t miss me, well, I’ll hope you gonna miss me this time.

"Kasi ang big, big announcement ay… magma-migrate na kami. We’re going to Taiwan."

Ibinahagi rin ni Roxanne na hindi pa siya handa sa kanilang pag-alis, lalo na’t sa loob ng 23 taon ay hindi pa siya tumira sa ibang bansa, maliban sa Pilipinas at United States.

Aniya, “Excited na ako actually kasi masasarap daw ang food at maganda ang kabuuan ng Taiwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“From the beautiful country of the Philippines, going to another beautiful country…Taiwan.

“I’m excited for a new chapter, for a change.”

Hindi man sinabi ni Roxanne ang dahilan ng biglaang pag-migrate nila, tila may kinalaman ito sa trabaho ng kanyang mister.

May plano raw siyang ituloy ang kanyang showbiz career sa Taiwan.

Saad niya, “Baka may pakanta ako doon, we’ll see. Sana matuloy at sana matupad. If not, food vlogger.

“Gagawin ko talaga yun kasi masarap daw ang food sa Taiwan and maganda ang fashion. Explore natin lahat.”

Sa kabila ng kaba ay excited daw si Roxanne sa kanyang magiging bagong buhay sa Taiwan.

“Hindi pa nagsi-sink in yung thought na magma-migrate na kami. Parang sa ngayon, word pa lang siya na migrate, migrate, migrate.

“Minsan natutulala me, parang napapaisip ako… parang, wow bagong buhay na, as a housewife, as a vlogger, as a mother, and as a wife.”

Read: Roxanne Barcelo posts sweet photos with her foreigner husband

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Roxanne Barcelo picks special venue for son Cinco's first birthday

Sigurado raw na mami-miss niya ang kanyang nanay, kapatid, at mga kaibigan na maiiwan sa Pilipinas.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Roxanne Barcelo: "From the beautiful country of the Philippines, going to another beautiful country…Taiwan. I’m excited for a new chapter, for a change.”
PHOTO/S: Screngrab @Roxanne Barcelo YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results