Watch Now

Herlene Budol addresses revived issue with Miss Manila Alexandra Abdon: “Sana tinropa na lang niya ako…”

by Bernie V. Franco
Aug 16, 2022
hipon miss manila
Herlene Budol a.k.a. Hipon (left) speaks up after her past issue with Miss Manila 2020 Alexandra Abdon (right) resurfaces. In an episode of Wowowin in 2020, Alexandra said Herlene will never be a beauty queen. Herlene was crowned first runner-up in the Binibining Pilipinas 2022 pageant last July.
PHOTO/S: @herlene_budol, @alexandra.abdon on Instagram

Nagsalita si Herlene "Hipon" Budol kasunod ng pagsulpot ng videos niya at ni Miss Manila 2020 Alexandra Abdon.

Muli kasing inungkat ng ilang netizens ang past issue nina Herlene at Alexandra matapos makoronahang first runner-up ni Herlene sa Binibining Pilipinas 2022 noong July 31, 2022.

Lumalabas na binabalikan ng mga tagasuporta ni Herlene si Alexandra dahil sa pangmamaliit na ginawa umano nito kay Herlene sa Wowowin noong December 2020.

Sa nasabing Wowowin episode, pinagharap sina Herlene at Alexandra at nagpatagisan sila kung sino ang mas angat ang ganda.

Ipinagdiinan ni Alexandra ang pagiging “squammy” at “iskwater” ni Herlene.

May ganito pang pahayag si Alexandra: “Kahit magpa-pageant ang nanay ni Hipon sa bahay nila, hindi siya qualified.

“Yung standards, yung qualification, medyo tagilid tayo dun.”

Naiyak dito si Hipon at inaming nasaktan siya.

Read: Miss Manila bashed for calling Hipon Girl “iskwater”; clarifies it was scripted

Nakatanggap ng matinding pamba-bash sa social media si Alexandra, pero nilinaw niyang “scripted” ang kanyang pahayag at napag-utusan lamang siya kung ano ang sasabihin sa Wowowin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakita pang nagkabati sina Herlene at Herlene, at nagkaroon pa ng collab sa vlogs.

Pero hindi nakalimot ang fans ni Herlene.

hipon miss manila

HERLENE SPEAKS UP

Dahil muling nabuhay ang isyu, binabalikan ngayon ng fans si Alexandra.

Nang sumali siya sa Miss Universe Philippines 2020 ay hindi nakasama sa Top 16 si Alexandra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang si Herlene ay naging first runner-up sa katatapos lang na Binibining Pilipinas 2022.

Walang komento si Alexandra, pero napansin ng fans na binura nito ang halos lahat ng kanyang Facebook posts.

Hinala ng netizens, ginawa ito ni Alexandra dahil natakot siyang mabalikan ng fans.

Hindi naman ito lingid sa kaalaman ni Herlene.

Nausisa kasi si Herlene sa ginawang “pang-aalipusta” sa kanya ni Alexandra sa YouTube vlog ni Karen Davila noong August 13, 2022.

Tanong ni Karen kay Herlene: napatawad na ba niya si Alexandra?

Tugon ng Kapuso star: “Wala naman po akong sama ng loob sa kanya kasi dati nagkaayos na po kami.

“Two years ago na po yung isyu na iyon, parang binabalik-balikan pa po nila.”

Bagamat sinabing scripted ang pahayag ni Alexandra, personal daw ito para kay Herlene.

Saad niya, “Sinabi niya po na scripted, pero sa part ko po kasi, hindi ako nasabihan na scripted, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, baka sana tinropa na lang niya ako, baka mas naging magandang tandem pa kami.

“Nasaktan po ako, siyempre buong pagkatao ko iyon sinabi niyang… pati nanay ko dinamay niya pa, e.”

Naniniwala naman ni Herlene na sa kabila ng isyung ito ay pumabor pa rin sa kanya ang mga kaganapan.

Paliwanag niya, “Siguro Diyos na rin yung nagplano ng buhay ko kaya siguro dinala ako dito.

“Kasi nung time naman po na iyon, wala naman akong balak [sumali sa pageant], e.

“So, siguro para lang din po ma-realize ng ibang tao na kung sino yung ibinababa, itinataas ng Panginoon.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol a.k.a. Hipon (left) speaks up after her past issue with Miss Manila 2020 Alexandra Abdon (right) resurfaces. In an episode of Wowowin in 2020, Alexandra said Herlene will never be a beauty queen. Herlene was crowned first runner-up in the Binibining Pilipinas 2022 pageant last July.
PHOTO/S: @herlene_budol, @alexandra.abdon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results