Matteo Guidicelli speaks up on viral Tropang LOL prank on Alex Gonzaga

by Arniel C. Serato
Aug 12, 2022
Matteo Guidicelli speaks up on viral video of him and Alex Gonzaga
Matteo Guidicelli releases statement about prank on Alex Gonzaga after the actress-TV host was bashed heavily by netizens: "Tropang LOL is an entertainment show and clips were coming out, naputol siya, without the punchline in the end e… na, ‘Let’s just joke around your toenails, Alex.’”
PHOTO/S: Courtesy: Tropang LOL on YouTube

Nilinaw ni Matteo Guidicelli na prank o biro lamang ang eksenang nangyari sa episode ng Tropang LOL (Lunch Out Loud) kahapon, August 11, 2022.

Kaugnay ito sa tila pangangaral niya kay Alex Gonzaga sa closing segment ng TV5 noontime show. Ang video clip na ito ay kumalat sa Twitter pagkatapos ng programa.

Hindi maganda ang naging dating nito sa maraming netizens na nakapanood ng video clip. Inakala nilang ito ay hayagang pag-call out ni Matteo kay Alex on national television na iwasan o bawas-bawasan ang pagbibiro nito tungkol sa kanilang mga ex lalo pa't pareho na silang may asawa.

Read: Did Matteo Guidicelli call out Alex Gonzaga on national television?

Ayon sa pahayag ni Matteo ngayong Biyernes, August 12, ang kumalat na video ay putol at hindi napanood ang kanyang punchline.

Sabi niya sa News5, “There’s a lot of people that say negative things about her [Alex Gonzaga-. I just want to clear the air and everything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tropang LOL is an entertainment show and clips were coming out, naputol siya, without the punchline in the end e… na, ‘Let’s just joke around your toenails, Alex.’”

Sinegundahan din ni KC Montero, co-host ng show, ang naging pahayag ni Matteo.

Hindi rin daw si Alex ang dapat humingi ng dispensa kundi ang mga taong hinusgahan kaagad ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ni KC sa kanyang Facebook post ngayong araw, “Alex Gonzaga is being bashed so hard online now for a video that’s going around.

“An edited video not showing what really happened. But here’s the real video that shows that the ‘serious’ talk was just a set up to a prank.

“Many people calling for a public apology when really they should be saying sorry to her now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE PRANK

Sa episodekahapon ng Tropang LOL, kung saan guest co-host si Matteo, bago sila magpaalam sa ere ay biglang nakiusap itong pakinggan siya dahil may mensahe siya, partikular na kay Alex na katabi niya sa stage.

Panimula ni Matteo, "Pasensiya na po, may konting mensahe po ako sa mga Tropang LOL especially sa 'yo, Alex."

"Uy, ano 'to?" reaksiyon ng mga kasamahan nila.

Humarap si Matteo kay Alex at nagbiro pa sa musical scorer na lagyan ng "dramatic music" ang kanyang sasabihin.

Pero seryoso niyang pahayag kay Alex: "Pinaniganipan ko 'to kagabi, sabi ko sa sarili ko at nag-pray ako, 'Lex, tigilan na natin ang pagbiro natin sa mga asawa natin dahil... mga ex na 'yan, e, tapos na 'yan."

Sinang-ayunan naman ito ni Alex at sumagot ng, "Oo nga..."

Dagdag pa ni Matteo, "Maawa naman tayo kay Konsehal at sa asawa ko dahil kagabi umiyak na ako dahil sa 'yo..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagulat na reaksiyon ni Alex, "Bakit ka umiyak sa akin, ano ang ginawa ko?"

Mahinahong sagot ni Matteo, "Dahil nasasaktan ako para sa asawa ko, tigilan na natin... Siyempre nai-stress din yung editor natin sa taas.

"So, Tropang LOL, irespeto natin mga asawa natin at mag-usap na lang tayo tungkol sa..."

Dito na naputol ang kumalat na video clip.

Kaagad nagbigay ang netizens ng kanilang opinyon ukol sa video na halatang putol, dahilan para maging trending topic sina Alex at Matteo sa Twitter.

Karamihan sa netizens ay pinuri si Matteo dahil sa pagku-call out umano nito sa panunukso sa kanya ni Alex sa ibang female co-hosts ng programa, gayong alam naman ng lahat na may asawa na ang actor-TV host.

Si Matteo ay kasal sa singer-actress na si Sarah Geronimo, habang si Alex ay kasal naman sa konsehal ng Lipa City na si Mikee Morada.

Makalipas ang ilang oras, lumabas ang full video kung saan naibato ni Matteo ang sinabi niyang punchline.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base sa mas mahabang video na nai-post din sa social media, may karugtong pang sinabi si Matteo kay Alex.

Pagkatapos sabihin ni Matteo na "So, Tropang LOL, irespeto natin mga asawa natin at mag-usap na lang tayo tungkol sa..." bigla siyang bumaba at itinuro ang paa ni Alex at sinabing "... kuko mo!"

Dito na nagkatawanan ang lahat.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli releases statement about prank on Alex Gonzaga after the actress-TV host was bashed heavily by netizens: "Tropang LOL is an entertainment show and clips were coming out, naputol siya, without the punchline in the end e… na, ‘Let’s just joke around your toenails, Alex.’”
PHOTO/S: Courtesy: Tropang LOL on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results