Claudine Barretto thanks fans for appreciating her slimmer figure; defends P.A. against fan's rude remark

by Arniel C. Serato
Aug 18, 2022
Claudine Barretto claps back "rude fan" comment against assistant on Instagram
Claudine Barretto is now back to her slim figure after losing almost 60 pounds.
PHOTO/S: Courtesy: @claubarretto on Instagram

Ikinagagalak ng mga tagahanga ni Claudine Barretto na nanumbalik na ang magandang hubog ng katawan nito.

Intermittent fasting ang ginawa ng aktres kung saan halos 60 pounds daw ang nabawas sa kanyang timbang.

Sa Instagram post niya kahapon, August 17, 2022, ibinahagi ni Claudine ang tatlong larawan sa “kikay day” niya kasama ang dalawang trusted assistants.

Kita sa mga larawan ang malaking ipinayat ng aktres.

Unang nagkomento sa post niya ang TV host na si Mariel Rodriguez-Padilla.

Saad niya kay Claudine, “You are an inspiration ate.”

Tugon ni Claudine, “@marieltpadilla aww [heart emoji] luv u ma [heart emoji]”

Claudine Barretto claps back at fan's

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod naman nito ang mga papuri mula sa fans ni Claudine.

Sabi ng isa, parang nagbalik daw ang histura ni Claudine noong kanyang kabataan.

Sana raw ay ipagpatuloy nito ang kanyang fitness journey katulad ng pagpapatuloy nilang fans sa pagsuporta sa kanya.

Claudine Barretto claps back at fan's

Narito ang iba pang humanga kay Claudine:

Claudine Barretto claps back at fan's

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isa namang fan ng tambalan nina Claudine at Piolo Pascual ang may kahalintulad ding komento.

Ngunit, tila may patama ito tungkol sa personal assistant ng aktres na si Marisol “Sol” Acap.

Sabi ng netizen, hayaan na lang ni Claudine si Sol na kumain ng mga pagkain dahil malakas naman daw itong kumain. Huwag na raw niya itong gayahin.

Claudine Barretto claps back at fan's

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat natuwa si Claudine sa komento ng fan, pinaaalahanan niya itong huwag magsalita nang masakit at bastos laban sa kanyang personal assistant.

Mahal daw niya ang kanyang mga tagahanga pero mas mahal niya si Sol.

Katuwang din daw niya ang personal assistant sa pag-aalaga at pagtitiyaga sa kanyang pamilya at mga anak.

Buong komento ni Claudine, “sweetheart thank u sa praises mo.[heart emoji] but pls wala namang ganyang nakakasakit at nakaka bastos na salita tungkol kay Sol @marisol0125 kasi mahal ko kayo pero mahal ko si Sol.

“sana isipin natin lahat ng pagmamahal,pag aalaga at pagtitiyaga nya sa amin ng mga anak ko.nasasaktan talaga ako pag ginaganyan si Sol na pamilya ko na.kayo na mga mahal ko pag nag aaway na huhurt ako so pls wag ng ganyan sweetheart [praying hands, face throwing a kiss emojis]”

Claudine Barretto claps back at fan's

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami naman ang umaasa na tuluy-tuloy na ang pagbabalik-telebisyon ni Claudine matapos siyang lumabas sa Wisk Ko Lang ng GMA-7 noong August 13.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto is now back to her slim figure after losing almost 60 pounds.
PHOTO/S: Courtesy: @claubarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results