Watch Now

Netizens ask: is Julia Montes pregnant with Coco Martin's child?

by Rachelle Siazon
Aug 17, 2022
Julia Montes rumored to be pregnant with second child with Coco Martin
The latest photos of Julia Montes (in all-black outfit) from FPJ's Ang Probinsyano thanksgiving party fuel rumor that she is pregnant with Coco Martin's child. Seen in these photos are Julia and Coco together with co-star Sharon Cuneta (wearing Chanel sweater).
PHOTO/S: Sharon Cuneta Facebook

Hindi pa rin namamatay ang isyung buntis umano si Julia Montes sa ikalawang anak nila ni Coco Martin.

Base ito sa comments ng mapanuring netizens na napansing tila may baby bump si Julia sa latest photos nito.

Present si Julia sa thanksgiving party ng cast ng FPJ's Ang Probinsyano na ginanap noong August 14, 2022.

Gumanap na mag-ina sina Julia at Sharon Cuneta sa katatapos na long-running prime-time series ng Kapamilya Channel.

Read: Ang Probinsyano opisyal nang nagwakas pagkatapos ng pitong taon

Ngayong Miyerkules, August 17, 2022, nag-post si Sharon ng group pictures mula sa okasyon.

Julia Montes and Sharon Cuneta and Coco Martin

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa netizens, kapansin-pansin na tila nakatakip ang kaliwang kamay ni Julia sa bahagi ng kanyang tiyan.

Makikitang all-black ang outfit ni Julia na blazer, top, at pants kaya waring disimulado ang pangangatawan nito.

Nag-iwan ito ng palaisipan kung ito raw ba ang dahilan kung bakit biglang nawala ang character ni Julia sa Ang Probinsyano noong June 2021. Muli lang nasilayan si Julia sa huling eksena sa finale ng show.

Sa comments section ng Facebook post ni Sharon, may ilang netizens ang pumansin sa hinihinalang pagdadalantao ni Julia.

Julia Montes pregnancy rumor

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Julia Montes pregnancy rumor

Julia Montes pregnancy rumor

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IS JULIA WEARING AN ENGAGEMENT RING?

Mayroon namang hiwalay na Instagram post si Julia kunsaan lubos ang saya niya habang kayakap si Sharon.

Julia Montes and Sharon Cuneta

Sa comments section, ang pinansin naman ng netizens ay ang suot na singsing ni Julia.

Tingin nila ay engagement ring iyon na bigay ni Coco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Julia Montes

Julia Montes engagement ring

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Julia Montes engagement ring

Hindi ito ang unang pagkakataong napansin ng netizens na may suot si Julia na diamond ring sa kanyang left ring finger.

Read related stories:

Noong June 14, 2022 ay usap-usapan din ng ilang Instagram followers ni Julia ang suot niyang diamond ring.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Julia Montes

"NOT-SO-SECRET RELATIONSHIP"

Matagal nang nauugnay sina Julia at Coco bilang magkarelasyon.

Pero low-key lang ang dalawa sa kabila ng consistent sightings sa kanila na magkasama bago pa sila nagkatrabaho muli sa FPJ's Ang Probinsyano.

Kabilang na rito iyong namataan silang nagbakasyon sa Boracay noong March 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong July 2021, inamin ni Julia sa Mega Magazine na mayroon siyang karelasyon na tulad niya ay nasa larangan din ng showbiz.

Mutual decision daw nila ng kanyang karelasyon na panatilihing pribado ang kanilang ugnayan para protektahan ito sa paninira ng iba.

Noong April 2019, inulat naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang impormasyon mula sa ilang trusted sources na ipinanganak ni Julia ang unang anak nila ni Coco.

Pero hanggang sa kasalukuyan ay parehong tahimik sina Julia at Coco hinggil dito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The latest photos of Julia Montes (in all-black outfit) from FPJ's Ang Probinsyano thanksgiving party fuel rumor that she is pregnant with Coco Martin's child. Seen in these photos are Julia and Coco together with co-star Sharon Cuneta (wearing Chanel sweater).
PHOTO/S: Sharon Cuneta Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results