Earlier this year ay nag-viral ang mga larawan ni Concert Queen Pops Fernandez with Martin Nievera at ang mga anak nilang sina Robin at Ram sa US. Kuha ang kumalat na mga larawan sa U.S. noong nakaraang holiday season
What made their family picture more fascinating ay naroon din ang ex-girlfriend ni Martin na si Katrina Ojeda at ang anak nilang si Santino, pati na rin ang long-time girlfriend ni Martin na si Anj del Rosario.
Tinawag sila ng netizens na "modern family," "blended family" at "instafamilies."
"Blended? Kasi we are very blended, yes," pagsang-ayon ni Pops.
"Iba na ang panahon, di ba? So, ganoon na talaga. And okey naman because I want my boys to also be very close to Santino, their brother.
"Ganoon din kasi kami, di ba? Meron din akong half-sister, half-brother and pinalaki kami together. I think the most important thing is what we do about the situation to help. Kumbaga, to help better everybody's relationship."
Ipinagtapat ni Pops na hindi niya inakalang makakaya niyang makasama ang dating karelasyon ni Martin na si Katrina, na hindi lingid sa kaalaman ng marami ay naging third party sa hiwalayan nila ni Martin.
Pag-amin niya, "Hindi ko inakala na kakayanin ko dahil nung araw, siyempre that's parang, 'Huuuh?!?!'
"It's far from my mind. Pero kaya naman pala. And yun na nga, kapag nakita mo naman yung mga anak mo, si Santino, kumbaga, hindi naman sila kasali sa mga istorya namin noong araw.
"Okey na yun. 'Tapos, ang dami nang nangyari. Ang dami na naming… kumbaga sa pinagdaanan also, separately and individually.
"So, we just have to learn from our past, di ba?
"And hopefully, we better ourselves. It's also for ourself kasi."
May mga nagsabi na very forgiving si Pops.
Mabilis niyang reaksyon, "Ay! I think ano lang naman, I think it's how we adjust nga to it.
"I think that's the very..... for me kasi yun yung pinaka-the best na mangyari.
"Kasi nga, ayaw mo rin na meron ka pang dinadalang galit or sama ng loob. Parang ang tagal-tagal na. Ang dami na ngang nangyari. Parang okey na."
May kinalaman kaya ang pandemya sa naging desisyon niya?
"Siguro. You know, you'll never know. But this happened even before Covid.
"It's really… you just don't know and yun na nga, I think we just have to be grateful na okey tayo.
"I always post this, kasi I believe that we should always be grateful for all of our blessings everyday. Totoo iyan. Hindi natin alam.
"So, masaya na lang dapat tayo," diin niya.
POPS ON HER FAMILY'S COVID ORDEAL
Speaking of pandemic, nabanggit ni Martin sa huling interbyu namin sa kanya na nagka-Covid silang lahat pagpasok ng 2022.
Pagbabalik-tanaw niya, "New Year's, hahaha! New Year's namin, naka-quarantine kami.
"But thank God it was just mild. Hindi naman siya complicated or serious. So, yeah.
"It got me closer to my boys kasi we shared, I made sure that we were just in one suite. Pag gising mo, kami-kami lang kahit gustung-gusto na nilang lumabas, alam mo yun?
"Na puwede naman, kaya lang napa-praning pa ako. So, nag-stay pa rin kami."
Nakuwento rin ni Pops sa ginanap na media conference ng Four Kings and A Queen na nagka-Covid din ang ilan sa artists and members ng production team.
"Yes, nag-quarantine," pagkumpirma ni Pops.
"Pero dito okey naman kami. It's just that parang praning lang siguro ako and just to be, kumbaga sa… I did my share.
"I didn't want go out, just in case lang. Para wala kaming mahawa. Although there, parang they treated like it's a sipon na lang, di ba?
"I think, tama ba yung narinig ko, on the third day if you get it puwede ka nang mag-work basta naka-mask. But anyway, I still wanted to be sure."
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pops pagkatapos ng Q&A portion sa mediacon ng Four Kings and A Queen, kung saan makakasama niya mag-perform ang veteran OPM singers na sina Rey Valera, Nonoy Zuñiga, Marco Sison at Hajji Alejandro.
Ang Four Kings and A Queen concert ay gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa Agosto 26 and 27.
Ang DSL Events and Production ni Pops ang nag-produce ng concert para sa Newport World Resort and Full House Theater Company in partnership with Dreamwings Production nina Flor Santos at Cora de Guzman.
Very successful ang first U.S. leg ng Four Kings and A Queen.
Marami pang nagre-request na mga kababayan natin sa U.S. na i-extend ang kanilang tour, pero may kani-kanya nang prior commitnent ang mga artists. Hopefully, matuloy ang continuation ng kanilang U.S. tour next year.