Watch Now

Sunshine Cruz to bashers calling out her outfit: "Kindly unfollow for your peace of mind"

by Khryzztine Joy Baylon
Aug 13, 2022
Sunshine Cruz
Sunshine Cruz: “Wearing clothes that make us feel pretty, confident and happy is never a sin."
PHOTO/S: Sunshine Cruz Facebook

Hindi na nakapagpigil si Sunshine Cruz sa mga bashers na pumupuna sa kanyang pananamit.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post noong August 10, 2022, sinagot ng 45-year-old actress ang ilang komento na nagsasabing hindi akma ang kanyang sexy outfits sa edad, lalo na’t siya ay may mga anak na.

Komento ng isang netizen, "Kasawa rin yung puro ganyan itsura niya. Wala ba siya damit?

Sabi pa ng isa, "What happen to you? wala ka na sa edad para mag po-post ng ganyan."

Kalakip ang kanyang litrato na naka two-piece at ang dalawang screenshots ng komento ng mga netizen, agad na binuweltahan ni Sunshine ang mga ito.

Ayon sa celebrity mom, hindi niya hahayaang diktahan siya ng sinuman kung ano ang dapat niyang suotin.

“Wearing clothes that make us feel pretty, confident and happy is never a sin.

"Sa mga kababaihan who still believe na may category ayon sa edad ang pananamit, pasensya na po, I will not let any of you control or change the way I am.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I love dressing up, i love to wear crochet tops, I enjoy going to the beach with my children so expect to see more of me dito sa aking sariling facebook page."

At sa mga bashers na hindi komportableng nakikita ang kanyang pananamit, sabi niya, "If my posts or my/our clothes bother you, kindly unfollow for your own peace of mind."

Sa kabila nito marami pa ring netizens ang sumang-ayon at kanya at sinabihang huwag na niyang pansinin ang mga negatibong komento.

Sunshine Cruz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sunshine Cruz

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz: “Wearing clothes that make us feel pretty, confident and happy is never a sin."
PHOTO/S: Sunshine Cruz Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results