Muli na namang nagdulot ng palaisipan sa netizens ang singsing na suot ni Julia Montes na sumilip sa Instagram Reels ni Dimples Romana.
Kahapon, August 11, 2022, ibinahagi ni Dimples ang reunion nila ng mga anak-anakan niya noon sa Mara Clara remake na sina Julia at Kathryn Bernardo.
Caption ni Dimples sa larawan nila: “Made a special reel of all the beautiful moments I spent with these two OG loves of mine, but my internet connection isn’t cooperating today, so these two photos FIRST.
“LOVE YOU TWO so much @bernardokath @montesjulia08 sanity regained [heart emoji] thank YOU”
View this post on Instagram
Ngayong araw, August 12, ibinahagi ni Dimples ang lagpas isang minutong reel na nagawa niya.
Naging masaya raw ang kanilang “unfiltered conversations” sa nasabing mini-reunion ng Mara Clara, na umere sa Kapamilya network mula October 2010 hanggang June 2011.
Buong post ni Dimples, “Unfiltered fun, conversations, beauty and reel [laughing emoji] best served over wine, sashimi, cheese and chocolates by a sisterhood everyone must have in a lifetime [face throwing a kiss emoji]
“Forever grateful to @dreamscapeph sir @deo_endrinal for putting us altogether in Mara Clara a decade back [heart emoji]”
View this post on Instagram
Napagdiskitahan naman ng netizens ang tila diamond engagement ring na suot ni Julia na makikita sa isang shot ng video.
Hinala ng netizens, baka ito na raw ang engagement ring na bigay ng matagal nang napapabalitang nobyong si Coco Martin.
May nagkomento naman na sa FPJ’s Ang Probinsyano lang ito dahil sa teleserye ay nag-propose si Coco sa karakter ni Julia.
Noong November 2020, naging usap-usapan ng netizens ang tungkol sa singsing na suot ni Julia noon.
Read: Is Julia Montes wearing an engagement ring?
Ilang taon na ring laman ng balita na may lihim na relasyon sina Julia at Coco.
Bukod pa rito, ibinalita na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nanganak na si Julia dito sa Pilipinas noong April 2019.
Kinumpirma ito sa PEP.ph ng ilang showbiz insiders.
Ayon sa insiders, totoong si Coco ang ama ng baby ni Julia.
Gayunman, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita sina Julia at Coco tungkol dito.
Read: Showbiz insiders confirm Julia Montes has given birth
Sa kabila nito, hayagang nagpapakita pa rin ng suporta ang dalawa sa isa't isa.
Nitong March 2022 lamang, sa ika-27 na kaarawan ni Julia, sinorpresa siya ng buong cast ng Ang Probinsyano—kasama na si Coco—ng isang birthday celebration sa set ng show.
Makikitang niyakap at hinalikan pa siya ni Coco.
Read: Coco Martin gives Julia Montes huge kiss and hug on her 27th birthday