Watch Now

Badjao Girl Rita Gaviola gets emotional over bashers

by Khryzztine Joy Baylon
Aug 17, 2022
rita gaviola eat bulaga
Rita Gaviola: "Parang ang dali sa kanilang manghusga ng tao na hindi nila kilala yung personality talaga. So, masakit, kasi dumarating yung time na maiisip mo na, sana hindi maranasan ng anak ko iyong nararanasan ko ngayon. Kasi sobrang hirap.”
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga!

Naging emosyunal si Rita Gaviola, a.k.a Badjao Girl, nang maglabas ng saloobin tungkol sa natatanggap niyang panlalait online.

Nito lamang August 8, 2022, ginulat ni Rita ang publiko nang inanunsiyo niya sa Instagram na isa na siyang ina sa murang edad na 19.

Read: Badjao Girl Rita Gaviola replies to bashers after revealing she's now a mother

Sa episode ng Eat Bulaga! noong August 12, 2022, isa si Rita sa choices sa "Bawal Judgmental" segment. Dito ay ibinahagi niya ang pinagdadaanan mula nang aminin niyang may anak na siya.

Tinanong siya ng Eat Bulaga! co-host na si Maja Salvador kung paano niya kinakaya ang bashers.

Ayon kay Rita, noong una ay nahirapan siyang i-handle ang kanyang bashers. Lalo na't dumating sa puntong makakabasa siya ng masasakit na salita katulad ng “bobo,” “sinayang mo yung career mo,” at “inuna mo pa yung kalandian.”

Emosyunal niyang dagdag, “Siyempre, para sa part ko, sobrang sakit kasi hindi nila alam yung dinadanas ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang ang dali sa kanilang manghusga ng tao na hindi nila kilala yung personality talaga.

“So, masakit, kasi dumarating yung time na maiisip mo na, sana hindi maranasan ng anak ko iyong nararanasan ko ngayon. Kasi sobrang hirap.”

Nakiusap din si Rita na huwag nang idamay ang kanyang one-month-old baby dahil wala itong kasalanan.

“Sabi ko, ako na lang, huwag na yung anak ko. Kahit i-bash niyo na ako nang i-bash, okay lang, tatanggapin ko.

“Huwag na yung baby ko, kasi yung baby ko wala siyang kasalanan dito.”

Nagpapasalamat din si Rita na sa kabila ng natatanggap niyang pambabatikos ay may mga taong tanggap pa rin siya at handa siyang suportahan.

Saad niya, “Sila po yung dahilan kung bakit ako lumaban at lalung-lalo na yung baby ko.”

Payo naman sa kanya ng mga Eat Bulaga! host na sina Allan K, Maja Salvador, Ryan Agoncillo, at Maine Mendoza, deadmahin na lang niya ang bashers at mag-focus na lang sa kanyang anak at pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakilala si Rita nang mag-viral noon ang kanyang larawang namamalimos sa kalye at naging housemate sa Pinoy Big Brother 7 Teen Edition noong 2016.

Kalaunan ay pinasok niya ang showbiz at ang pagiging social media influencer.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Gaviola: "Parang ang dali sa kanilang manghusga ng tao na hindi nila kilala yung personality talaga. So, masakit, kasi dumarating yung time na maiisip mo na, sana hindi maranasan ng anak ko iyong nararanasan ko ngayon. Kasi sobrang hirap.”
PHOTO/S: Screen grab from Eat Bulaga!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results